Toni Gonzaga, Binansagan Bilang Asia's Most Influencial!

Lunes, Oktubre 31, 2022

/ by Lovely


Tila hindi pa rin nagpapatinag ang mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano sa kaliwa't kanan pan-iintriga sa kanila.

Sa kabila ng natatanggap na pambabatikos at pagpapabanta ng pamboboycott, tuloy-tuloy pa rin ang pagdating ng mga blessings sa kanila. Ibinahagi ni Toni Gonzaga na kinuha sila ng kanyang asawa bilang cover ng bagong isyu ng magazine na Tatler Philippines.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Toni ang pahina ng magazine ng Tatler Philippines kung saan makikita sila ng kanyang asawa. Sa caption isinulat ni Toni ang kanyang pasasalamat.

Samantala sa Twitter account ni Direk Paul Soriano buong pagmamalaki rin niyang ibinahagi ang Tatler Philippines kung saan si Toni Gonzaga ang nasa cover. Sa nasabing magazine tinawag si Toni sa bansag na Asia's Most Influencial.

Matatandaang nagsimula ang mga kontrobersiya tungkol sa kanila dahil pinili nilang suportahan si President Bongbong Marcos noong nakaraang halalan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo