Kim Chiu May Nakakakilig Na Mensahe Para Kay Paulo Avelino Sa Birthday Nito

Walang komento

Martes, Mayo 14, 2024


 Kim Chiu, may nakakakilig na pagbati para kay Paulo Avelino sa kamakailang pagdiriwang ng kaarawan nito.


Tuwang-tuwa ang mga fans ng tamabalang Kim Chiu at Paulo Avelino matapos magbigay ang aktres ng nakakatouch na mensahe para sa kaarawan ng aktor.


Ipinagdiwang ng aktor na si Paulo Avelino ang kanyang ika-36 na kaarawan noong May 13, 2024.


Hindi kinalimutan ni Kim Chiu ang kaarawan ng kanyang co-star na si Paulo Avelino, sa Instagram account ng aktres, hindi lamang simpleng pagbati ang kanyang ginawa para rito.


Sa unang post ni Kim Chiu, ibinahagi niya ang isang larawan ng aktor kalakip ang kanyang pagbati para rito.


"Happy Birthday, Victor/BMC/Paulo."


Matatandaan na ginampanan ni Paulo Avelino ang papel bilang Victor sa unang collaboration nila ni Kim Chiu sa seryeng Linlang. Ang initials naman na BMC ay ang karakter na ginampanan naman ng aktor sa ikalawang serye nila ni Kim Chiu na What's Wrong With Secretary Kim?


Inulit pa ni Kim Chiu ang kanyang pagbati kay Paulo Avelino sa kasunod niyang post kung saan makikitang tila pagod ang aktor at may maliit lamang na ngiti sa labi.


Sa pagkakataong ito ay may mensahe na si Kim Chiu para kay Paulo Avelino kung saan sinabihan niya ang aktor na palaging ngumiti dahil mas nababagay umano ito sa kanya, may wink sign pa si Kim Chiu sa kanyang pagbati.


Ang ikatlong pagbati naman ni Kim Chiu sa aktor, ay ang pagbabahagi ni Kim Chiu ng larawan nilang dalawa suot ang matching t-shirt mula sa The Eras Tour ni Taylor Swift.


"P birthday swiftie," caption ni Kim Chiu na naka-mention pa si Paulo Avelino na tila tinutukso ito ng aktres sa pagiging isang fan ni Taylor Swift.


Maging ang mga fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino ay bumati rin sa aktor.


Samantala, marami naman ang kinilig sa pabati ni Kim Chiu sa kanyang leading man na si Paulo Avelino, marami ang nagsasabing nagkakamabutihan na talaga ang dalawa.


Kumakalat rin ngayon ang ilang mga behind the scenes sa seryeng pinagsasamahan ngayon ni Paulo Avelino at Kim Chiu kung saan makikitang nagsi-share minsan sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa iisang tumbler.


Kaagad namang pinasalamatan ni Paulo Avelino ang lahat ng mga netizens at fans na hindi nakalimutan ang kanyang kaarawan.



Finally, May Good News Na Sa Kalagayan Ni Kris Aquino Sa Amerika

Walang komento


 Tuwang-tuwa ang maraming mga tagahanga ng Queen Of All Media na patuloy na humihiling na maging maayos na ang kalagayan nito ngayon habang patuloy na na nagpapagamot sa Amerika nang magbahagi ang isang columnist ng panibagong update patungkol sa kasalukuyang kalagayan nito.


Ayon kay Dindo Balares, good news ito para sa mga taong patuloy na humihiling na muling manumbalik ang lakas ni Kris Aquino.


Kamakailan lamang ay nagbahagi ng isang update ang kilalang kaibigan ni Kris Aquino na si Dindo Balares, kung saan isiniwalat niya ang mga napag-usapan nila.


Sa nasabing post ni Dindo Balares, hiniling sa kanya ni Kris Aquino na iparating ang pasasalamat nito sa lahat ng mga taong patuloy na humihiling na maging maayos na ang kanyang kalagayan.


Narito ang pagbabahagi ni Dindo Balares mula sa kanyang Instagram post.


"Can you please thank everyone praying for me?"


Biglang change gear na sabi ni Krisy @krisaquino habang pinag-uusapan namin kanina ang findings ng kanyang cardiologist.


"There’s a problem with my heart, Kuya Dindo - genetics. Very high cholesterol and triglycerides that at this point can’t be treated because I am underweight (91 lbs)," unang balita niya.


Biniro ko siya, "Palit tayo ng heart."


Kung minsan, ganito kaming dalawa. 'Pag seryoso ang isa, pinagagaan naman ng isa pa ang usapan.


"My BP (blood pressure) is misbehaving - I am normally 145/122 with heartrate of 110-130. It’s the diastolic & heart rate na scary," sabi pa ni Krisy.


"Lokong BP 'yan, mana sa ating dalawa."


Aakalain siyempre ng iba na sutil at hindi ako matinong kausap, pero sa ganitong way kami mas mabilis magkaintindihan.


Backgrounder: Amused o napapabungisngis kami ni Krisy 'pag may common friend o kakilala kami na sinasabihan siyang pasaway daw ako, matigas ang ulo ko o misbehaving ako. Kasi ang punchline niya: "That's why magkasundo kami."


At biglang lipat nga siya ng topic.


"Kuya Dindo let’s focus on this. My autoimmune is finally responding to the methotrexate (my chemotherapy). Finally! And the good air quality in Newport Coast," positibong balita niya.


"Can you please thank everyone praying for me?" dagdag niya.


"Sure, siyempre!" sagot ko. At nag-double check kung puwede kong ilabas ang details.


"Magaling talaga the combination of medicine I’m being given. It’s just that after the Methotrexate & Dupixent I am super bagsak for four days. UCLA (University of California, Los Angeles) is very impressive.


"We don’t have Dupixent at home."


"God's grace na pinapunta ka Niya d'yan, Krisy," sabi ko.


"Matagal pa our reunion."


I can always wait, wika ko.


"I miss my sisters so much."


Alam natin pareho, Krisy na ganoon din sila sa iyo.


"Time for my meds. Yes, Kuya Dindo please thank everyone praying."


At muli siyang naglambing ng patuloy na panalangin para sa kanyang kalusugan.


Muli, maraming-maraming salamat po sa prayers, pagmamahal at malasakit para kay Krisy."


Bagama't nagrerespond na ang autoimmune condition ni Kris Aquino sa chemotherapy ay patuloy pa rin itong mananatili sa Amerika dahil karamihan sa mga gamot nito ay hindi pa available sa Pilipinas.



Daniel Padilla Kapuso Star Ang Bagong Leading Lady

Walang komento


 Nilinaw na ng isang mapakakatiwalaang source na wala na talagang mangyayaring comeback mapa-real life man o bilang onscreen partner sa dating kilalang loveteam at real life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Ayon sa nasabing source, malabo nang manumbalik pang muli ang pagmamahalan ng dalawa na nasira na. Taliwas naman ito sa paniniwala ng ama ni Daniel Padilla na si Rommel Padilla na maaaring pang mabigyan ng panibagong pagkakataon ang pagmamahalan ng dalawa.


Kailangan lamang umano nila ng space upang makapagmuni-muni. Isiniwalat din ni Rommel Padilla na patuloy ring humihiling ang buong angkan ng Padilla na muling magkakabalikan pa sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sayang rin naman ang kanilang nasimulan.


Samantala, naniniwala ang kilalang source na talagang malabo nang magkabalikan pa ang dalawa dahil pareho nang naka-move on ang mga ito at parehong abala sa kanya-kanyang mga buhay at sa kanilang mga careers sa showbiz.


Sa ngayon ay wala na umanong balak si Daniel Padilla na pumasok sa isang relasyon dahil abala ang actor sa kanyang mga nakalatag na proyekto.


Kasalukuyang naghahanda umano ang aktor sa kanyang single album na ilalabas na susundan naman ng kanyang concert.


Bukod pa rito, marami ring projects na nakalatag para kay Daniel Padilla na sisimulan ang taping sa taong ito, Marami naman ang nak-curious kung sino ang magiging panibagong leading lady ni Daniel Padilla ngayong tuluyan nang nabuwag ang tambalan nila ni Kathryn Bernardo.



Ayon naman sa souce, ay mayroon nang bagong leading lady si Daniel Padill subalit hindi pa umano ito maaring isiwalat sa ngayon.



Whamos Cruz Inulan Ng Batikos Matapos Bigyang Mamahaling Regalo Si Diwata!

Walang komento


 Umani ng pambabatikos ang social media personality na si Whamos Cruz mula sa mga netizens matapos niyang bigyan ng gold bar si Diwata, na sinabing nakatulong sana ang influencer sa ibang mga na totoong nangangailangan nito


Sa kamaikailang vlog, ipinakita ni Diwata ang regalong natanggap niya mula kay Whamos at sa asawa nitong si Antonette Gail na isang gold bar na may certification of authenticity.


Bukod sa gold bar, ipinakita rin ni Diwata ang laptop at cellphone na kasamang ibinigay sa kanya nginfluencer couple.


Sa nasabing post, pinasalamatan ni Diwata si Whamos Cruz ang asawa nito sa pabibigay sa kanya ng mga bagay na labis na makatulong  sa kanya.


Gayupaman, marami naman sa mga netizens ang hindi nagustuhan ang ginawang ito ng mag-asawang Whamos Cruz at Antoinette Gail. Marami ang mga kumukwestiyon sa pagbubuhos ng biyaya para kay Diwata gayung tila hindi naman na nito kailangan ang mga ito dahil mayroon naman itong negosyo.


Bukod pa rito, marami na rin namang mga vloggers at celebrities ang nagbibigay ng tulong kay Diwata katulad na lamang kina Rosmar, Vice Ganda at marami pang iba.


Marami ang nagsasabing sana ang binigyan ni Whamos ng tulong ay iyong mga nanlilimos na totoong walang-wala.


Hinala naman ng ilan pang mga netizens na ginagawa lamang nina Whamos at ng iba pang mga influencer ang pagbibigay kay Diwata para sa clout na nakukuha nila ngayong labis ang pagsikat ng paresan business nito sa Pasay City.


“The givers are just wanting publicity. Bakit need pa bigyan yan eh ang laki na ng kinikita nyan. Dpat yung mga needy tlaga bigyan ng tulong yung mga walang makain, walang travaho or walang bahay.” 


Sa kabilang banda, marami naman sa mga tagahanga ni Diwata ang lalo pang nasiyahan sa patuloy na pagtanggap ni Diwata ng mga blessings na deserve naman umano nito.



Vice Ganda Idedemanda Na Rin Si Cristy Fermin

Walang komento


 Nag-viral laman ng mga usap-usapan sa social media ang Unkabogable Star at It's Showtime host na si Vice Ganda matapos ang kanyang pagpapahiwatig tungkol sa pagsasampa ng kaso laban sa isang indibidwal.


Sa isa sa mga episode ng It’s Showtime, isiniwalat ni Vice Ganda ang kahilingan ng marami sa kanyang mga tagahanga, kasama na rin ang pagsasampa ng kaso sa isang tao.


Ayon kay Vice Ganda, may mga madlang pipol na nagrerequest sa kanya, kung ano-ano na lamang umano ang naiisip kagaya na lamang ng paggawa ng Asoka Challenge, Piliin ang Pilipinas challenge at maging ang pagdedemanda.


Tinanong naman ni Vice Ganda ang kanyang mga tagahanga kung ano talaga ang gustong nilang ipagawa sa kanya, ang gumawa ng challenge o kaya naman ay magdemanda.


Samantala, marami naman sa mga netizens ang naghinala na si Cristy Fermin ang idedemanda ni Vice Ganda dahil sinabi ito ni Vice Ganda sa patong-patong na kasong cyber libel na kinakaharap ni Cristy Fermin mula sa ilang mga celebrity at personalidad na nagiging paksa sa mga online programs nito.


Kabilang na ang ina ni Sarah Lahbati, Bea Alonzo at ang mag-asawang sina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan.


Hindi na rin naman lingid sa kaalaman ng lahat na ilang beses na ring binatikos ni Cristy Fermin sa Vice Ganda. Pinupuna ni Cristy Fermin ang pagkatao ng komedyante at hindi rin ito bilib sa relasyon nila ni Ion Perez.


Bukod pa rito sinabihan pa noon Cristy Fermin si Vice Ganda na ang amoy ng hininga ng komedyante ay katulad ng sa patay na daga.



Katotohanan sa Health Status ni Billy Crawford, Ganito Ang Kanyang Lifestyle

Walang komento

Lunes, Mayo 13, 2024


 Nagbigay ng update si Billy Crawford sa kanyang mga fans kasunod ng mga concern na kanilang ipinahayag matapos mag-viral sa social media kung saan makikita siyang payat at may namumutok na eyebags.


Marami ang nag-alala dahil tila nagkasakit umano ang aktor o kaya naman ay may matinding problema na kinakaharap.


Sa kanyang Instagram post, nagbahagi si Billy Crawford ng larawan matapos makapagpahinga mula sa matagal na byahe mula sa ibang bansa. Hiniling niya sa kanyang mga tagasuporta na magrelax na at huwag nang mag-alala pa dahil maayos na maayos naman ang kanyang kalagayan.


Matatandaang nag-viral ang isang screencap mula sa isang video na kuha habang kumakain si Billy Crawford kasama ang kanyang anak na si Amari kung saan makikitang tila nangayayat ito dahil sa labis na pagbagsak ng timbang.


Nagresulta  ito sa pagtatanong ng ilang netizens kung mahina na ba siya dahil sa kanyang payat na hitsura o mayroon siyang bisyo na dahilan para masira ang kanyang pangangatawan.


Samantala ipinaliwanag na ni Billy Crawford sa kanyang mga nakaraang panayam na ang kanyang pagbabawas ng timbang ay resulta ng kanyang healthy lifestyle and diet. Iginiit niyang wala siyang anumang bisyo maski ang pag-iinum ay itinigil na rin umano niya.


Ayon sa kanya, nagsagawa siya ng intermittent fasting at ang keto diet.


Maging ang kanyang asawang si Coleen Garcia ay nag-publish din ng isang open letter upang tugunan ang mga alalahanin mula sa mga tagahanga ng kanyang asawa, na nagsasabi na ang hitsura nito ngayon ay nagmumukhang may malubhang sakit kaysa sa pagiging malusog.




Karla Estrada, Ipinagdasal Ang Kalagayan Ng Kanyang Anak Na Si Daniel Padilla

Walang komento


 Nagbigay ng saloobin ang celebrity mom na si Karla Estrada sa kasalukuyang kalagayan ng kanyang anak na si Daniel Padilla, na patuloy na nahaharap sa pambabatikos matapos ang breakup nila ni Kathryn Bernardo.


Sa isang panayam kay Bernadette Sembrano, sinabi ni Karla Estrada na naging topic si Daniel Padilla sa buong mundo. Napuno itong pambabatikos at naniniwala siyang nakaapekto din sa kanyang anak ang kamakailang mga isyu na kinaharap nito.


Gayunpaman, sinabi ni Karla Estrada na si Daniel Padilla lamang ang nakakaalam ng kanyang estado, at ang tanging magagawa niya ay ipagdasal ang kanyang anak.


“Yung anak ko, pinag-usapan naman ng buong daigdig ‘yan ano. And I always pray that he will be okay. But at the end of the day, yung question na kamusta yung anak ko, kamusta si Daniel, si Daniel lang ang tanging makakasagot ng buo non.” 


Inalala rin ni Karla Estrada ang mga nagawa niyang mga kamalian noon at kung ano ang kanyang mga natutunan mula rito na siyang itinuturo rin umano niya sa kanyang mga anak.


Gayunpaman, nangangako naman si Karla Estrada na kahit na anong mangyari ay naroon siya para alalayan ang kanyang mga anak sa oras na hindi na makayanan ng mga ito ng mag-isa ang mga problema.


“Kailangan mong magkamali para may matutunan ka at maging maayos ka o maging mabuti kang tao after that. Andito lang ako lagi sa likod ni DJ, if ever na tawagan niya ko at gusto niya akong makausap,” pahayag ni Karla Estrada.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na si Daniel Padilla ang nakatanggap ng matinding pambabatikos mula sa mga netizens nang maghiwalay sila ng kanyang dating nobya na si Kathryn Bernardo matapos magsilabasan ang mga isyu at baho ng aktor na matagal nang nakatago.




Matapang Na Reaksyon ni Cristy Fermin Sa Kaso Laban Ni Sharon, Kiko Pangilinan

Walang komento


 Sinagot beteranong kolumnista na si Cristy Fermin angSa kanyang programa, Cristy Ferminute, tumanggi si Cristy na magbigay ng opisyal na pahayag kasunod ng mga kaso na natanggap niya mula sa celebrity couple.


Sa kanyang programang Cristy Ferminute, tumanggi si Cristy Fermin na magbigay ng opisyal na pahayag kasunod ng mga kaso na natanggap niya mula sa celebrity couple at sa iba pang mga indibidwal.


Gayunpaman, naniniwala siya na ang pagkakademanda ay bahagi lamang ng kanyang tungkulin at trabaho 

bilang isang "journalist."


“Naiintindihan po natin kung saan sila nagmumula kung paanong dapat rin nilang unawain kung ano ang aming trabaho, ‘yun lamang po ‘yun. You don’t shoot the messenger,” saad ng batikang kolumnista.


Dagdag pa niya, “Basta naiintindihan natin kung saan sila nagmumula. Wala pa po akong masasabi. Wala pa kaming impormasyon na tinatanggap. Basta naiintindihan natin ito. ‘Yan ay kasama po sa ating trabaho bilang mamamahayag.”


Iginiit pa niya sa kanyang pamilya at sa lahat na wala namang dapat ikahiya sa kasong cyber libel dahil kasama lamang ito sa kanyang trabaho, mas nakakahiya kung ang kasong kakaharapin niya ay pagnanakaw.


Matatandaang sinabi ni Sharon Cuneta na ang kanyang mga anak ang naapektuhan sa naging pahayag ni Cristy Fermin laban sa kanya at naapektuhan na rin umano ang kanilang pamilya.


Sa kabilang banda bukod kay Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan, sinampahan din ng kaso si Cristy Fermin nina Bea Alonzo, at ng ina ni Sarah Lahbati.


Hindi na rin naman ito bago kay Cristy Fermin dahil noon pa man ay marami na ang nagdedemanda ng cyber libel o kaya naman ay libel labang sa kanya.




G Toengi Pinag Reretire Si Cristy Fermin, Matanda Na!

Walang komento


 Iminungkahi ng dating aktres na si Giselle Töngi-Walters, na kilala bilang G. Toengi, na isaalang-alang ni Cristy Fermin ang pagretiro dahil nahaharap na siya sa maraming kaso mula sa iba't ibang personalidad.



Matatandaang nagsampa ng kaso laban kay Cristy Fermin ang ina ni Sarah Lahbati, Bea Alonzo, Sharon Cuneta, at Kiko Pangilinan dahil sa kanyang mga pahayag sa kanyang mga online programs na Cristy Ferminute at Showbiz Now Na.


Sa kanyang tweet, ipinahayag ni Giselle ang kanyang paniniwala na ito na ang tamang panahon para magretiro si Cristy Fermin sa pagiging isang showbiz columnist.


Maging si Giselle ay nakatanggap rin ng batikos noong 2020 mula kay Cristy Fermin matapos punahin ng dating aktres si Arnell Ignacio.


Sa kanyang programang Cristy Ferminute, tinalakay ni Cristy Fermin ang trabaho ni Giselle bilang isang ‘waitress’ sa Amerika.


Maging si Giselle ay tumanggap ng batikos noong 2020 mula kay Cristy matapos punahin ng dating aktres si Arnell Ignacio.


Sa kanyang programa, Cristy Ferminute, tinalakay ni Cristy ang trabaho ni Giselle bilang isang ‘waitress’ sa Amerika.


“Inilabas niya po ang kanyang diploma dahil tapos na po siya UCLA (University of California) at hindi lang po siya graduate, with honors pa,” saad ni Cristy Fermin.


“Nagalit ang mga kababayan natin ang yabang yabang ipamahagi sa buong mundo na graduate ka sa University of California tapos with honors ka pa, pero bakit ka sawsaw ng sawsaw, pwede bang pakialaman mo nalang at asikasuhin ang pagiging waitress mo diyan sa America?” dagdag pa niya.


Tinawag din niyang “hitad” o malandi si Giselle, na sinasabing natanggap niya ang impormasyon mula sa dating manager ng dating aktres.


Sa ngayon ay wala pang sagot si Cristy Fermin kay Giselle na nagsasabing dapat na siyang magretiro dala ng katandaan.



Xian Lim May Mahalagang Mensahe Para Manahimik Na Si Kim Chiu Sa Kanya!

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang mensahe ni Xian Lim para sa kanyang ex-girlfriend na si Kim Chiu matapos ang kanyang pag-amin na masaya na siya ngayon sa piling ng kanyang panibagong girlfriend na si Iris Lee.


Sa kamakailang episode ng Family Feud, naging guest si Xian Lim kung saan natanong siya ni Dingdong Dantes kung ano sakaling makakasalubong niya ang kanyang ex ano ang itatanong niya rito.


Unang nag-alinlangan si Xian Lim sa katanungang ito ni Dingdong Dantes. Subalit, kalaunan ay nagbigay na rin ito ng kasagutan kay Dingdong Dantes matapos ang pagbibigay ng sagot ng kanyang kasamahan na si Coleen Garcia.


"I think 'pag nakasalubong mo ang ex mo, you say should na… ‘I hope you do find happiness, that it is you are looking for," pahayag ni Xian Lim.


Dagdag pa niya, "Ganun lang dapat masaya, di ba? Dapat masaya kayo para sa isat’ isa."


Bagama't hindi naman sinabi ni Xian Lim, kung sino sa kanyang mga ex ang kanyang pinapatungkulan, marami ang naghinala na para ito kay Kim Chiu na siyang recent ex-girlfriend niya.


Matatandaan na noon lamang December 23, 2024 kinumpirma nina  Kim Chiu at Xian Lim sa pamamagitan ng kanilang Instagram post ang pagtatapos ng kanilang relasyon.


Hindi naman sila nagbigay nang anumang dahilan kung bakit nagwakas ang mahigit dekada nilang pagmamahalan. Subalit, marami ang naghinala na pagkakaroon ng third party ang dahilan kaya mabilis na lamang nilang napagpasyahan na maghiwalay na lamang.


Makalipas ang ilang buwan tuluyan nang inamin ni Xian Lim na masaya na siya ngayon sa piling ni Iris Lee, ang babaeng iniuugnay na sa kanya bago paman ang pag-amin nila ni Kim Chiu sa kanilang hiwalayan.


Naglabas na rin naman ng pahayag si Xian Lim kung saan iginiit niya na hindi naging third party si Iris Lee dahil nauna umano silang maghiwalay noon ni Kim Chiu bago niya niligawan ang dalaga.



@familyfeudph #FamilyFeudPH #Highlights ♬ original sound - Family Feud Philippines

Heart Evangelista Nawalan Na Naman ng Panibagong Anak

Walang komento


 Ibinunyag ng Kapuso actress at Fashion icon na si Heart Evangelista na nawalan siya ng baby boy noong Mother's Day.


Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Heart Evangelista kung paano nawala ang kanilang baby boy ni Senator Chiz Escudero.


"A few days ago our baby boy's heart stopped beating 🕊️ this will be our 4th angel," pagbabahagi ni Heart Evangelista.


Ayon kay Heart Evangelista, ang pagkawala ng kanilang pang-apat na anak ni Chiz Escudero ay isa sa kanyang pinakamalaking heartbreaks. Inilahad din niya sa kanyang post ang pasasalamat sa kanyang mga unborn angels dahil sa pagsusumikap umano ng mga ito na makasama sila.


Kahit pa hindi naman naisilang ang kanilang anak ay pinangalan na ito ni Heart Evangelista na 'Francisko'. Ipinahayag niya na kahit pa hindi pa niya ito nahahawakan ay mahal na mahal na niya ito kaya naman hiling niya na sana ay darating rin ang pagkakataon na mapagbigyan siya na magkaroon ng sariling anak.


"and although this could be one of my biggest heartbreaks … thank YOU for still for trying to be with me and for making me feel so much love already . Love and hope that this world could never give … i love you “francisKo” i shall keep my heart intact while you find your way back to us .To all the mothers , fur moms, mothers to friends , thank you for your heart and all the women like me … going through same struggle … Happy Mothers Day"


Sumulat din si Heart Evangelista ng letter para sa kanyang anak na si Francisko.


"My son Francisko,


I was sure to meet you soon. I had prepared a few things that you may like but for some reason your beating heart lost its way to us. I don't blame you for being scared- it is a scary world but I would like to let you know that I was prepared for you. Even if I am heartbroken, I will keep my heart intact while you find your way back to us. Your beating heart has healed me in so many ways. I love you anak, I'll be waiting for you.


Mama Heart."


Marami naman ang nakisimpatya kay Heart Evangelista lalo na ang mga kababaihan na humihiling na mabigyan rin ng anak kagaya kay Heart, darating din umano ang panahon para ang panalangin naman nila ang dinggin at mapagbigyan.


Pamilya Ni Dominic Roque Ayaw Na Kay Bea Alonzo Dahil Sinira Nito Ang Pagkatao at Career Ni Dominic!

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang isyung inayawan na rin ng mga magulang ng actor-model na si Dominic Roque ang kanyang ex girlfriend na si Bea Alonzo dahil sa pagsira ng reputasyon ng kanilang anak na maaring makaapekto sa career at negosyo nito.


Inayawan na rin umano ng mga magulang ni Dominic Roque ang Kapuso actress na si Bea Alonzo, matapos makarating sa kanila ang ginawa ng aktres na tila panghahamak sa kanilang anak dahil lamang sa mas mayaman siya kaysa rito.


Pinagsabihan na rin umano ng mga magulang ang aktor na itigil na ang panunuyo kay Bea Alonzo na ipinagsigawan na sa buong mundo na ayaw na sa kanya.


Isa sa mga naging dahilan nito ay ang pananahimik ni Bea Alonzo sa mga masasamang balita na ibinabato ng mga tao laban kay Dominic Roque sa kasagsagan ng hiwalayan isyu ng dalawa.


Hindi umano nagustuhan ng mga magulang ni Dominic Roque at maging ng kanilang pamilya ang pananahimik ni Bea Alonzo na tila ba ay lalo umano nitong idinidiin ang aktor at modelo. 


Gayung kaagad naman siyang ipinagtanggol noon ni Dominic Roque nang kumalat ang isyung si Bea Alonzo talaga ang mayroong problema dahil palaging nauuwi sa masalimoot na hiwalay ang kanyang mga relasyon.


Tila ipinapalabas umano palagi ni Bea Alonzo na siya ang nabibiktima sa bawat hiwalayang nagaganap gayung may kontribusyon naman umano ito kaya hindi nagiging maayos ang kinauuwian ng mga relasyon nito.


Sa ngayon ay hindi na umano feel ng mga magulang at kapamilya ni Dominic Roque si Bea Alonzo matapos malaman ang totoong ugali nito at ng mommy nito na mga matapobre.



KC Concepcion Nag-Reach Out Sa Inang Si Sharon Cuneta Matapos Isiwalat Ang Kanilang Hindi Pagkakaunawaan

Walang komento


 Nakatanggap ng Mother’s Day greeting ang Megastar na si Sharon Cuneta mula sa kanyang panganay na anak na si KC Concepcion, ilang araw lamang matapos niyang ihayag ang isyu nila sa kanyang anak.


Matatandaang nilinaw na ni Sharon Cuneta ang mga isyu sa pagitan nila ni KC Concepcion, na malapit na umanong umabot sa puntong susumuko na siya sa pagtatangkang makipag-ugnayang muli sa kanyang anak.


Inilarawan ni Sharon Cuneta ang status nila ngayon ni KC Concepcion bilang “estranged,” ibig sabihin ay nagdesisyon silang hindi na magpakialaman pa.


“Ano man din ang problema ng panganay ko, because at this point we are estranged I’m very very hurt, pero there are things na ‘tama na ‘yon’ there are things na amin nalang,” pag-amin ni Sharon Cuneta.


Sa kabila naman nito, inilahad ni Sharon Cuneta na mahal na mahal pa rin niya ang kanyang anak na si KC Concepcion. Napapagod na lamang umano siyang ipagsisikan ang kanyang sarili.


Hindi naman nagbigay ng dahilan si Sharon Cuneta sa kung ano ang totoong pinag-ugatan ng kanilang tampuhan ni KC Concepcion, sinabi lamang niyang napapagod na siyang ipagsisikan pa ang kanyang sarili.


Samantala, nagbigay naman ng mensahe si KC Concepcion para sa kanyang ina nitong Mother's Day Celebration, na labis na ikinamanghan ng kanyang mga tagasuporta. Ipinahayag ni KC Concepcion ang kanyang gratitude para sa kanyang inang iniluwal siya at ang kanyang pagmamahal para rito.


"To my beautiful mama, it’s your day I pray for us to enjoy life’s pleasures and adventures together soon. You’re the first person I ever met, and ever loved, it’s because of you that I’m here today. Trust in the way you raised me- I will always strive to make you proud and feel that having me was worth it  I love you. I wish I could give you the world so you wouldn’t have to worry about anything for another second. Happy Mother’s Day mama!" mensahe ni KC Concepcion sa kanyang ina.


Marami naman sa mga netizens ang nagpapayo ngayon kay KC Concepcion na kausapin ang kanyang ina upang maayos na nila ang kung ano mang hindi napagkakasunduan.

Malaking Pasabog Ni Dina Bonnevie Ngayon Lang Nilabas! Panloloko Ni Vic Sotto at Conney Reyes

Walang komento


 Binalikan ng batikang aktres na si Dina Bonnevie ang paghihiwalay nila noon ng dating asawa na si Vic Sotto.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakakarami isa sa mga dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Dina Bonnevie at Vic Sotto ay dahil sa naging relasyon nina Vic Sotto at kapwa Eat Bulaga host noon na si Conney Reyes.


Sa kamakailang panayam ni Boy Abunda kay Dina Bonnevie programa nitong Fast Talk With Boy Abunda, isa sa mga naging paksa ng kanilang pag-uusap ay ang hiwalayan nina Vic Sotto at Dina Bonnevie.


Matatandaan na naghiwalay noon sina Dina Bonnevie at Vic Sotto matapos ang pagkakaroon nila ng dalawang anak na sina Danica at Oyo.


Nang tanungin naman umano ni Dina Bonnevie si Vic Sotto kung bakit nito nagawa sa kanya ang panloloko, sinagot lamang siya nito na dahil sa pagiging inexperienced niya.


Ayon kay Dina Bonnevie, kahit na may malaki silang problema noon ni Vic Sotto at napapadalas ang kanilang pagtatalo ay hindi umano nila ipinapakita ito sa kanilang mga anak.


Hindi rin umano niya sinisiraan si Vic Sotto sa kanilang mga anak dahil Kahit pagbabaliktarin man ang mundo ay ito pa rin ang ama nila.


Aminado naman si Dina Bonnevie na nahihirapan siyang magpaliwanag sa kanilang mga anak ni Vic Sotto nang dinadala na nito ang kanyang anak kay Conney Reyes na si Vico Sotto.


Palagi umanong nagtatanong ng kanyang mga anak kung sino ang batang kasama ng kanilang amang si Vic Sotto na minsan ay kinakarga din nito.


Inamin rin ni Dina Bonnevie na talagang nahihirapan siyang magpaliwanag noon sa kanilang mga anak dahil sa murang edad niya, na 23 noong mga panahong iyon.


Naitanong rin ni Boy Abunda kung nagkausap ba sila noon ni Vic Sotto at Conney Reyes. Kaagad naman itong sinagot ni Dina Bonnevie ng oo, subalit sa maayos na paraan. Walang sabunutang naganap.


Gayunpaman, dala ng pagiging immature, hindi naiwasan ni Dina Bonnevie pagkumparahin ang mga katangian nilang dalawa ni Conney Reyes.


Tinatanong umano niya ang kanyang sarili kung ano ang nagustuhan rito ng kanyang asawa gayung mas maganda naman siya at mas bata.


Subalit, sa huli ay napagtanto umano niyang hindi lang naman pisikal na anyo ang batayan sa pag-ibig.


"And then eventually, you mellowed down and say, 'How dumb of me. It’s not in the physical world, girl. It has nothing to do with physical. It’s probably the meeting of the minds.'


“Kasi that time, Vic also wanted to start producing and, of course, I could not contribute anything to that because I was young. Malay ko about producing?


“I wasn’t even in the corporate world yet.


"Maybe at the time, there was a meeting of the minds because they were both learning the ropes of production. And, I think, she was already producing then," pagbabalik tanaw ni Dina Bonnevie.


Inamin din ni Dina Bonnevie na matagal niyang napatawad sina Vic Sotto at Conney Reyes subalit noong napatawad na niya ang mga ito ay pinadalhan niya ng mga bulaklak.


Ipinahayag din ni Dina Bonnevie na isa sa lalong nagpapahirap sa kanya ay ang pagiging magbestfriend nila noon ni Conney Reyes.




Anne Curtis Pinaringgan Si Xian Lim Dahil Sa Pag-uutos Kay Kim Chiu!

Walang komento

Muli na namang pinasaringan ng actress at It's Showtime host na si Anne Curtis ang controversial actor-director na si Xian Lim sa ginawang paraan nito sa pakikipagbreak kay Kim Chiu para maligawan na si Iris Lee.


Sa kamakailang episode ng It's Showtime sa segment na Expecially For You, naitanong nina Anne Curtis at Vice Ganda ang kanilang contestant kung paano sila naghiwalay ng kanyang ex-boyfriend.


Dito naibahagi ng kanilang contestant na nakipagkita sa kanya ang kanyang ex-boyfriend para lamang makipag-break sa kanya.


Hindi naman napigilan ni Anne Curtis na maisiwalat na mas malala pa ang ginawa sa isa sa kanilang kakilala sa ginawa ng ex-boyfriend ng kanilang searcher. Dahil ang kakilala umano nila ay niyaya munang makipagdate, pinagluto pa ng steak, bago brinake.


Bagama't hindi naman sinabi ni Anne Curtis na si Kim Chiu ang kanyang tinutukoy sa kanyang pahayag, malakas naman ang pakiramdam ng maraming mga netizens na itoang nangyari dahil nauna nang naging laman sa social media ang balitang bago nakipagbreak si Xian Lim kay Kim Chiu ay inutusan muna nito ang aktres na ipagluto siya ng paboritong steak.


"Naalala mo meron dito, nag-aya muna ng date, kumain ng steak tapos tsaka nalang brineak."


Naniniwala naman ngayon ang ilang mga madlang pipol na ang naging pahayag ni Anne Curtis ay patama niya kay Xian Lim.


Samantala, marami naman ang nanghinayang dahil noong ipinahayag ito ni Anne Curtis sa It's Showtime ay absent si Kim Chiu.


Marami kasi ang na-curios kung ano ang magiging reaksyon ng aktres sa pasaring na ito ni Anne Curtis na minsanan lamang nagpapasaring sa It's Showtime.


Matatandaan na unang naisiwalat ng kilalang showbiz reporter at talent manager na si Ogie Diaz ang pagrequest ni Xian Lim na ipagluto siya ni Kim Chou ng paborito umano nitong steak subalit matapos itong kainin ng aktor kaagad nitong hiniwalayan ang aktres.


Hindi man ito inamin ng dalawa, makikita naman na sa naging reaksyon ni Kim Chiu sa usaping ito ang katotohanan.


Sa ngayon ay hayagan nang ipinapakita nina Xian Lim at Iris Lee ang kanilang relasyon matapos itong kumpirmahin ng aktor sa isang panayam.



 

@oxgurl37 #showtime #specialforyou #annecurtis #viceganda #jhonghelario #trending #fyp #trend #fypspotted #proudkasambahay❣️💪 ♬ original sound - LENN💙FANGIRL🥰

Xian Lim, Mahirap Daw Katrabaho Dahil Sa Masamang Ugali Nito

Walang komento


 Ibinahagi ng isang writer na nagtrabaho sa GMA Network kung paano katrabaho si Xian Lim at kung ano ang pakikitungo nito sa kanyang mga kasamahan sa trabaho, inilahad din nito ang saloobin ng iba pang nakatrabaho noon ng actor-director.


Sa Facebook comment, ikinuwento ni Brylle Tabora, isang GMA writer na nagsasabing nakasama niya sa isang proyekto si Xian Lim noon, kung gaano kahirap ka-trabaho si Xian Lim.


Inilahad ni Brylle Tabora ang kanyang opinyon sa pakikipagsama ni Xian Lim sa isang social mediad post na may kaugnayan sa naging viral interview ng aktor, kung saan inamin niya ang kanyang relasyon sa producer na si Iris Lee.


“What a friggin joke, and he’s also super difficult to work with!! Made our lives as TV writers miserable,” komento nh GMA writer.


Samantala, hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na may mga pumuna sa pag-uugali ni Xian Lim. Matatandaan na ilang beses na ring lumabas ang mga blind item patungkol sa isang actor-director na saksakan ng yabang at suplado na paghihinala ng marami ay walang iba kundi si Xian Lim.


Isa sa pinag-uusapang insidente ay ang pagtanggi ni Xian Lim tanggapin ang “I love Albay T-shirt” matapos dumalo sa isang event sa nasabing probinsiya.


Hindi naman ito nagustuhan ni Rep. Joey Salceda na siyang Governor nang Albay noong panahong iyon at hayagang binatikos si Xian Lim sa publiko dahil sa kanyang pagmamayabang at masamang attitude. Bukod pa rito, idineklara rin si Xian Lim bilang persona non-grata ng Albay.


“Xian Lim says in my face (Atty Carol) while handling the coffee table book in front of many – “I’m not here to promote Albay”.” If his road manager checks his record, Albay paid for his many guestings since way back in 2011 when his talent fee was just P75,000 (Ginoo ni Magayon) and now P350,000 for Fiesta Tsinoy Albay. It’s either 1. His parents did not raise him well. 2. He had bad education. 3. He is not managed well. 4. His character is inversely proportonal to his looks. 5. He is something,” pahayag ni Rep. Joey Salceda sa isang social media post noon.


Kaagad namang humingi ng paumanhin si Xian Lim subalit, hindi na ito tinanggap pa ng politician dahil hindi umano nito deserved ang kapatawaran, na hiningi lamang matapos batikusin ng maraming tao.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo