Alex Gonzaga, Ready ng Magpakasal kay Mikee?

Linggo, Mayo 10, 2020

/ by Sparkle


Alex Gonzaga: "Nag-propose na siya, sa paa ko. Pero wala, nag-walkout, umalis agad."

Ready na bang mag-asawa ang aktres at vlogger na si Alex Gonzaga? 

3 years na ang relasyon nina Alex at ng non-showbiz boyfriend niya na si Mikee Morada. 

Sa isang interview sa "Magandang Buhay", ibinahagi ng aktres na napag-uusapan na nila ng boyfriend ang pagpapakasal. 

Alex Gonzaga: "Napag-uusapan na namin. Siyempre ang fake naman kung hindi pa napag-uusapan at tumatanda na rin. But, alam namin kung saan ang time frame. Mayroon kaming time frame sa isa't isa."

Pero paglilinaw rin ni Alex, hindi sila nagmamadaling makasal ni Mikee. 

Alex Gonzaga: "First time akong nagkaroon ng karelasyon na nasa same kami ng page, same wavelength. So walang naiinip, walang nagmamadali, pareho." 

Nauna nang sinabi ng ate ni Alex na si Toni Gonzaga na boto siya sa boyfriend nito. Malaki rin daw ang ipinagbago ng kapatid nang makarelasyon nito si Mikee. 



Toni Gonzaga: "Nakita ko 'yung change of attitude ni Alex when it comes to handling relationships. Kasi ano 'yan kapag ayaw na, ayaw na. Ayaw na mag-effort. Tuwang-tuwa ako na pinapagalitan siya ni Mikee, kasi tapos na 'yung trabaho ko. May iba nang nagagalit para sa akin." 

Panuorin ang video:




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo