Aljur Abrenica Sinabing Parte Na Ng Kanyang Buhay Si Kylie Padilla! Araw-Araw Na Kinakausap!

Martes, Nobyembre 22, 2022

/ by Lovely


 Sa kamakailang panayam ni Aster Amoyo kay Aljur Abrenica inamin ng aktor ang tungkol kay Kylie Padilla.

Ayon pa kay Aljur Abrenica hindi niya tinatanggihan ang posibilidad na magkaka-ayos silang dalawa in the future. Dahil hindi naman umano niya alam ang maaring mangyari sa hinaharap.

Ibinahagi pa ng aktor na naging bahagi na si Kylie sa kanyang sarili dahil sa matagal nilang pagsasama na umabot na sa mahigit isang dekada.

“Isang dekada kami magkasama, part of myself is siya na. Hindi ko alam kung paano ko mapu-put into words pero hindi siya mawawala... “Yung iba nga sinasabi nila wala na talaga pero meron pa, di ba? Wala namang nakakaalam kung anong mangyayari,” pahayag ni Aljur.

Sinabi rin ni Aljur na araw-araw silang nag-uusap ni Kylie Padilla dahil sa kanilang co-parenting sa kanilang mga anak.

“Sa co-parenting kami nagfofocus ngayon kasi iisipin niyo na ‘yung mga bata eh. Almost every day nag uusap kami. Kahit hiwalay kami, we’re still learning from each other how to be good parents,” pagbabahagi ni Aljur.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo