Gretchen Barretto binuweltahan si Sen. Bato sa pandidiin umano nito kay Ang sa senate hearing!

Lunes, Marso 28, 2022

/ by Lovely


Hindi napigilan ni Gretchen Barretto na pag-initan ang mga senador na bumibida sa imbestigasyon ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso hinggil sa masamang epekto ng online sabong  sa bansa. Isinagawa ang hearing ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinangungunahan ng dating PNP Cheif at ngayo'y senador na si Ronald "Bato" Dela Rosa. Sa naturang hearing imbitado ang mga nagmamay-ari ng mga naturang online sugalan kabilang na rito ang nachismis na boyfriend umano ni Gretchen Barretto na si Charlie Atong Ang na bussiness partner sa negosyong online sabong.

Mainit ang naging hearing sa senado lalo pa sa mga nauungkat na impormasyon hinggil sa nasabing digital sugal. Simula nang tumama ang pandemya sa bansa, maging ang paboritong past-time ng mga mahilig sa sugal gaya ng sabong ay pansamantalang natigil. Pero kung may ilang negosyo na nakahanap ng ibang deskarte via online para ipagpatuloy ang kanilang business. Ang mga gambling business boards ay naisip ring idigitalized ang sabong. Dahil available for all na ang naturang sugal, wala nang pinipiling edad ang tumataya rito. Manalo man o matalo marami sa ating mga kababayan ang naaadict sa online sabong at para maipagpatuloy ang bisyo at sa tyansang makabawi sa naturang sugal, nababaon ang mga ito sa utang. May ilan pa na nagbenta na umano ng anak. Maliban sa bentahan ng sanggol para lang may ikapambayad umano sa utang o pantostos sa bisyo. Naiulat ng pulisya na sunod sunod ang pagkawala ng sabungero na tinatayang nasa higit tatlumpong tao na. Nais tumbukin ng senado ang ugat kung may kinalaman ba ang operators ng online sabong sa pagkawala ng sabungero at kung may connection ba ang kanilang bisyo sa patong-patong nilang utang na may kinalaman sa online sabong.


Kabilang sa naimbitahan sa pagdinig ay si Atong Ang na hindi naman nagdalawang isip na humarap sa imbestigasyon. Batay kasi sa nakalap ng detalye ng senado, tatlo sa nawawalang online sabungero ay huling namataan sa kanyang arena. Pagmamay-ari ni Atong Ang ang Lucky 8 Star Quest Corporated na may tatlong arena ng sabungan. Pinabulaanan ito ni Atong Ang at sinabing wala siyang kinalaman sa sinasabing pagkawala ng mga sabungero. Giit pa nito, ang mga ginagawa ng mga senador sa kanya sa pagharap niya sa hearing ay trial by publicity. Sinisira nito umano ang kanyang pangalan at ang kredibilidad ng kanyang mga negosyo.

Sa kabila nito nagrequest si Ang ng isang executive session sa mga senador lalo na kay Chairman Bato Dela Rosa para doon niya ihayag ang mga sensitibong detalye at huwag itong isapubliko. Dito umano sa pribadong pakikipag-usap sa mga senador ay kanyang ilalahad ang mga sensitibong detalye. Hinamon ni Atong Ang ang mga senador na kung talagang siya ay may kinalaman sa pagkawala ng mga sabungero ay handa siyang isara ang negosyo. May conspiracy na binanggit si Atong Ang sa kanyang pahayag. Ang sinasabing conspiracy ay ang paninira umano sa kanya ng mga kapwa niya at kakompetensya sa sabong. Giit ni Ang na sila ang nasa likod ng paninira sa kanya na dahilan kung bakit siya iniimbestigahan ngayon ng senado at pinag-iinitan.


Pinangalanan ni Atong Ang ang anim na personalidad na umano'y nagdidiin sa kanya na kanya ring kalaban sa Onliner Gambling Industry. Ito umano ay sina Rudolfo "Bong" Pineda, Deputy Speaker Arnie Teves ng Negros Oriental, Former AGBIAG Party list Congressman Patrick Antonio, Mayor Elan Nagano ng San Leonardo Nueva Ecija, at dating PNP Chief Camilo Cascolan.

Sa pagdinig rin ng senado tila pumapalag si Atong Ang sa pagdiin sa kanya ni Senator Bato Dela Rosa para masuspende ang kanyang negosyo. Para na raw siyang pinagmumukhang guilty nito. Dito ay nagkasagutan sila ni Senator Bato Dela Rosa at sinabi sa kanya,

"Bakit sino ba ang nagsasabi dito na guilty ka?"

Pero giit ni Atong Ang tila ay sinisingle out siya ng senador at siya lang ang pinag-iinitan samantalang marami naman silang mga operator ng sabungan sa bansa. Pinabulaanan naman ito ng sendor at sinabihan na hindi siya nito sinisingle out. 


Sa kabila ng tahasang pagdedeny ni Atong Ang na wala siyang kinalaman sa pagkawala ng mga sabungero, sa sumunod na hearing ay humarap naman ang mga kamag-anak ng biktima at maging ang ilang witnesses na pinanglanan si Atong Ang bilang mastermind na siyang nag-utos na tuluyan  ang mga sabungero at ang codename raw nito ay Boss A.

Ayon sa isang witness sangkot rin sa kidnapan at patayan ang mga pulis na kasabwat umano ni Atong Ang kung saan ang bawat ulo umano ay limang libo. Dalawa lang daw kasi ang pagpipilian nila; kaso o patay. Ang ilan ay pinili na lamang umano ang kaso kung saan tinataniman sila ng pulisya ng droga kinunan ng larawan at sinampahan ng kaso.

Matapos ituro ng mga testigo si Atong Ang todo deny pa rin ito sa mga paratang sa kanya at sinesegway ang usapin hinggil sa conspiracy na nabanggit niya. Dahil sa pangyayaring ito todo tanggol naman sa kanya ang kanyang biusiness partner sa sabong na si Gretchen Barretto.

Binuweltahan ni Gretchen si Senator Bato Dela Rosa dahil sa pagdidiin nito kay Atong Ang. Sa kanyang social media story kung saan kinunan nito ng video ang TV screen kung saan pinapalabas ang senate hearing. May caption ito na,

Anong bago?

Sabay maririnig sa background ang boses nito criticizing Sen. Bato. Napuna rin ni Gretchen ang mamahaling relo ni Bato kahit hindi naman nito pinangalanan kung ano ang brand nito pero sabi niya,

"Ang mahal ng relo ni Bato saan kaya nanggaling yan? My gosh a senator has that watch. Oh my gosh. "

"How did Bato become a senator? Tingnan mo yung line of questioning niya. Kailangan talaga lawyer ang mga nakaupo. People vote wisely don't vote a Bato. My gosh dapat sayo gameshow."



Iginiit pa ni Gretchen na hindi naman raw malinis si Dela Rosa dahil tumatalpak o tumataya digitally din daw ito sa sabong. Kung tutuusin ay may pagkakautang pa nga raw si Bato sa E-sabong. Matatandaan na sobrang close ni Gretchen kay Atong Ang. Minsan na ring nagviral ang video nila noong nakaraang taon kung saan makikita na nasa sabong arena ang actress at tinuturuan siya ni Atong sa nasabing negosyo.

Marami ang pumuna at bumatikos kay Gretchen dahil sa pagkakasangkot nito sa E-sabong kung saan tinagurian pa siyang reyna ng E-sabong. Samantala maliban sa partner sa negosyo Atong and Gretchen are linked romantically kahit pa longtime partner ni Gretchen si Tonyboy Cojuangco. Madalas na spotted si Gretchen at Atong Ang na magkasama maging sa mga byahe abroad and they were very sweet. Pinabulaanan naman ito ni Atong ang pagiging malpit daw niya kay Gretchen ay hindi lamang sa kanya.

Samantala minsan nang naisiwalat naman ng kapatid ni Gretchen Barretto na si Marjorie Barretto na may relasyon si Atong Ang at ang kanyang kapatid na si Gretchen na kung saan inagaw lang diumano nito ang attensyon ni Atong sa kanyang batang pamangkin na si Nicole Barretto.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo