Sam Milby Napupusuang Maging Katambal ni Herlene Budol Sa Isang Pelikula Sa GMA7!

Lunes, Oktubre 31, 2022

/ by Lovely


Sa isang panayam sa presscon ni Sam Milby para sa kanyang iniendorsong produkto mula sa Beautederm, naitanong sa aktor ang tungkol sa balitang may offer sa kanyang ang kabilang network.

Hindi agad nakasagot si Sam sa tanong na ito at tinanong muna ang kanyang handler na si Caress Caballero ng Cornerstone Entertainment. Sa huli inamin ni Sam na totoong may natanggap siyang offer mula sa kabila. Ayon kay Sam, hindi natuloy ang negosasyon dahil may existing contract pa siya sa ABS-CBN.

Kasunod na naitanong kung ang ino-offfer ba sa kanya ay ang serye kung saan makakasama niya si Herlene Budol na 'Magandang Dilag'. Sa halip na sagutin sinabi na lamang ni Sam na, "I don’t know If I wanna talk about offers, but hangga’t kaya, I would not want to leave. Because ABS is the one who made me and where I am, and I appreciate it, you know, changed my life. As long as I can stay with them, as long as they need me, I will stay."

Sa kabila nito, hindi naman umano sinasara ni Sam ang posibilidad na makakatrabaho niya in the future ang mga artista mula sa ibang network.

Samantala, labis na natutuwa si Rhea Anicoche-Tan ang President at CEO ng Beautederm na sa wakas ay bahagi na ng kanilang pamilya si Sam Milby.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo