Gantihan! Ilang Netizens Gagantihan Si Jane De Leon Dahil Sa Pagiging Kakampink Nito!

Lunes, Hulyo 25, 2022

/ by Lovely

Darna series ni Jane De Leon pinapa-boycott ng ilang netizens.

Naging top trending topic sa Twitter ang #boycottdarna. Ang tinutukoy rito ay ang upcoming action fantasy series na Darna. Ang Darna series ay mapapanood na sa susunod na buwan sa ABS-CBN. Pagbibidahan ito ng sexy Kapamilya actress na si Jane De Leon kasama sina Iza Calzado, Joshua Garcia, Zaijan Jaranilla at Janella Salvador.

May isang netizen na nagtweet at sinabing, "Guys, let's give the Kakampwets a taste of their own cancel culture. PINK SI @Imjanedeleon. LET'S BOYCOTT DARNA!!"

Sa huli ginamit nito ang #boycottdarna. Iba-iba naman ang naging reaction ng mga netizens sa panawagang iboycott ang Darna series. May mga sumang-ayon, ngunit may mga kumontra rin sa nasabing panawagan.

Ayon sa ilang mga netizens, napakababaw namang dahilan ng pagiging Kakampink ni Jane para hindi suportahan at panoorin ang bagong teleserye. Dagdag pa ng ilang mga fans ng actress, bakit tila hindi pa nakakamove on ang ilang mga supporters ng UniTeam sa nakaraang elections.



Samantala, usap-usapan naman sa social media na ibo-boycott rin ng ilang mga Kakampink ang pelikulang Maid in Malacanang na idinerek ng well known Marcos supporter na si Darryl Yap. Ang kwento ng nasabing pelikula ay ang huling tatlong araw ng mga Marcos sa Malacanang bago mapatalsik dahil sa EDSA People Power Revolution 1.

May mga nagkomento rin na hindi naman mabuti na idamay si Jane sa mga isyu sa pulitika dahil nanindigan lamang ang aktres kung sino ang nais niyang mangulo sa bansa. Sana naman ay makapagmove on na ang lahat para sa katahimikan at kaunlaran ng bansa.

Samantala, wala pa ring reaction mula sa kampo ng aktres sa nasabing isyu.

 

( Hide )
  1. Wala po ba bago? paulit ulit lng 😁😁

    TumugonBurahin
  2. Huwag nanating I boycott nakaraan na yon move on maaring naligaw lang Siya Ng landas at ngayoy makapag isipisip na.

    TumugonBurahin
  3. eto makikisawsaw na akes hahhahaa oo di nmn talaga desurv ni jane ung ganun pero isipin nyo ung issue kay toni G nung nanindigan din sya na isa syang uniteam.... ano masasabi nyo don..... sinimulan ninyo husgahan si Toni G. And now sasabihin nyo na naninindigan din si Jane. Okay lng yan kay Jane kung di sya magpapaapekto. Gawin nya ung ginawa ni tonie na nanindigan sa kung ano at sino ang kanyang susuportahan... #moveon na guy

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo