Sharon Cuneta Muling Nabash Dahil Sa Mumurahing Regalo Kay Miguel!

Lunes, Oktubre 31, 2022

/ by Lovely


Naging mainit sa mga mata ng mga marites ang ibinigay na regalo ni Mega Star Sharon Cuneta sa kanyang bunsong anak na si Miguel.

Ibinahagi ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram account na sa pagtungtong ni Miguel sa edad na 13 ay maaari na itong gumamit ng cellphone. Kalakip nito ay ang larawan ni Miguel hawak-hawak ang isang basic phone.

Ani Sharon sa caption, "Someone is turning 13 on Oct.29 (and 27.😂 He likes “having two birthdays!”) and got a new, simple phone! All my kids started with simple cellphones! Look how happy he was to finally get one!"

Bagama't simple phone lamang ang hawak mababanaag naman sa mukha ni Miguel ang tuwa dahil nagkaroon na siya ng cellphone.

Samantala, may ilang mga netizens ang tila hindi nagustuhan ang pagbibigay ni Sharon ng ganoong uri ng cellphone sa anak. Napaka-simple at luma na umano ito. Bakit hindi na lamang smartphone ang ibinigay ni Sharon sa anak.

Subalit, may mga sumang-ayon naman sa Mega Star sa kanyang paraan ng pagdidisiplina sa anak. Sa panahon umano ngayon nakakatuwang may isang anak na hindi nagrereklamo gaano man kasimple ang naibibigay sa kanila ng mga magulang.

Nakakatuwa rin umano na may isang ina na kayang bigyan ng simple ang anak sa kabila ng kakayahang makapagbigay ng higit pa.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo