Heart Evangelista Ibinida Ang Kanyang Couture Dior Fitting!

Biyernes, Abril 21, 2023

/ by Lovely


 Proud na ibinahagi ng Fashion Elite na si Heart Evangelista ang kanyang couture Dior fitting.


Kilala ang Dior bilang isa sa mga pinaka-hinahangad at luxury brand sa buong mundo, at ang pagiging bahagi ng kanilang mga fittings ay isang bagay na dapat nang ipagmalaki.


Makikita sa ibinahaging post ni Heart Evangelista na nakasuot siya ng itim na gown at sinubukan din niya ang isa pang off-shoulder, beige colored gown.


Makikita ring nakasuot ang socialite ng isang diamond choker  na lalong nagpapaganda sa kanya.


Samantala, nauna nang iflinex ni Heart Evangelista ang mga videong kuha ng kanyang mga fur babies.


Maririnig pa na tinatawag ni Heart Evangelista na mga anak ang kanyang mga alaga.


Si Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero, na mas kilala bilang si Heart Evangelista, ay isang sikat na artista, endorser, at vlogger sa Pilipinas. 


Bukod sa kanyang mga proyekto sa pelikula at telebisyon, aktibo rin si Heart Evangelista sa pagbibigay ng update social media tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa kanya. 


Kilala rin ang actress sa pagkakaroon ng soft spot para sa mga hayop. 


Matatandaan na noong nagdaang taon ay iniintriga ng mga marites ang marital status nina Heart Evangelista at asawa nitong si Chiz Escudero.


May ilang naniniwalang may pinagdadaanan talaga ang kanilang relasyon dahil sa pananahimik ni Heart sa kanyang social media.


Subalit bago matapos ang taon ay tila nagkamabutihang muli ang dalawa at naresolba ang anumang hindi pagkakaintindihan.


Mula noong nagka-ayos ay muli na naman silang namamataan na magkasama sa pagbabakasyon at sa pagdidiriwang ng mahahalagang okasyon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo