Grabe! Kris Aquino Nakakakilabot Ang Tinitigilang Bahay Nito Sa Amerika!

2 komento

Miyerkules, Hulyo 27, 2022


Kris Aquino nakakakilabot ang tinitigilang bahay sa Houston Texas.

Tila nasa  isang kombento nakatira ngayon sina Kris Aquino at mga anak na sina Joshua at Bimby sa Houston, Texas USA. Base ito sa ipinakitang larawan sa Showbiz Now Na nina Cristy Fermin. Ito umano ang natukoy na address base sa reseta ng gamot ni Joshua Aquino.

Bungad ni Morly, "Ate Cristy, mula sa ating kaibigan, kakilala o source may nagsabi sa akin Ate Cristy. Hindi ito tiyak o hindi ito kinumpirma. Ito ay nakarating lang sa aking balita na one time ay binigyan ito si Josh ng gamot at may reseta at nandoon ang address.

Hirit ni Nay Cristy, "Yung reseta may address? Di ba dapat kung nagtatago kayo hindi na dapat inilalantad 'yung mga pangalan?

May ipinadalang larawan kay Cristy. Ipinakita ang isang bahay na parang simbahan dahil may Cross. May cross sa harapan at tila ang tahi-tahimik. May maraming halaman at may bakod.



"Pasalamat tayo sa source ni Morly dahil kahit nasa ibang bansa ay ginagalugad kung nasaan si Kris at ang mga anak nito. Yun lang ang ating pasasalamat doon. Pero kung tiyak o anuman walang kasiguraduhan ito dahil marami naman ang naglalabasang balita," ani Cristy.

Samantala, nakalipat na umano ng hospital sa Kris pati ang kanyang mga doktor. Ayon pa sa balita, isang sikat na hospital ang nalipatan ni Kris at mga mahuhusay na doktor ang tumitingin sa kaniya.

Tila hirap na hirap na si Kris sa kanyang kalagayan ngayon at makikita naman sa kanyang mga ibinahaging larawan ang labis na pagbagsak ng kanyang katawan.

Hindi Nakapagtimpi! Skusta Clee, May Ilalabas Nga Bang Baho Ni Zeinab Harake!

Walang komento


Pinag-uusapan ngayon ang patuloy na paggagawa ng ingay ng relasyon nina Zeinab Harake at Julian Cuevas. Proud na ipini-flex sa kani-kanilang social media accounts ang ilan sa mga sweet photos nila. May mga pagkakataon ring nakikita sila sa publiko ko na magkasama. May mga cryptic post din silang binabahagi tungkol sa kung gaano sila kasaya.

Sa gitna nang balitang muling pagpasok ni Zeinab sa isang relasyon, nag-aabang ang ilang mga netizens kung ano ang masasabi ng dating kinakasama ni Zeinab na si Skusta Clee.

Hindi lamang kilala si Skusta Clee sa galing at husay sa musika, kilala rin ito na pumapatol at nagpapatama sa pamamagitan ng kanyang post. Isa sa mga buradong post ngayon ni Skusta Clee, tila muli itong nagpasaring sa kanyang ex-partner na si Zeinab.

"Pagsinabi ko sayo na may alam ako."



Hindi man pinangalanan ni Skusta kung sino ang kanyang tinutukoy, hinuha ng mga netizens na para ito kay Zeinab Harake. Lalo na't ipinapakita na nito ang relasyon kay Julian Cuevas.

Ang post nga bang ito ng OPM Rapper ay indikasyon na mayroon siyang ipapalabas na bagong rebelasyon sa naging hiwalayan nila ni Zeinab?

Lindol Today in Philippines| President Bongbong Marcos Naglabas Ng Official Statement

Walang komento

Naglabas ng statement si President Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. tungkol sa nangyaaring lindol sa Abra, Ilocos Sur. Naantig at naawa ang pangulo sa mga sinapit ng mga residente roon.

Makikita sa mga kumakalat na larawan ang kalunos-lunos na nangyari sa nasalantang lugar. Maraming mga tao ang naapektuhan, nasira ang mga kabahayan at mga buildings.



Ayon sa pahayag na ipinalabas mula sa Bongbong Marcos Facebook page, "Ngayong umaga, sa oras na 8:43, tayo'y nakaranas ng isang lindol na may lakas na magnitude 7.3. Ang mga ulat ng mga ahensiya at ng mga lokal na pamahalan sa mga lugar na napinsala ay patuloy na dumarating sa ating tanggapan.

Sa kabila ng nakalulungkot na mga ulat tungkol sa pinsalang dulot ng lindol, ating sinisigurado ang maagap na pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayang apektado ng sakunang ito.
Kadagiti kakailiak nangruna ta Abra, agridamtayo ken umasideg kadagiti kameng ti gobyerno no agkasapulan iti tulong. Agmaymaysatayo a bumangon manipud kadaytoy a pannubok.
Mag-ingat po tayong lahat."



Just in! Maggie Wilson May Ebidensya Laban Sa Alegasyon Na Adultery Sa Kanyang Asawa Si Victor!

Walang komento

Nagsalita si Maggie Wilson hinggil sa petisyon ng pangangaliwa laban sa kanyang asawang si Victor Consunji. Sinabi ni Victor na ang British-Thai businessman na si Tim Connor ay ang kalaguyo ni Maggie.

Samantala may ipinakitang video clip si Maggie laban sa mga claim ng kanyang dating asawa. Kamakailan ay lumabas online ang mga tila certificate ng kasong isinampa ni Victor laban kina Tim at Maggie noong July 16. Kaagad namang nagpost si Maggie sa kanyang IG Stories at pinabulaanan ito.

"So you're saying in yoiur adultery allegations that your Schengen visa was still being processed and that myself and Tim went to Barcelona without you? ok!

Here's a video that I posted on stories, 47 weeks ago (which was viewed mby 45k+ people), of you laughing with us and smoking shisha at a cafe in Barcelona. I added it to my "travel" highlights so you can rewatch it.

The name of the cafe is La Rose, wgich you can see in the background of the video.

This was the ONLY time Tim was present in Barcelona with  me?us.

Just in case you forgot.."

Dagdag pa ni Maggie, "This allegation was one of the basis of getting an arrest  warrant for the mother of your son."

Agad itong napansin ng mga netizens at umani ng samu't-saring reaksyon at komento. Ayon sa ilang netizens na dapat sa korte sini-settle ang kanilang issue at hindi sa social media.

 

D!ring-d!ri! Ipinahiya Ni Vanessa Raval Si Skusta Clee Sa Socmed!

1 komento

Tila hindi na nakapagtimpi ang online personality at kapatid ni AJ Raval na si Vanessa Raval. Sunod-sunod ang naging patama post nito sa kanyang social media account. Hindi man niya direktang pinangalanan, mahihinuha naman kung sino ang pinatatamaan ng dalaga.

Isang Rapper diumano ang ayaw siyang tigilan sa chat. Ayon pa kay Vanessa, maganda umano ang lahi ng ama niya at ayaw niya itong madungisan.

"Isang rapper ang ayaw ako tigilan sa chat. Nababash kana sa pambabae mo wala ka parin dala? Mahilig ka talaga sa malaman no? Wag ako, e ano kung sikat ka? Maganda lahi ng tatay ko wag mong dungisan."

Sa sunod naman niyang post, pinayuhan niya ang kanyang tinutukoy na magfocus na lamang sa chicks niyang bayaran.

"Para dito sa rapper na feeling pogi, makuntento ka sa chickas mong bayaran. Wag mo ko idamay. Imbis na magfocus ka sa isang anak, nagfofocus ka sa madaming babae. Hindi lahat ng natipuhan o pinagnanasaan mo kakagat sayo. Sorry, hindi ko kaya kumain ng putahing pangit ang lasa."



Hindi pa dito natapos ang pagpaparinig ni Vanessa Raval dahil sa sunod nitong post tila sinabi niyang gusto siyang ihatid ng rapper ngunit ayaw niya.

"Yung poging pogi ka sa sarili mo pero ayaw magpahatid sayo ng pinopormahan mo."

Kung totoo man na si Skusta Clee ang tinutukoy ni Vanessa Raval, hindi ito ang unang pagkakataon na nagpapahiwatig ang OPM rapper sa mga babaeng sexy at malaman.

Nakakadurog Puso! Kris Aquino Updates/ Ballsy My Pakiusap at Hiling Na Nakakaiyak

Walang komento

Martes, Hulyo 26, 2022

Marami-rami na rin ang nagiging balita patungkol sa Queen of all Media na si Kris Aquino. May mga nambabatikos pa rito sa gitna ng pinagdadaanang sakit nito ngayon.

Usap-usapan naman ngayon ang pag-uwi ni Kris Aquino kasama nang kanyang mga anak sa Pilipinas dahil sa kahit ganoo man kalaki o kadami ng kanyang kayamanan ay hindi na umano magbabago pa ang kanyang kondisyon.

Kaya mas nakakabuti na lamang diumano na umuwi na lamang sila sa Pilipinas at hintayin na lamang ang tamang panahon o takdang oras para sa kanya. Ayon pa sa ilan, kung talagang oras mo na wala nang makakapigil pa rito.

Dagdag pa nila, kahit gaano kalaki ang pera ni Kris wala na itong magagawa pa. Nasasaktan ngayon ang karamihan sa mga tagasuporta ng aktres dahil sa hirap na pinagdadaanan ngayon ni Kris Aquino. 

Kahit gaano pa ito kasama sa tingin ng iba, hindi pa rin tama na ganito ang kanyang kahinatnan sa lahat ng sinasabing nagawang mali ni Kris Aquino.



Kahit pa may mga nagawang pagkakamali si Kris Aquino noon, mayroon naman din siyang nagawang kabaitan at marami na rin itong natulungan. Sadyang ganoon lang naman ang tao, may pagkakataong gumawa ka man ng kabutihan, mayroon pa ring nagiging komento sa'yo. Mapa-negative man o positive.

Samantala, sa pag-uwi ni Kris Aquino sa banasa, nakaabang naman ang mga intriga na noon pa man ay kinakaharap na niya. Kahit pa sa pagpunta niya sa ibang bansa.

Breaking!!! Ogie Diaz May Bwelta Laban Sa Mga Pumuri Kay Dr. Yumol!

Walang komento

Ikinalungkot ni Ogie Diaz ang pagsamba at pagturing bilang bayani ng ilang mga netizens kay Dr. Yumol. Tatlo ang nasawi sa nasabing insidente kabilang ang dating Mayor ng Basilan at marami rin ang sugatan.

Iginiit ng suspek na si Dr. Yumol na ginawa niya ang krimen dahil sa pagkadismaya sa iilang opisyal ng Gobyerno sa pagsupil sa aniya'y talamak na pagkalat ng druga sa nasabing bayan.

Si Dr. Yumol ang pangunahing suspek sa insidente ng pamamaril na nangyari sa Ateneo De Manila University. Tatlong tao ang nasawi kabilang ang dating Lamitan Mayor, Rosita Furigay, isang bodyguard at secrity guard. Marami rin ang nagtamo ng sugat sa nasabing insidente.

Ayon sa suspect, isa umano ang dating alkalde sa mga utak ng mga drug groups na kumikilos sa kanilang bayan.

Pinuri ng ilang mga netizens si Dr. Yumol at sinasabing kabayanihan at para sa bayan ang kanyang ginawa. Ngunit, iba ang pananaw ni Ogie Diaz sa nasabing insidente. Tinanong nito ang mga netizens na pumuri sa supek kung ito pa rin ba ang magiging reaksyon nila kung sakaling mangyari ito sa kanilang pamilya.

"Paano kaya kung sa pamilya nila nangyari ito? Ganyan pa rin kaya andar ng mga utak ng mga hayp na to?"



Ang nasabing supek ay dinakip ng mga otoridad habang tumatakas sa pinangyarihan ng nasabing krimen.

Opisyal Ng TV5 News Department- kontra Sa Pagpapalabas Ng TV-Patrol Sa TV5?

Walang komento

Usap-usapan ngayon sa social media ang collaboration ng ABS-CBN at TV5 gaya ng pagdagdag ng mga shows ng ABS-CBN sa TV5 tulad ng It's Showtime. In return, ipapalabas naman ng mga ABS-CBN online platforms ang piling shows ng TV5 gaya ng Lunch Out Loud na under ng Bright Light Productions.

Ngunit, usap-usapan ngayon ng mga netizens ang isang opisyal ng TV5 news department na umano'y kontra sa pagpapalabas ng TV-Patrol sa TV5 at ilipat ang kanilang flagship news cast na Frontline Pilipinas sa digital channel ng TV5 na OnePh.



Kaya naman, malamang hindi na ipapalabas sa TV5 ang TV Patrol ng ABS-CBN. Bulong-bulungan din na hindi naman umano tutol ang Malacanang sa planong Merger ng TV5 at ABS-CBN basta hindi lamang umano makabalik sa free TV ang TV Patrol. Ngunit, naipapalabas na sa A2Z channel 11 ang TV Patrol kung saan ito ay free TV channel.

 

Herlene Nicole Budol at Vice Ganda Sa Showtime‼️

Walang komento

Sa unang pagkakataon ay nakatungtong si Herlene Nicole Budol sa studio ng It's Showtime. Mukhang nag-enjoy naman ang dalaga sa programa.

Kitang-kita sa screen si Herlene  habang nagsasalita at nagdedetalye ang kanyang fellow candidate na si Stacey Daniela Gabrielle ng Cainta, Rizal hinggil sa coronation night ng Bb. Pilipinas pageant.

Pagkatapos mag-promote ni Stacey, binati ni Vice Ganda si Herlene parang hindi masyadong masaya si Herlene. Napansin kasi ni Vice na matipid ang ngiti ng dating co-host ni Willie Revillame sa dating programa nito sa GMA7 na Wowowin.

Unang hirit pa ni Vice, baka masama umano ang loob nito dahil hindi siya pinagsalita ni Stacey. Kaya naman binigyan ng comedian ng microphone para bumati.

"Hello po. What's up madlang pipol," bigay na bigay na pagbati ni Herlene na halatang na starstruck kay Vice Ganda.

"Sobrang idol ko po kayo Vice. Alam ni Ryan Bang iyan," sabi pa ni Herlene kay Vice.

Nagka-close sina Ryan at Herlene nang magkaroon sila ng colab sa kanilang mga Youtube channel. Sabi naman ni Vice, wala umanong nakukwento si Ryan na idol siya ni Herlene.

Singit naman ni Ryan, "Palagi ko kayang sinasabi kay mommy Vice."

"Goodluck sa mga Binibini candidates, ang gaganda ninyo," sabi pa ni Vice.

Samantala, sa isang bahagi ng Miss Q & A segment ng programa ay muling ipinakita si Herlene na nasa audience pa rin habang wala na ang kasamahan nitong mga kandidata. Katabi pa ni Herlene sina Ryan Bang, Karylle at Kim Chui habang pinapanood ang nasabing segment ng noontime show.

Ibig sabihin, nagpa-iwan si Herlene para tapusin ang programa.

 

Bianca Gonzales Di Mapigilang Magreact Sa Unang SONA Ni PBBM!

Walang komento

Di mapigilang magreact ng kapamilya host na si Bianca Gonzales tungkol sa unang SONA ni President Bongbong Marcos kahapon July 26. Sa kanyang tweet ay tila pinuri ni Bianca ang unang SONA ni Marcos.

"“That was a good SONA for PBBM. Here's hoping this admin delivers on the promises, para sa Bayan," sabi ni Bianca sa kanyang tweet.

Sabi pa niya sa isa niyang tweet:

"I may have voted for Leni Robredo and I still believe the Marcos family needs to be accountable for the stolen wealth and the ML human rights abuses, but BBM is our duly elected President and I felt his SONA was good. Kung successful ang admin, success din ng Bayan."

Maalala na si Bianca ay isang solid supporter ni Leni Robredro na naging katunggali ni Marcos noong nakaraang eleksyon.

 

ABS-CBN at GMA7- Nagpataasan Ng Offer Kay Sarah Geronimo?

Walang komento


Noong nakaraang linggo July 24, 2022 ay muling napanood ang pagbabalik ASAP Natin 'To ni Sarah Geronimo. Matapos ang halos dalawang taon na pamamahinga sa Showbiz.

Kahapon naman July 25, ay nagdiwang ng ika-34 birthday si Sarah Geronimo.

Totoo nga ba na nagpapataasan ng offer ang ABS-CBN at GMA7 para makuhang talent si Sarah Geronimo?

Matatandaan na kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media na nag-offer ng 800 million pesos ang GMA7 bilang talent fee ni Sarah kung lilipat ito sa GMA.

Ngunit ayon sa latest report, hindi umano nag-offer ang GMA7 para sa paglipat ni Sarah Geronimo. Ayon sa Sr. Vice President ng GMA Entertainment Group, Lilybeth Rasonable wala umanong negosasyon na nangyari sa pagitan ng Viva Entertainment, na talent agency ni Sarah Geronimo at ng GMA7.

Ayon pa kay Lilybeth Rasonable, "Ang tagal na din namin nadidinig 'yan, but no. Wala kaming offer for Sarah G."

 

Nakakakilabot Ang Sagot! Herlene Budol, Muli Nanamang Ginulat Ang Mga Netizens Sa Kanyang Sagot!

Walang komento

Muling pinamangha ng dating Wowowin co-host na si Herlene Nicole Budol o mas kilala bilang Hipon Girl ang mga netizens dahil sa galing nitong pagsagot sa tanong na,

"How are you going to remember this moment of your life?"

Walang kaba at diretsong sinagot ito ni Herlene.

"Pag lumipas 'yung 20 years , simula ngayon. Sabi nga nila, once a Binibini always a Binibini. Dadalhin ko ito at gagawa ako ng sarili kong kasaysayan para sa susunod pang henerasyon at ipagpatuloy kung anuman ang nasimulan namin."



Hindi inaasahan ng ilang mga netizens ang sagot na ito ni Herlene. Kaya naman, agad na umani ito ng samu't saring reaction at komento mula sa mga netizens. May nagsasabing nasa ponto ang sinagot ni Herlene at hindi nila ito inaasahan dito.

May nagsasabi pang nawa'y ganito rin niya sagutin ang Q & A sa Coronation Night. Puring-puri si Herlene sa kanyang pagsagot.

Isa si Herlene sa mga inaabangan na kandidata sa Bb. Pilipinas. Sa galing na ipinapakita niya umaasa ang marami sa kanyang mga tagahanga na makakasungkit si Herlene ng korona at magrerepresent sa Pilipinas.

 

Cristy Fermin May Banat Sa Ina Ni AJ Raval!

Walang komento

Cristy Fermin, may banat sa ina ni AJ Raval!

Nagbigay ng mensahe sa kanyang programa ang veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin para sa ina ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez. Ito ay sa gitna ng usap-usapang pagdadalang tao umano ng young actress.

Matatandaang, isiniwalat ni Cristy Fermin kamakailan ang diumano'y pagbubuntis ni AJ sa magiging anak nila ng rumored boyfriend na si Aljur Abrenica.

Ayon sa kolumnista, galing ang nasbing impormasyon sa isang reliable source at sinabi nitong si AJ mismo ang umamin na buntis ito.

Samantala, itinanggi naman agad ito ng aktres at sinabing nagpositibo siya sa Covid-19 kaya natigil siya sa trabaho. Sunod-sunod naman ang pagpopost sa Facebook ng ina ni AJ. Isa nito ay tungkol sa pakikialam sa buhay ng iba.

"Mabuhay po tayo ng mapayapa na walang pakialam sa buhay ng iba."

Bagama't walang sinabing pangalan ang nasabing post, hinuha ng mga netizens na si Cristy Fermin ang pinapatamaan nito.

Narito naman ang tila sagot ni Cristy sa nasabing post ng ina ni AJ Raval.

"Kayo po ay hindi pa namin nakikilala ng personal. Kaya dapat, lalo na noong panahon ng bardagulan nina AJ at mga fans ni Kylie dapat alam na ninyo na nasalang sa ganito si AJ ay dahil public figure siya. Hindi po kapitbahay ang susuporta sa anak niyo, kundi kayo. Pero paki tanggal po 'yung huwag pakialaman ang buhay ng iba, dahil hindi niyo pa idiniretso na huwag pakialaman ang buhay ng anak niyo. Dapat ganun. Sabay po nating pangaralan si AJ, sabay nating bigyan ng pag-alalay itong si AJ. Pakisabihan din po ang anak ninyo, na huwag siyang magbibilad-bilad ng kanyang katawan na halos ipakita na ang pinakasinisekreto niyang bahagi. Para hindi na siya binabash."

Sa ngayon ay wala pang sagot ang ina ni AJ sa pasaring ng kolumnista.



Joshua Garcia, Muling Ipinakita Ang Lakas Sa Tiktok!

Walang komento


Iba talaga ang lakas ng aktor na si Joshua Garcia sa TikTok. Umabot ng 133 million views ang pinakamalakas na TikTok video niya. Ang latest TikTok video naman niya kung saan nagsasayaw siya at nagpapacute ay umabot kaagad sa 15 million views in less than 24 hours.

Ibang klase talaga ang karisma ni Joshua dahil sa tuwing may bagong post ito sa TikTok ay agad aabot sa million views. Kaya naman maituturing TikTok King si Joshua.

Ang kanyang latest Tiktok video ay kaagad umabot sa mahigit 60, 000 comments at patuloy pangnadadagdagan.



Barong Na Suot Ni Sen. Robin Padilla, Binili Lang Sa Sm Mall - Onesimus

Walang komento

Sinabi ni Senador Robin Padilla na binili lamang niya sa isang mall ang kaniyang suot na barong, nang dumating siya sa Senado nitong Lunes, Hulyo 25, para sa pagbubukas ng unang regular na session ng 19th Congress.

Sa isang ambush interview ay sinabi ni Senator Robin na nabili lamang niya ito sa tindahan sa SM na Onesimus.

Matatandaan na nanguna sa senatorial race noong eleksyon 2022 si Padilla. Kabilang sa kaniyang mga iminungkahing batas ay ang pederalismo, legalisasyon ng marijuana para sa medikal na paggamit, divorce, atbp.

 

Anne Curtis, Nabulabog Ang Social Media Sa Video Post Niya

Walang komento


Binulabog ni Anne Curtis ang social media sa pagpost niya ng video sa Instagram.

Napahanga nang husto si Pia Wurtzbach at napa-yes with three fire icon. Umabot kaagad sa  mahigit dalawang libo ang naglomento sa nasabing OOTD ni Anne habang rumarampa na tila nasa isang beauty pageant.

Suot ni Anne ang isang symmetrical cut long gown. Labas ang kabilang balikat at makikita ang tiyan. Nag-cat walk  si Anne sa hallway ng ABS-CBN habang sumasayaw naman sa hangin ang kanyang long straight hair.

Labis  na hinangaan ng mga netizens ang figure ni Anne. Slim at toned ang katawan. Maging ang ilang mga kaibigan ni Anne sa showbiz tulad nila Megan Young, Solenn Heusaff, Ruffa Guiterrez, Raymond Gutierrez, Paolo Ballesteros ay napahanga sa pigura ni Anne.


 

Anak Ni Pokwang Malia Dinala Nasa Amerika Ni Lee Obrian

Walang komento

Matapos maghiwalay, anak ni Pokwang na si Malia dinala na ng ama sa Amerika habang naiwan dito sa Pinas si Pokwang.

Naging hot topic ang hiwalayan ng magpartner na sina Pokwang at Lee Obrian nitong nakaraang linggo. Subalit, ani Pokwang naging maganda naman diumano ang kanilang paghihiwalay at nananatili pa rin silang magkaibigan at magulang para sa kanilang anak na si Malia.

Kaya naman, walang problema kay Pokwang na isinama ni Lee si Malia sa pag-uwi sa America upang ipasyal at pagbisita na rin sa kanyang mga kamag-anak roon. Kasama rin sa byahe ang panganay na anak ni Pokwang na si Mae.

Finally after two years its nana, grand pa and tita mimi time ❤️😘 enjoy lang ate @maesubong and @malia_obrian ðŸ˜˜ see you soon mga anak," post  ni Pokwang sa Instagram.


Kalakip nito ang masayang larawan ng pagbabakasyon ng mga anak sa Amerika kasama si Lee Obrian.

Say Ni Kylie Padilla Sa Isyung Kinasasangkutan Ni Aljur Abrenica

Walang komento

Lunes, Hulyo 25, 2022

Patuloy na pinag-uusapan ang isyu ng pagbubuntis umano ni AJ Raval at ang itinuturong nakabuntis rito ay walang iba kundi si Aljur Abrenica.

Sa kabila ng pagtanggi ni AJ patuloy pa rin itong pinag-uusapan dahil diumano'y nagmula ang balita sa isang mapagkakatiwalaang source. Dahil si Aljur ang itinuturong ama ng diumano'y pinagbubuntis ni AJ, marami ang nagsususol kay Kylie Padilla na kasuhan ang dalawa. Hindi pa kasi na-annulled ang kasal nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.



Ngunit, ayon sa balita, tila walang balak si Kylie na kasuhan ang dalawa kung sakaling lalabas na may katotohanan ang nasabing isyu. Tila naka move-on naman na si Kylie sa hiwalayan nilang dalawa at masaya na itong kasama ang kanyang mga anak.

Masaya na si Kylie dahil sunod-sunod ang kanyang mga proyekto. Ang kanyang seryeng Bolera ay mataas ang rating at kasalukuyan itong nasa ibang bansa upang ishoot ang pelikula kung saan makakatambal niya si Gerald Anderson.

SONA 2022! Heart Evangelista Bida Sa Kanyang Modern Day Filipiniana OOTD

Walang komento


Inirampa ni Heart Evangelista ang kanyang plain white modern day Filipiniana ngayong araw sa unang State of the Nation Address ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bilang asawa ng re-elected senator na si Chiz Escudero ay umattend ang aktres at fashion icon na si Heart sa nasabing event. Umani ng samu't-saring papuri ang kanyang maikling video na ibinahagi sa Instagram kung saan ibinida niya ang kanyang outfit. Sa kanyang caption sinabi niyang,

"This is now ☁️ #SONA2022

Modern day Filipina @markbumgarner"



Karma?! Rallyista Basang Basa Sa Ulan! Hindi Na Nakapagsunog Ng Effigy Ni Pres. Bongbong Marcos!

Walang komento

Trending ngayon at pinag-uusapan ang katatapos lamang na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa SONA magre-report ang Pangulo sa taong-bayan, kung ano ang magiging plano niya sa kanyang panunungkulan sa bansa.

Kasabay naman ng SONA ni Pangulong Bongbong Marcos nagdaraos ng rally ang mga Anti-Marcos. Gumawa sila ng isang effigy at susunugin ito kasabay ng SONA. Sa kaso ngayon ng mga rallyista, inulan sila at tila hindi umayon sa kanila ang panahon.

Hindi nasunog ang kanilang ginawang effigy kaya inuga-uga na lamang nila ito hanggang sa masira.

 

Sen. Imee Marcos Bongga Sa SONA Sabi Ng Netizen Mas Mukha Pa Siyang Bata Kay Kris Aquino!

Walang komento

Muling hindi nagpakabog sa ganda at kasexyhan si Sen. Imee Marcos sa kanyang looks at gown ngayon first SONA ng kapatid niyang si President Ferdinand Marcos Jr.

Sa naging Facebook post ng VinCentiments sinabi nitong, "inspired by the adaptive architectural design of the North’s Paoay Church.

Senator Imee Marcos is wearing a Jan Garcia Creation exuding the resilience of the religious landmark’s structure that survived all the nature’s wrath, like earthquakes, typhoons and headwinds.
The swirls on the sleeves were patterned to that of the buttresses of the magnificent world-famous Paoay Church.
A Gown. A Statement.
A Prayer.
For the Nation’s Stability and Guided Power."


Samantala, spotted naman ang isang komento mula sa isang netizen na tila nagpasaring kay Kris. Ayon dito, iba talaga ang hagupit ng karma, dahil mas nagmumukhang bata si Sen. Imee Marcos kaysa kay Kris Aquino.

Puring-puri naman ng ilang mga netizens ang outfit ng senadora.

AJ Raval Halata Na Baby Bump?

Walang komento

Hanggang ngayon ay maingay pa rin ang balitang buntis ang sexy actress na si AJ Raval. Sa TikTok, ibinahagi ng ina ni AJ na si Alyssa Alvarez ang video kung saan katatapos lang nila mag-grocery ng aktres. Mapapansin na nakusuot ito ng nude top, high-waist shorts, at jacket.

Sa comment section, may isang netizen ang nagsabi na tila may umbok na ang tiyan ng dalaga at natatakpan lang ng kanyang shorts.

“Tingnan niyo mabuti, may baby bump na, hindi lang gaano halata bacause of shorts,” sabi ng netizen.

Sinang-ayunan naman ito ng ilan. Ngunit, nag-reply dito si Alyssa at sinabing, “Buti pa kayo nakita niyo.”

 

Rumesbak! Bayani Agbayani, Muli Nga Bang Pinaringgan Si Vice Ganda Sa Pamamagitan Ng Panalangin?!

1 komento

Trending ngayon at muling pinag-uusapan ang muling pagpaparinig umano ng komedyanteng si Bayani Agbayani sa It's Showtime host na si Vice Ganda.

Kamakailan nagtrending sa social ang tila pagsagot ni Vice Ganda sa pagpaparinig ni Bayani tungkol sa show na It's Showtime. Sa episode ng It's Showtime noong July 22 nabanggit ni Vice tungkol sa isang hindi niya pinangalanan.

Ayon kay Vice, may mga nakikisawsaw at nagpaparinig na hindi naman kasali. Wala man siyang binanggit ng pangalan hinuha naman ng mga netizens na si Bayani ang tinutukoy nito. Noong July 21 sa episode ng LOL nabanggit ni Bayani ang tungkol sa pag-oovertime.

Samantala, alam naman ng lahat na madalas nag-oovertime ang It's Showtime sa kanilang timeslot kaya tila sila ang pinapatungkolan ni Bayani. Ngayong araw, tila muling nagparinig si Bayani Agbayani kay Vice Ganda sa pamamagitan ng panalangin.

Nagpasalamat si Bayani tungkol sa humility na ibinibigay umano sa kanila at kapansin-pansin ang sinabi nitong huwag sila hayaan maging hambog o mayabang.



"Thank you po sa humility na ibinibigay niyo sa amin. Papatuloy niyo pong ibibigay sa amin 'yan. Patuloy n'yo po kaming bigyan ng pusong mapagmahal. Salamat po sa kalusugan, lahat ng bagay. Huwag niyo po kaming hayaang maging hambog o mayabang. Lagi po kaming magpapakumbaba at tutulong sa aming kapwa dito po sa industriya at sa labas ng industriya. Thank you Lord, Thank you Mama Mary," maikling panalangin ni Bayani Agbayani.

Dahil sa panalangin na ito ng komedyante ang tanong tuloy ng mga netizens, prayer nga ba ito o parinig para kay Vice Ganda?

Komento ng isang netizen, "self proclaimed humility is not humility."

Ang iba naman ay tila na-excite kung may isasagot ba si Vice sa nasabing "panalangin" ni Bayani at aabangan umano ng mga ito bukas sa bagong episode ng It's Showtime.

Just in ! Yassi Pressman Super Sweet Sa Kanyang Boyfriend Na Si Jon Simera

Walang komento


Nitong mga nakaraang araw ay sunod-sunod na ibinahagi ni Yassi sa kanyang social media ang mga larawan nila ng kanyang boyfriend na si Jon Semira.

"Seeing the world witchuuuu is fuuuun @imjonnytsunami," post ni Yassi sa kanyang Instagram.



Matatandaan na noong huwebes July 21, nagpost sa Instagram ang aktres upang batiin sa publiko ang kanyang romured boyfriend sa kaarawan nito. Kalakip ang sweet black and white photo nila kung saan tila hinahalikan ni Yassi ang pisngi ng boyfriend.

Ang tila IG official boyfriend ni Yassi na si Jon Semira ay isang businessman na namamahala sa apat na iba't-ibang negosyo.

Marami sa mga celebrity friends ng dalawa ang nagkokomento sa mga nasabing post ni Yassi.

Kritikal! Kris Aquino Isinugod Sa Emergency Room Dahil Sa Pangyayaring Ito!

Walang komento

Isang nakakalungkot na balita ang aming nakalap. Isinugod umano si Kris Aquino sa emergency room matapos pumalpak ang kanyang gamutan.

Si Kris Aquino ay kasalukuyang nasa Houston, Texas at ilang taon itong mananatili roon upang magpagamot. Kitang-kita naman sa mga larawang ibinahagi noon ni Kris Aquino sa kanyang Instagram ang labis na pagkapayat nito at malayong-malayo na sa dati nitong hitsura.

Ayon sa batikang kolumnistang si Cristy Fermin, ang ospital na pinuntahan ni Kris ay isa sa pinakasikat na ospital sa Houston, Texas. Ngunit, pumalpak ang gamutan ni Kris doon kaya hanggang ngayon ay naghahanap pa rin sila ng malilipatan bagong hospital.



Tila hirap na hirap man si Kris Aquino ay pilit pa rin niyang kinakaya para sa dalawa niyang anak. Lalong ikinasama ng kalusugan ni Kris nang magpositibo ito sa sikat na sakit na Covid-19.

Labis na nag-alala ang pamilya at mga kaibigan ni Kris at nagbibigay at humihiling silang ng panalangin para sa ikakabuti ng kalagayan ni Kris. Alam umano nila na matapang si Kris at hindi kaagad sumusuko sa hamon ng buhay at kinakaya nito ang lahat para sa dalawang anak.

Ayon naman sa ilang mga netizens, manalig lamang si Kris sa ating Panginoong Diyos dahil sa kanya, walang imposible.

"Magtiwala at magdasal sa ating Maykapal at lahat malalagpasan niya ang lahat ng nadaramang sakit at pagsubok. Matutong magpatawad at mahalin ang mga taong nakasakit sa atin at ipagdasal na lamang sila.

Gantihan! Ilang Netizens Gagantihan Si Jane De Leon Dahil Sa Pagiging Kakampink Nito!

3 komento

Darna series ni Jane De Leon pinapa-boycott ng ilang netizens.

Naging top trending topic sa Twitter ang #boycottdarna. Ang tinutukoy rito ay ang upcoming action fantasy series na Darna. Ang Darna series ay mapapanood na sa susunod na buwan sa ABS-CBN. Pagbibidahan ito ng sexy Kapamilya actress na si Jane De Leon kasama sina Iza Calzado, Joshua Garcia, Zaijan Jaranilla at Janella Salvador.

May isang netizen na nagtweet at sinabing, "Guys, let's give the Kakampwets a taste of their own cancel culture. PINK SI @Imjanedeleon. LET'S BOYCOTT DARNA!!"

Sa huli ginamit nito ang #boycottdarna. Iba-iba naman ang naging reaction ng mga netizens sa panawagang iboycott ang Darna series. May mga sumang-ayon, ngunit may mga kumontra rin sa nasabing panawagan.

Ayon sa ilang mga netizens, napakababaw namang dahilan ng pagiging Kakampink ni Jane para hindi suportahan at panoorin ang bagong teleserye. Dagdag pa ng ilang mga fans ng actress, bakit tila hindi pa nakakamove on ang ilang mga supporters ng UniTeam sa nakaraang elections.



Samantala, usap-usapan naman sa social media na ibo-boycott rin ng ilang mga Kakampink ang pelikulang Maid in Malacanang na idinerek ng well known Marcos supporter na si Darryl Yap. Ang kwento ng nasabing pelikula ay ang huling tatlong araw ng mga Marcos sa Malacanang bago mapatalsik dahil sa EDSA People Power Revolution 1.

May mga nagkomento rin na hindi naman mabuti na idamay si Jane sa mga isyu sa pulitika dahil nanindigan lamang ang aktres kung sino ang nais niyang mangulo sa bansa. Sana naman ay makapagmove on na ang lahat para sa katahimikan at kaunlaran ng bansa.

Samantala, wala pa ring reaction mula sa kampo ng aktres sa nasabing isyu.

 

Dasal Kay Ruffa! Ang Nakakaiyak Na Kalagayan Ngayon Ni Ruffa Guttierrez

Walang komento

Marami ngayon ang nag-alala sa kalagayan ng dating beauty queen na si Ms. Ruffa Gutierrez matapos itong mawalan ng malay noong nakaraan sa kalagitnaan ng segment na Sexy Babe sa It's Showtime.

Hinala tuloy ng ilan na sadsad na sadsad na ito at kailangang kumayod dahil sa pagiging single parent nito. Subalit, nagtataka ang ilang mga fans, kung bakit kailangan marami siyang trabaho. Dapat siguro magpahinga muna siya para hindi bibigay ang kanyang kalusugan.

Narito ang kompirmasyon na kailangan magpahinga muna ng dating beauty queen.

"Noong saturday nga kasi, nag-grand finals na ang Sexy Babe segment ng It's Showtime. Kung saan regular Sexy authoriteam siya. Kaya may ilang days na rest lang muna siya. Sabi nga ni Ruffa, 'health is wealth'. Kaya gagayahin ko rin siya at magpapaheck up din ako. Sana nga lang ay kayanin kung makapag-deadline pa rin. Siyanga pala, sobrang nagwo-worry sila Raymond at Lorin Gutierrez na kasama ko ngayon sa Beverly Hills, California nang malaman nilang Ruffa fainted last week. Actually, agree na sila na magkaroon ng medical check up si Ruffa."

 

Vice Ganda Ibinuking: Vhong Navarro at Jhong Hilario Pinag-awayan Si Judy Ann Santos

Walang komento

Ibinuking ni Vice Ganda na dating pinag-awayan ng miyembro ng ‘Streetboys’ na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario si Judy Ann Santos. Sabay kasing nanligaw sina Vhong at Jhong kay Juday.

Sa isang episode ng “It’s Showtime” inasar ni Vice ang dalawang co-host. Ikinukuwento kasi ni Vhong na ang kanyang ama ang kanyang idolo. Inasar naman ito ni Vice at sinabing tila naiiyak ang dancer-host.

“Mabilis lang tumulo ng luha mo parang si Judy Ann,” pagbibiro ni Vice.

“Magandang umarte ‘yon!” sabi naman ni Vhong.

Sabay humirit si Vice ng: “Oo, magaling umarte si Judy Ann at saka ang ganda pa kaya nga pinag-awayan niyo ni Jhong dati. Oo, pinag-awayan ng Streetboys, ang nagwagi si Wowie [De Guzman].”

Si Wawie ay ang long-time on-screen at ex-boyfriend ni Juday.

 

Tunay Na Dahilan Ng Pagpanaw Ni Carloy Ogag Alde

Walang komento

Komedyanteng si Caloy "Ogag" Alde sumakabilang buhay!

Marami sa mga kasamahan ni Caloy Alde sa showbiz ang nagdadalamhati dahil sa biglaan nitong pagpanaw. Ayon sa report, sumakabilang buhay ang batikang komedyante noong Sabado July 23, 2022 sa edad na 60.

Ayon sa aming nakuhang impormasyon, inatake sa puso si Caloy. Dinala ito sa hospital ngunit hindi na naisalba pa ng mga doktor. 

Dalawang taon na ang nakalipas nang maibalita sa social media ang pagkakasakit ni Caloy. Isinugod ito sa Hospital sa Fairview dahil sa heart condition. Nangyari iyon noong kasagsagan ng pandemya kaya hindi kaagad siya nai-admit sa pagamutan. Ayon sa mga report, nagka-heart enlargement umano ito at may tubig na ang baga. Kinakailangan nito ang agarang lunas. Nanawagan pa ng tulong pinansyal ang kaniyang mga kaibigan sa showbiz sa pangunguna ni Gino Padilla.

Tila naging maayos naman ang kanyang kalagayan matapos ang nasabing dagok sa kanyang buhay at mukhang naging maganda ang buhay. Nakakagawa rin ito ng funny content sa Facebook paminsan-minsan.

Si Caloy Alde ay kilala bilang Pinoy Mr. Bean. Siya ang bumida sa palabas noon na Ogag at ang kanyang porma at pag-arte ay inihahalintulad kay Mr. Bean.

 

Juliana Parizcova- Banned Sa It's Showtime? Echapwera Sa Miss Q & A 2022?

Walang komento

Juliana Parizcova echapwera sa Miss Q & A Multibeks 2022? Banned sa It's Showtime?

Usap-usapan ngayon sa social media si Juliana Parizcova dahil noong nakaraang araw naglabas ng teaser ang It's Showtime tungkol sa nagbabalik segment nila na Miss Q &A. Marami sa mga madlang pipol ang nakapansin na wala si Juliana Parizcova sa nasabing teaser ng It's Showtime. 

Ito kaya ay dahil sa pagpapakita  ni Juliana ng suporta sa UniTeam noong nakaraang election? o Dahil sa pagreact ni Juliana sa blind item noon ni Vice Ganda na hindi naman pala siya ang tinutukoy?

Matatandaan, noong April 26, 2022 sa segment na Sexy Babe, may pa blind item si Vice Ganda tungkol sa isang tao na matatawag na basher sa social media.

Ayon kay Vice Ganda, "May kilala rin ako na ganito. Sa totoong buhay, hindi naman siya toxic talaga pero basher siya sa social media. 'Tapos, nalaman ko kasi troll siya. Trabaho, kasi wala siyang pera, e. So, 'yon yung effect, ginawa niya yun. Umabot na siya sa ganoon samantalang dati, sabi ko, kapag walang pera yun, super pa-Gcash. Nagpapa-Gcash sa mga bakla na, 'Teh, pa-send naman kasi wala talaga.'"

"Eh, ngayon, siyempre siguro lahat napa-Gcash na niya, kumapit na sa pagiging troll, at marami pong ganyan, ha?" dagdag pa ni Vice.

 

Janine Gutierrez Magiging Karibal Nga Ba Ang Kapatid Na Si Maxine Gutierrez

Walang komento

Biyernes, Hulyo 22, 2022


 Janine Gutierrez talo nga ba sa ganda ng kanyang kapatid na si Maxine Gutierrez?

Nanganganib umanon ng masapawan ng pwesto sa showbiz si Janine Gutierrez at sa ganda ng bagong newbie sa industry. Ang maaring maging kakompetinsya ni Janine ay walang iba kundi ang kanyang kapatid na si Maxine Gutierrez dahil sa angkin nitong ganda.

Sa Instagram ipinost mismo ng ina nilang si Lotlot De Leon ang larawan ni Maxine kung saan makikita ang kagandahan nito. Animo'y international model si Maxine sa nasabing larawan. Mestisahin ito ngunit maaaring magbigay ng iba't-ibang karakter ang mukha nito.

"Oh Maxine ang bunso namin oh.. kaganda," caption ng ni Lotlot sa nasabing picture.

Hindi naman apektado si Janine at walang balak na makipagkompetensya sa kapatid dahil mahal niya ito.



Vice Ganda- May Patama Kay Bayani Agbayani?

Walang komento

Noong nakaraang araw ay nagpasaring ang Lunch Out Loud Host Bayani Agbayani na kahit kailan ay hindi umano nag-oovertime ang kanilang show.

Ngayong araw ay bumwelta naman si Vice Ganda na tila ba sagot sa pasaring ni Bayani Agbayani. Ayon kay Vice Ganda, "May mga kilala tayo, nakikisali. Nagpaparinig, ba't kayo nagpaparinig? Di naman kayo kasali?"

Tila tuluyan ng nagkalamat ang dating magandang samahan nina Bayani Agbayani at Vice Ganda noong nasa ABS-CBN pa?

 

Nakakadurog! Kris Aquino Pinrangka Na Ng Doktor Dalawang Taong Nalang Ang Itatagal!

Walang komento

Matapos pumalpak ng gamutan kay Kris Aquino sa Houston, Texas  marami ngayon ang nag-aabang ng bagong update ukol sa kasalukuyang kalagayan ni Kris.

Ayon kay Veteran Showbiz Columnist na si Cristy Fermin, hanggang ngayon naghahanap pa rin ng panibagong hospital ang team ni Kris para maituloy ang pagpapagamot ni Kris Aquino.

Ilang mga sikat na hospital sa Amerika ay tumanggi umanong magconfine kay Kris. Kaya naman, hindi naiwasan ng pamilya ni Kris Aquino na mag-alala kung ano ang maaring mangyari kasunod nito. Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Kris kamakailan ang pagbagsak ng timbang nito at labis na pagkapayat.

Tila hirap na hirap na ang Queen of all Media sa kanyang dinadalang sakit. Hanggang ngayon ay hindi pa umano nakakahanap ng lunas ang Fil-Am doctor para sa sakit ni Kris.

Ayon naman sa ilang mga netizens na kailangang manalig ni Kris sa panginoon at matutong magpatawad. Malaki ang naitutulong ng pagdarasal para sa paggaling ni Kris. Ilan sa mga kaibigan ni Kris ang nagbibigay ng dasal. Labis silang nag-aalala sa lulalang sakit nito.

Hiling naman ng mga tagahanga ni Kris ang tuluyang paggaling nito at nawa'y maibalik ang dating sigla ng katawan nito. Samantala, alam naman ng lahat na matapang si Kris at hindi basta-bastang sumusuko sa mga pagsubok na pinagdadaanan niya.

 

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo