Big Announcement Ng Tvj Sa Paglipat Ng Dabarkads Sa Tv5!

Walang komento

Miyerkules, Hunyo 7, 2023


Sa wakas nakahanap na nga nga bagong tahanan ang TVJ at ang iba pa nila ng mga kasamahang host na nagsikalasan sa TAPE incorporated.


Sa pamamagitan ng kanilang official Facebook page, kung saan ay buong pagmamalaki nilang sinabi na, sila ay mapapanood na sa TV5.


Ayon pa kay Vic Sotto na kung saan man daw sila dalhin ng tadhana ay tuloy ang isang libo't isang tuwa.


Samantala, sa mga naunang kumalat lumabas na balita ay banggit na maaring hindi pa nila magamit sa ngayon ang titulong Eat Bulaga sa kanilang bagong show sa TV5.


Dahil hindi pa nila nakukuha ang approval ng copy right nito na inapply ng TVJ kasama si Toni Tuviera.


Kaya naman maaaring pansamantala daw muna nilang gagamiting pamagat sa kanilang show ay ang pangalang Dabarkads, na  kanila ding pinasikat.


Marami namang mga tagasubaybay ng programa ang natuwa sa bvalitang ito, matapos nga na inanunsyo ng TVJ na kumalas na sila sa TAPE incorporated napagmamay-ari ng mga Jalosjos.


Sa ngayon ay sobrang dami na nga ang nagpaabot ng kanilang hinaing sa GMA AT at sa TAPE kung bakit nangyari ito.


At sigurado daw na sapagsisimula ng bagong show ng Trio at ng Dabarkads ay dudumugin ito ng mga manonood dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na sa sobrang tagal na nga ng Trio sa Eat Bulaga ay marami na itong mga masusugid na mga taga subaybay at marami na din ang mga napamahal sa kanila na handa silang sundan san man sila paruruon.


Ihinayag din ng Tito Sotto na dahil bago palang kanilang studio ay nangangailangan pa sila ng ilang linggong palugit.




 

Bea Alonzo Nag-Flex Nang Larawan Mula sa Pelikulang Love Before Sunrise

Walang komento


Masayang ibinahagi ng aktres na si Bea Alonzo ang ilang snaps na kuha sa taping ng kanyang pelikulang Love Before Sunrise kung saan kasama niya ang batikang aktor na si Dennis Trillo.


“Behind-the-scenes snippets from our taping of Love Before Sunrise” saad ni Bea Alonzo sa caption.


Bukod kay Dennis Trillo, makakasama rin ni Bea Alonzo sa teleseryeng ‘Love Before Sunrise’ sina Andrea Torres, Sid Lucero, Nadia Montenegro at Sef Cadayona.


Nagsimula ang taping sa teleseryeng Love Before Sunrise nitong April 2023. Ang teleseryeng ito ay collaboration ng Viu Philippines at GMA7.


Ang Love Before Sunrise ay upcoming Philippine television drama romance series na ipapalabas sa GMA Network. Directed by Mark Sicat dela Cruz, pagbibidahan naman ito nina Dennis Trillo at Bea Alonzo. 


Mapapanood ang teleseryeng ito sa GMA telebabad ngayong taon.


Agad naman umano ng mga positibong komento mula sa mga netizens at sinasabing malakas ang chemistry nilang dalawa.


"Sana ganto ako kaganda pag nagcocommute"


"May aabangan na ako kakamisa bea drama"


"Bat mala DOTS naman mima b???? Love it"


"mukhang mas may chemistry kayo ni Dennis kesa kay Alden"


Si Phylbert Angelli Ranollo Fagestrom, na mas kilala sa kanyang screen name bilang Bea Alonzo, ay isang Filipino actress. 


Unang sumikat si Bea Alonzo sa kanyang  2002 teleserye na pinamagatang Kay Tagal Kang Hinintay. Tumatak naman sa mga manonood ang kanyang natatanging pagganap sa  One More Chance, The Mistress, Four Sisters and a Wedding, and Eerie.



Tito Sotto Matapang Na Sinabing Eat Bulaga Ang Gagamitin Nila Sa Tv 5 !

Walang komento


 Opisyal na ngang lilipat ang mga original host ng Eat Bulaga na sina Tito, Vic at Joey kasama din ang iba pang mga host nito na nagsikalasan sa TAPE incorporated.


Ayon aming nakalap na impormasyon ay Eat Bulaga parin daw ang pangalan ng kanilang noontime show sa TV5.


Sa isang exclusive interview ay pinanindegan ni Tito Sen na Eat Bulaga dapat ang kanilang gagamitin sa kanilang bagong tahanan.


Aniya, "History and the law backs us up. Therefore I really believe that we should use Eat Bulaga cause we are Eat Bulaga, we stared it."


At ipinakita narin sa publiko ngayong araw ang bagong logo ng TVJ sa TV5.


Ngayon nga ay pumirma ng kontrata ang TVJ at ang Dabarkads sa na ginawang bagong tahanan ang TV5.


Nayong araw nga ay inanunsyo ng MediaQuest matapos gumawa ng isang kasunduan sa TVJ para makagawa ng content para sa TV5 at sa iba pang platform ng Mediaquest.


MediaQuest Partners With Tito, Vic and Joey, "The Mediaquest group has entered into an agreement with Tito, Vic and Joey and Dabarkads to produced content for TV5 and other Mediaquest platforms."


"The deals open yet another chapter in the long running celebration entertainment careers of Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon."






TAPE Inc. Naninindigan Na Pagmamay-Ari Nila Ang Eat Bulaga

Walang komento

 

Tila walang paubayaan na magaganap sa pagitan ng TAPE Inc. at ng TVJ sa pag-claim sa titulo ng Eat Bulaga.


Matatandaan na nauna nang iginiit ng TVJ na sila ang may hawak ng copyright ng Eat Bulaga at madadala umano nila ito sakaling iwan nila TAPE Inc.


“For us, we follow, ‘ika nga, the international rule. Even in the Supreme Court jurisprudence here in the Philippines and abroad, the creators are the owners. So, we will fight for it, we will continue with Eat Bulaga,” saad ni Tito Sotto.


Subalit nagbigay na ngayon ng pahayang ang isa sa mga executive ng TAPE Inc. na si Mayor Bullet Jalosjos kung saan nanindigan siyang nasa kanila ang trademark ng Eat Bulaga mula pa noong 2011.


“Kami po ang nag-trademark niyan nung 2011 and we also had another application in 1991,” pahayag ni Bullet Jalosjos sa isang panayam.


Ipinahayag din niya, na noong nag-apply ang TAPE para sa trademark ng “Eat Bulaga”, ay wala umanong kahit sino, maging ang TVJ, ang kumontra.


Matatandaan na nitong May 31, 2023 tuluyan nang nilisan nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang TAPE Inc. kasunod nang pagbabawal umano sa kanilang makapaglive viewing.




Paolo Contis, Hindi Pa Rin Tinatantanan Ng Mga Bitter Persons

Walang komento


 Muli na namang ipinagtanggol ng veteran showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis ang kanyang alaga na si Paolo Contis laban sa mga  bashers nito.


Dumagdag pa sa mga dahilan ng pambabash sa aktor na si Paolo Contis ang pagiging host niya sa rebranded Eat Bulaga. 


Hindi naging maganda ang pagtanggap ng mga manonood sa mga panibagong host ng Eat Bulaga lalong-lalo na kay Paolo Contis.


Marami ang nagsasabing at hindi naniniwala sa kakayahan ni Paolo Contis dahil sa mga kontrbersiyang kinakahara nito noon pa man.


May mga nagsasabi pa na baka maapektuhan ang image ng Eat Bulaga sa masamang image ni Paolo Contis lalong lalo na sa pagiging irresponsableng ama umano nito sa kanyang mga anak.


Kaya naman kaagad na nagbigay ng pahayag si Manay Lolit Solis at muling dinepensahan si Paolo Contis. Tinawag pa ng talent manager na mga bitter ang mga bashers ni Paolo Contis.


“Naku Salve bakit ba ayaw tigilan ng mga bitter person si Paolo Contis. Tutoo na may mga nagawa siyang pagkakamali sa buhay niya, hindi ba siya puwede bigyan ng 2nd chance? Usually naman pag nagkamali ka, meron din participation iyon partner mo, hindi naman puwede na ikaw lang nagkamali.”


Sa kabila nito, ipinahayag ni Manay Lolit Solis na hindi naman niya kinukunsinti ang mga kamalian ng kanyang talent na si Paolo Contis.


“Ayaw ko isipin na dahil alaga ko si Paolo Contis kunsintidora ako sa mga ginagawa niya. His life is his own, kung ano ang mas magpapaligaya sa kanya, iyon dapat niyang gawin. Maaring may masaktan sa desisyon niya, pero buhay niya iyon. Hindi dapat diktahan dahil kanya iyon.”


Hindi rin umano lubos na maisip ni Manay Lolit ang totong dahilan kung bakit lahat na lamang ng ginagawa ni Paolo ay mali para sa iba.


“Nagtataka ako bakit para bang lahat ng gawin ni Paolo Contis hinahanapan ng mali. Give him a break please. Hayaan naman natin siya makahinga at ma enjoy ang buhay. Unfair naman na diktahan natin siya ng dapat gawin.”


Hiling pa ni Manay na sana ay huwag na lamang pakialaman kung ano ang ginagawa ni Paolo Contis dahil doon siya naging masaya.


“Kawawa naman siya. His life is how he want to live it, let it be. What makes him happy, good. Huwag na tayo makialam.”



Paolo Contis Sinupalpal Ng Netizen Matapos Sabihing Trabaho Lang Walang Personalan Sa Tvj!

Walang komento

 


Matapos nga na mapili ng mga Jalosjos sina Buboy Villar, Betong Sumaya at Paolo Contis, bilang siyang pumalit sa mga original host ng Eat Bulaga na sina Tito, Vic and Joey.


Ay nagkaroon nga sila ngayon ng pagkakataon  na ma interview, at dito nga ay nilinaw ni Paolo Contis na hindi nila pinalitan ang TVJ at aminado silang wala naman daw makapapalit sa legendary trio.


Ngunit sila raw ang napili ng TAPE incorporated na maging mga host ay kailangan nilang ibigay sa abot ng kanilang makakaya upang mapasaya ang mga manonood.


Ayon nga sa tatlong ito ay kaya daw sila nandito sa Eat Bulaga upang makapagpasaya ng mga tao, hindi sa kung anu paman.


Kaya naman nakiusap nga sila sa mga netizens na sana naman ay bigyan sila ng pagkakataon na makapagpasay pa ng maayos sa mga tao.


Samantala, hanggang ngayon ay marami parin sa mga netizens ang humihiling na sana ay ibalik na daw ang TVJ sa Eat Bulaga.




Kakai Bautista, Naiisipan Din Minsan Ang Paglalandi Pero Mas Kailangan Ang Pera Kaysa Sa Lalaki

Walang komento


 Agad na pinag-uusapan online at umaani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang ibinahaging Facebook post ng aktres na si Kakai Bautista patungkol sa mga lalaki at pera.


Inamin ni Kakai Bautista na paminsan-minsan ay naiisipan rin niyang lumandi at mamansin ng lalaki. Subalit, natatauhan umano siya sa tuwing naiisip niya ang kanyang mga bills na dapat bayaran.


“Minsan gusto din talagang lumandi at (mamansin) ng lalake pero kapag naiisip ko yung mga bayarin, gusto ko pang ma-achieve para sa sarili ko, NAGIGISING ako sa KATOTOHANANG di ko kailangan ng LALAKE para sumaya.”


“KAILANGAN ko PERA,” saad ni Kakai.


Nilagyan naman niya ng disclaimer ang kanyang post upang bigyang linaw na wala siyang masamang ibig sabihin sa kanyang post.


“Bawal dito mga di kayang mabuhay walang LALAKI.”


“Papait kayo sa mga statements ko. 💯”


“Nakakatawa yung mga comments na dapat ‘kaya kang buhayin’ or ‘wag na na kung di ikaw ang bubuhay.'”


“HINDI KO YUNG HAHAYAANG MANGYARE SA AKIN. Kase di ako kailangang buhayin ng LALAKE. Una AYOKO. Kailangan mas mayaman ako sa kaniya. Pangalawa kung mag-aasawa ako, hindi ko kailangang maging dependent sa pera nya. NO.

Yuck for that mindset.🤣”


“At hindi ako makikipagrelasyon sa WALANG PERA. Period.”


Sa kabila nito, may natatanggap pa ring negtibong komento si Kakai patungkol sa kanyang naunang pahayag. Kaya naman sa kasunod na post nilinaw niyang naniniwala pa rin siya sa wagas na pag-ibig.


Subalit ipinunto niyang hindi kailangan ng babae na palaging umasa na lamang sa pera ng lalaki.


“Don’t get me wrong, naniniwala (pa rin) ako sa Wagas na Pag-ibig. Di na nga lang ako niniwala na kaya kang buhayin ng PAG-IBIG lang. Both men and women should be financially independent and stable before going into a serious relationship or marriage. BAKIT?”


“Napakapangit pag-awayan ang wala kang ipapangdate, igagastos sa kasal, ipapakain sa mga anak mo, ipapang-aral at ipapang-ospital kung may magkasakit.”


“Lalo na ang mga kababaihan. Kailangan financially independent. BAKIT? Kase laging kawawa ang babae sa hiwalayan lalo na kapag wala siyang sariling pera.”


“Mental, Emotional, Physical and Financial Stability is the KEY to a HAPPY inter-personal relationships whether it is ROMANTIC or PLATONIC.❤️”


“So, PagHANDAAN mo ang TUNAY NA PAG-IBIG!”



Wow Mali Mag-Babalik Na Sa Tv5 Na Dating Show Ni Joey De Leon!...

Walang komento

Trending at pinag-uusapan ngayon sa social media ang pagbabalik ng classic gag show na kinagiliwan noon ng marami manonood.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon ay kumpirmado daw na magbabalik din ang Show ni Joey De Leon noon sa TV5, bago pa ma uso ang mga prank videos na nakikita ngayon sa social media.


Na kung saan ay ginagawa ng mga vloggers at ay may isang show na talaga na nauna at tumatak sa isipan ng mga tao.


Kahit hindi pa uso ang internet at wala pang Facebook at YouTube noon, ay mayroon ng show na nagpaprank ng mga tao, at iyun ay ang Wow Mali ni Joey De Leon.


Kung matatandaan ay nagsimula ang nasabing show sa TV5 noong May 25, 1996, Hanggang August 2, 2008, at mula Febuary 22, 2009, hanggang June 28, 2015.


Naging host din dito sina Wally Bayola at Jose Manalo, nakasama din noon ni Joey De Leon si Mr. Fu.


Kaya ngayon sa paglipat nga ng TVJ sa TV5 ay kasabay naman ng pagbabalik ng show ni Joey De Leon na Wow Mali.


Talagang marami ang mga netizens na na inaabangan ito dahil sa back to back nga agad ang nakuha ni Joey De Lean sa paglipat nila sa naturang istasyon.



 

 

Annabelle Rama Nag Voiceover Sa Ginawang Make Up Tutorial ni Lorin

Walang komento


 Usap-usapan ngayon at kumakalat sa ilang social media platforms ang nakakatuwang TikTok video ni Lorin Bektas, anak ng aktres na si Ruffa Gutierrez, matapos itong ivoice over ni Anabelle Rama.


Kilala ang pamilya Gutierrez sa mundo ng showbiz dahil karamihan sa kanila ay pumasok sa pag-aartista.


Si Eddie Gutierrez ay isang batikang aktor habang si Annabelle naman ay isang magaling na talent manager. Mayroon silang limang anak at tatlo sa mga ito ay pumusok sa showbiz.


Samantala, kamakailan lamang ay ibinahagi ni Lorin Gutierrez Bektas ang isang Tiktok video kung saan makikitang ginagawa niya ang kanyang make-up.


Ang nakakatuwa rito ay si Annabelle mismo ang nag-voice over na siyang ikinatuwa naman ng ilang mga netizens at nang kanilang mga tagahanga.


 “highly requested makeup tutorial narrated by my lola hahahaha she doesnt know how tiktok works so i had to guide her and her netflix is playing in the background #fyp #grwm” caption ni Lorin sa kanyang Tiktok video.


Agad naman itong umani ng samu't-saring komento at opinyon mula sa mga netizens. Agad ring umabot sa mahigit 3 million views ang nasabing video.


"dami pala arte make up mo lurin"😂 so adorable!"


"You two are so cute!

Ms Anabelle is known for being so matapang, but I feel that she's a sweet lola"


"Halatang mabait Ang boses, super lambing lola"


 “ur lola is so funny w/o even trying helppp”


“she’s so sweet when she calls u anak”

@loringabriella highly requested makeup tutorial narrated by my lola hahahaha she doesnt know how tiktok works so i had to guide her and her netflix is playing in the background #fyp #grwm ♬ original sound - lorin

It's Showtime Ililipat Na Naman Sa Panibagong Timeslot Upang Bigyang Daan Ang TVJ

Walang komento


Kumakalat ngayon ang mga tsismis na ang Eat Bulaga ng TVJ ang papalit sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime sa noontime slot ng TV5 simula ngayong darating July.


Nitong June 6 lamang ay opisyal nang inihayag ng Mediaquest Holdings, Inc. na magkakaroon ng bagong palabas sa TV5 ang iconic trio at ang iba pang Dabarkads na umalis sa TAPE Inc.


Agad naman itong ikinatuwa ng mga tagahanaga at supporters ng TVJ at iba pang mga umalis na Eat Bulaga hosts sa TVJ.


Ipinahayag naman ni Tito Sen ang kanyang malaking pasasalamat sa naganap na partnership. Ang partnership na ito sa pagitan ng Eat Bulaga at Mediaquest Holdings ay magbibigay-daan sa kanila na magpatuloy sa pagbibigay ng saya, premyo, at entertainment.


Subalit, ikinabahala naman ito ng mga It's Showtime fans dahil may lumabas na balitang maaring itake-over ng show ng TVJ ang noontime slot ng It's Showtime. Dahil matatapos na ang kontrata ng It's Showtime sa Kapatid network sa darating na June 30, 2023.


Gayunpaman, sinabi rin na mapapanood pa rin ang It’s Showtime sa iba pang channel gaya ng Kapamilya Channel, A2Z Channel 11, Kapamilya Online Live, at iWantTFC livestream.


Usap-usapan na ang Kapamilya noontime show ay ipapalabas sa TV5 pero babagsak ito bilang delayed telecast.


Samantala, nauna nang ipinahayag ni Tito Sotto na gagamitin pa rin nila ang pamagat na Eat Bulaga sa kanilang show sa TV5 kahit pa patuloy pa ring pinapalabas ng GMA7 ang iniwan nilang Eat Bulaga under TAPE Inc.


Muling iginiit ni Tito Sotto na sila ang mas may karapatan na gumamit sa title ng Eat Bulaga dahil sila ang may hawak sa copyright nito.




Nadine Lustre Boyfriend Na-Diagnosed Na May Cancer!

Walang komento

 


Maraming na atig sa ibinahanging post ng nobyo ng actress na si Nadine Lustre na si Christophe Bariou.


Ito ay dahil sa paglaban niya sa kanyang naging sakit na Cancer.


Na ayon sa kanya ay tatlong taon narin daw umano ang nakalipas ng siya ay ma diagnose sa sakit na cancer.


Sobra daw ang kanyang kalungkotan at tila bumagsak ang buong mundo sa kanya ng sinabi ng dortor sa kanya na ilang linggo nalang ang itatagal ng kanyang buhay.


At Ito daw umano ang pinakamadilim na bahagi o yugto ng mga kabanata sa buhay ng nobyo ni Nadine.


Hindi mandaw ito ang unang beses na nalagay sa ganitong sitwasyon ang kanyang buhay, pero iba daw kasi ang kanyang kalaban na kinahaharap.


Dahil nasa loob daw kasi ito ng kanyang katawan, kaya naman natakot daw umano siya sa posibleng mangyari sa kanya ng mga panahong iyun.


Pagpapatuloy niya pa na akala daw niya na hindi na siya magkakaroon ng pamilya at mga anak.


At kung nawala man daw siya noon ay hindi na rin daw niya matatapos ang kanyang na umpisahan sa Shargao at hindi sila magkakakilala ng kanyang nobya ngayon na si Nadine Lustre.


Heto naman ang buong pagbabahagi niya sa kanyang caption, "This was something I never thought I’d share at all on social media. Maybe I never did because I preferred not to be seen as the victim or to use this illness to appeal for pity. And while I was successfully overcoming it, I saw many around me losing their lives trying to, so it didn’t feel right to talk about myself."


"But around 3 years ago, I was diagnosed with cancer and I was told I only had a few weeks left to live. I experienced the darkest sensation of fear, which is something I thought I had already known because it wasn’t the first time I was in a life threatening situation."


"But this was different. The enemy was invisible and deep inside my own body – a body that I never doubted before, at the age of 27."


"There is no shame in acknowledging I was scared but I was also angry and frustrated at life. I thought, I’ll never have kids, my own family, or finish what I started in Siargao. I will never get my first barrel surfing. Why is this happening to me? Why me? I felt so full of life and suddenly finding out I had a couple weeks left to live was devastating… to say the least."


"At that point, I was about to choose to stay put in Siargao, live the best I could out of my last days and not even bother trying to cure myself since I thought there was not much hope left."


"A couple days later, while trying my best to accept my fate between fear, anxiety, anger and frustration, I learned from other doctors that there was a chance to heal but I had to drop everything, leave immediately, and go back to France to a specialized hospital."


"They discovered I had a very rare type of lymphoma and even mentioned it was so rare they had no statistics of survival but that they were still hopeful and my 6 month treatment started."


"Not only was I lucky enough to benefit from the best treatments available from the leading cancer research center in Europe, but all of this was completely free of charge thanks to the rights the French fought for. It just makes me think how unfair it can be in other countries when something as bad as this hits."



Bullet Jalosjos Unbothered Sa Show Ng TVJ Sa TV5

Walang komento


 Sinabi ng TAPE Inc. chief finance officer na si Bullet Jalosjos na hindi sila nananakot sa bagong show ng iconic trio na TVJ sa TV5.


Nitong June 7, inilabas na ang official announcement tungkol sa paglipat ng network nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, at mga Dabarkadz sa Kapatid network. 

Naging trending topic ito sa social media noong Miyerkules dahil inaabangan na ng mga masugid na tagahanga ng Eat Bulaga ang kanilang pagbabalik sa noontime slot pagkatapos nilang iwan ang TAPE Inc noong May 31.


Sa isang ulat, ipinahayag ni Tito Sotto na Eat Bulaga pa rin ang gagamitin nilang pamagat ng kanilang show sa TV5 sa kabila ng patuloy na paggamit ng TAPE Inc. sa pamagat na Eat Bulaga sa GMA7.


Matatandaan na una nang ipinahayag ng TVJ na sila ang makakakuha ng credit at trademark ng Eat Bulaga dahil ang pamagat nito ay gawa umano ng tinaguriang Henyo Master na si Joey De Leon.


Samantala sa isang panyam, naitanong kay Bullet Jalosjos kung nati-threaten ba sila sa show ng TVJ sa TV5 na siyang tatapat umano sa kanilang show sa GMA7.


Confident naman itong sinagot ni Bullet at sinabing hindi sila nati-threaten dahil hindi naman sila nangungumpara.


 “Not really, because we are not trying to compare.”


Dagdag pa ni Bullet Jalosjos na kailanman ay hindi sila magko-compare dahil ang TVJ ay mananatiling TVJ at hindi umano dapat na ikumpara ang dalawang show.


Sa pag-uusap tungkol sa title ng Eat Bulaga, sinabi ng Mayor ng Dapitan na mayroon na silang trademark kahit noong 2011 pa at nagkaroon din sila ng trademark application noon pang 1991. Binigyang-diin niyang walang tutol dito, kasama na ang TVJ, ibig sabihin ay nananatili ang pangalan sa ilalim ng kanilang authority.


Ayon kay Bullet, copyright lamang ang pagmamay-ari ng TVJ at hindi ang trademark ng Eat Bulaga.


“There’s a difference between a trademark and a copyright… [A trademark] encompasses everything within that timeframe,” pagpupunto ni Bullet Jalosjos.



Wowowin Magbabalik Na Sa Gma-7 Willie Revillame Vs Tvj.

Walang komento


 Show ng Tv host actor comedian na si Willie Revillame na ang Wowowin ay mapapanood muli sa GMA 7  sa dati nitong timeslot.


Nagbahagi nga isang maikling video ang buong staff ng Wowowin sa kanilang Facebook page na sabay-sabay nilang sinabi na "malapit na."


Kaya naman tanong nagkaramihan sa mga taga subaybay ng mga palabas sa GMA 7 na paano nalang daw si Dingdong Dantes ano na ang mangyayari sa kanyang show na Family Feud.


Matatandaang nitong kamakailan lang ay nagpaalam na din ang kapuso actor at Tv host na si Dingdong Dantes sa kanyang show na Family Feud.


Kung saan ay sinabi niya na mahigit sa isang taon din tayong magkakasama , at kung saan ay sinabi niya na magpapahinga na ang kanyang show na Family Feud.


Aniya, "Mahigit isang taon din tayong magkakasama, araw-araw nakikihula at nakikigood answer kayo habang nanonood ng ating programa, we'll take a short break pero babalik po kami."


Kaya naman tingin ng iilan na tila pinaghahandaan na ng GMA 7 ang posibleng tapatan ng Wowowin at ang bagong Show ng TVJ. 


Pero Pwede din naman na ang It's Showtime ang makakatapat ng Wowowin sa oras nito.


Alam na naman siguro ng lahat na kumpirmado na ngang sa TV5 lumipat ang TVJ,


At sa TV5 din naman napapanood ang It's Showtime, na ngayon ay katapat ng Eat Bulaga, kasama ang mga bagog host nito sa GMA 7.


Kaya naman dahil sa nasa TV5 na nga ang TVJ ay posibleng sila ang papalit sa Timeslot ng It's Showtime.


Upang tapatan ang sinasabi ng mga netizens na Peking Eat Bulaga ng mga Jalosjos.


At ang It's Showtime naman ay mapupunta sa hapon na magiging katapat naman ng Show ni Willie Revillame na Wowowin.


Kung matatandaan ay naging mataas ang rating noon ng Wowowin sa GMA 7, Ngunit lumipat lang ito sa mga Villar dahil sa utang na loob.


Ngunit dahil sa problema ngayon sa signal ng ALL TV ay nahinto ang maraming programa doon at kasama na ang Wowowin ni Willie.


Kaya muli na nga itong magbabalik sa GMA 7 upang makapagpatuloy sa pagpapasaya sa maraming mga Pilipino.








Kung dati may TVJ, JoWaPao Ngayon Ay May ‘BuLoTong’ raw Ang Eat Bulaga

Walang komento


 Sa pag-alis ng dating Eat Bulaga hosts na TVJ at ng JoWaPao, nagkaroon ng panibagong trio ang Eat Bulaga sa katauhan ng mga bagong hosts na sina Paulo Contos, Betong Sumaya at Buboy Villar.


Agad namang nag-isip ang ilang mga netizens kung ano ang nababagay na itawag sa panibagong trio ngayon ng Eat Bulaga.


Matatandaan na marami ang umaasang ipapamana ng legendary trio nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon (TVJ) ang Eat Bulaga kina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros o mas kilala bilang JoWaPao.


Subalit dahil sa nangyaring internal conflict sa Eat Bulaga, magkasunod na nagresign ang mga nasabing trio. Kaya naman sa pagpapatuloy ng Eat Bulaga, nakaroon ito ng mga panibagong hosts na pinili mismo ng TAPE Inc.


Ngayong may bagong trio na ang Eat Bulaga, nagsulputan ang iba’t ibang word coinage ng pangalan ng tatlo upang ipantapat sa TVJ, at kahit doon man lamang ay magkaroon daw sila ng sariling tatak.


May mga nagmungkahi na tawaging PBB ang panibagong trio ng Eat Bulaga subalit ang PBB ay ginamit na ng ABS-CBN sa sikat na yellow house ni Kuya, Pinoy Big Brother.


May mga nagmungkahi rin na tawagin silang “PaBeBu” (word play ng Pabibo) o mula sa unang pantig ng mga pangalan nila.


Subalit may mga nagsasabing mas bagay at nararapat na tawaging “BuLoTong” ang panibagong trio ng Eat Bulaga mula sa Bu ni Buboy, Lo ni Paulo, at Tong ni Betong.


Sa kabilang banda, wala pang opisyal na ipinahayag ang pamunuan ng TAPE kung ano ang nararapat na itawag sa panibagong trio ng Eat Bulaga.




Paolo Contis Very Proud Na Nakuha Bilang Isang Host Ng Eat Bulaga

Walang komento


 Hindi maitago ni Paolo Contis ang kanyang kasiyahan matapos ang matagumpay na pagiging host ng rebranded Eat Bulaga.


Nitong lunes, June 5, 2023 nakilala ang mga bagong hosts ng Eat Bulaga na pinili mismo ng TAPE Inc. na siyang papalit sa mga nagresign nang host sa pangunguna nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.


Sa mga ulat, ibinahagi ni Paolo Contis ang kanyang karanasan bilang isang Eat Bulaga Dabarkads at ipinahayag ang kanyang pagka proud na napabilang siya sa mga panibagong host ng Eat Bulaga sa kanyang mga co-host kabilang sina Betong Sumaya at Buboy Villar.


“Ako, proud ako. Proud ako sa nagawa natin. Masaya ako na nagawa natin ang isang malinis na show para sa mga Dabarkads natin regardless of whatever. God bless sa atin.” 


Ipinahayag ito ni Paolo Contis sa kabila ng mga natatanggap na pambabatikos at negatibong komento mula sa mga netizens sa kanyang pagpalit sa TVJ sa Eat Bulaga.


Sa ngayon si Paolo Contis ang siyang nakakatanggap ng mas maraming pambabatikos dala na rin sa kanyang mga nakaraang isyu.


May mga nagsasabi pang hindi nababagay kay Paolo Contis ang pagiging host sa Eat Bulaga dahil isa umano itong irresponsableng ama sa kanyang mga anak.


May mga kumukwestiyon din sa TAPE Inc. kung bakit nila kinuha si Paolo Contis gayung maari umanong maapektuhan ng bad image nito ang good image ng show.


Sa kabila nito, hiling ni Paolo Contis na sana'y bigyan naman sila ng pagkakataon na makapagbigay ng saya sa mga manonood at sa mga Dabarkads.


“I hope you give us a chance. Kasi at the end of the day, pinatawag kami para tumulong sa tao, para makapagpasaya ng tao. How you can say no to that?” 


Nauna rito, nilinaw ni Paolo Contis na nais lamang niyang makapagbigay ng saya sa lahat kaya niya tinanggap ang offer ng TAPE Inc.



Bagong Host Ng Eat Bulaga Na Si Buboy Villar Viral Sa Pahayag Nito Sa Pag Reresign Nila Tito Vic and Joey!

Walang komento

 


Nagviral at usap-usapan ngayon sa social media, ang isa sa mga bagong host ng Eat Bulaga na si Buboy Villar. 


Ito ay matapos na magtrending ang kanyang pagkadismaya sa pagkawala ng TVJ sa Eat Bulaga.


Heto naman ang naging post ni Buboy Villar sa kanyang social media account.


Noong June 1, matapos nga na magsikalasan ang mga host ng naturang programa.


Sabi niya sa kanyang post, "Eat Bulaga 😞 Nakakalungkot man pero fighting! Sobrang salamat sa saya ninyo forever kayo sakin "


Lingid pala sa kaalaman ni Buboy Villar na sa June 5 Pala ay isa siya sa mga naging napili na pumalit sa mga dating host ng Eat Bulaga.


 Na kung saan ay kasama niya rito sina Paolo Contis at iba pa na kung saan ay nagpahayag na nga ng kanilang mga saloobin matapos nga na mabash ng mga netizens.


Na ayon nga sa ilan ay sa isang daang porsento ng mga manonood ay nasa 98% nga daw ang hindi tanggap ang o hindi nagustohan ang mga bagong host at mga 2 percent naman and siyang sumusuporta parin sa kanila.


Kaya naman ay sadgestion ng ibang mga netizens kay Bubo na sana daw ay hindi na nito tinanggap pa ang offer ng mga Jalosjos sa kanya na pumalit sa mga nagsikalasang mga host nito.


Umani naman agad ito ng samu't saring reaksyon at komento mula sa mga netizens.


Narito naman ang kanilang mga naging komento, "Umalis kana sa eat bulaga na under jalosjos management. Suicide career ginawa mo dahil sa pagtanggap mo sa offer ng mga jalosjos. Pwedeng mawalan ka ng subscribers sa YouTube, madamay pa pangalan mo na mainis yung mga tao sayo. May YouTube ka naman eh at ibang show sa GMA, kumikita ka pa din naman. Sana man lang alam mo yung salitang respeto at delicadeza. First day niyo pa lang, 100% puro negative yung feedback ng mga Pilipino."


"Diba mga kaibigan mo mga dabarkads bakit ka nag host ng naiwanan nila 😢 haist!"


"Second rate trying hard copycat na mga hosts sa Cheat Bulaga😂Lalo na yung Legaspi twins,variety show hinohost nyo hindi sagala.What a shame!"


"Hinde kapo bagay mag host ng isang noontime show. Mas bagay po sayo yung mga character actor na gumaganap kay mel tiangco sa magpakailanman oh kaya dun sa wish ko lang. Yun bagay sayo yun. Oh kaya kay Maam allan k magbu bukas yata ng bagong comedy bar yun pwede ka dun"


"Idol talaga kita! Pinanuod ko lahat ng epidose ng running man for you. 😍 You cute!"




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo