Bulgaran Ng Baho! Rosmar Vs Ms Glenda Dela Cruz, Sino Nga Ba Ang Tunay Na Malakas?!

Walang komento

Miyerkules, Setyembre 14, 2022

Patuloy pa rin ang bardagulan nina Rosmar at Ms. Glenda sa social media. Sino ang mas malakas?

Tila hindi pa rin natatapos ang pagbabangayan ng dalawang beauty products CEO na sina RosMar at Ms. Glenda. Nagsimula ang lahat sa palitan nila ng pagpaparinig sa kani-kanilang social media accounts. Hindi na ngayon matukoy kung sino ang nag-umpisa ngunit ang tiyak ay walang nagnanais na magpaawat.

Humantong na ang parinigan nila sa paglalabas ng baho sa isa't-isa. Maging ang buhay may-asawa ni Ms. Glenda ay kinalkal na rin ni Rosmar at dinadamay na sa kanilang bardagulan. Sa Facebook post ni Rosmar, ibinulgar niya hindi nagsasama sa iisang bobong sina Ms. Glenda at asawa nito.

Kasunod naman nito ay ang post na ito ni Rosmar sa kanyang Facebook account, na may mga resibo siyang magpapatunay sa mga claims niya. Tila tinotoo naman ito ni Rosmar at nagbahagi ng isang larawang bagama't nakatakip ang mukha ng babae ay hinihinalaan naman ng iba ngayon na ito ay walang iba kundi si Ms. Glenda. Sinundan naman niya ito ng isa pang post na nagsasabing may asawa na may boyfriend pa.



Samantala, tila hindi kinaya ni Ms. Glenda ang stress na ibinibigay sa kanya ng mga banat ni Rosmar kay isinugod ito sa hospital. Bagama't hindi sinasabi ni Ms. Glenda ang kanyang sakit, nagpapasalamat pa rin siya sa mga taong sumuporta at nagbigay ng panalangin para sa kanyang pagpapagaling. Tila pinapakita rin nito na suportado siya ng kanyang asawa at hindi totoo ang mga banat ni Rosmar laban sa kanya. Nagpost siya ng ilang larawan ng sweetness nila ng kanyang asawa. Ayon pa rito, open sa mga tao ang buhay niya at hindi niya ito ikinakahiya.

Mula noon... Hanggang ngayon... ♥️
"Si Mac, tahimik lang... Ayaw niyan ng drama, ayaw niyan ng nakikipag-away ako, sinasaway kahit pa nasa tama ako. 💯
9 years, hindi naging madali ang pagsasama namin dahil nagsimula kami na sobrang bata ko pa. 14 years old to be exact ng makilala ko siya. ♥️
Para nga akong nagkaroon ng kuya dahil siya ang labasan ko ng lahat ng hinanakit ko sa mundo. 😘♥️
Open book ang buhay ko, hindi ko ikinakahiya lahat ng pinagdaanan namin dahil ngayon yan ay isang "kwento" nalang na naging aral sa kung ano kami ngayon. 💪🏻💪🏻💪🏻
Basta si Lord ang center ng relationship niyo, kahit ano pa man ang mangyari, babalik at babalik kayo sa kung ano ang sinumpaan niyo. ♥️
Ngayon, mas masaya kami. Tanggap namin lahat ng baho ng bawat isa. Lahat ng hindi magandang kwento, tinatawanan nalang namin and that made us more VICTORIOUS! 💎
Naghiwalay kami ng dalawang taon, parehong naligaw ng landas pero andito kami ngayon, magkasama at nagtutulungan. ♥️
Matagal ng ginagamit ang mga issues na yan noon pa, hindi niyo yan magagamit para mapabagsak ako/ kami. Kung noon nga na sira kami ni Mac, kinaya ko, ngayon pa kaya? 💪🏻♥️
Nagkanya-kanya kami ng ilang taon, pero hindi namin napabayaan ang Brilliant Skin Essentials! 💯♥️
Uulitin ko, ngayon pa kaya? ♥️
Proud ako kasi nalagpasan at kinaya naming dalawa. ♥️♥️
1 Corinthians 13 1
Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth."

Samantala, tila muling bumanat si Rosmar at sinabing highblood at low sugar din siya ngayon ngunit hindi siya nagpapaawa at nagpapavictim sa mga tao.
 

Andi Eigenmann Sumabak Sa Surfing Competition!

Walang komento

Martes, Setyembre 13, 2022


Sumabak na si Andi Eigenmann sa kanyang unang surfing competition.

Isang tagumpay para kay Andi ang kanyang pagsali sa isang surfing competition. Masayang ibinandera ni Andi sa kanyang social media accounts ang mga larawang kuha mula sa kauna-unahang surfing competition na kanyang sinaluhan.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nais ding maging professional surfer ni Andi kagaya ng kanyang partner na si Philmar Alipayo. Dahil sa taglay na galing ni Philmar sa surfing hindi na kataka-takang naturuan nito ng maayos si Andi.

Sa unang araw ng Seven Pacific Local Surfing Competition, sa unang pagkakataon, masusubukan mo na kung may natutunan ba siya sa mga turo ng partner.



Samantala, masaya namang ibinahagi ni Andi na nakapasok siya sa round 2 ng competition.

Kim Chiu, Umamin Na Mas Lalong Nainlove Ng Mapanood Si Xian Lim Habang Umaacting!

Walang komento


Nagbigay ng nakakakilig na pahayag para sa isa't-isa ang magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim habang nasa isang press con para sa kanilang pelikulang magkasama na pinamagatang Always.

Sa nasabing event, inamin ni Kim na labis siyang humahanga sa nobyo habang pinapanood niya itong umarte. Tila naninibago rin umano siya dahil matagal na noong huling nagkasama sila sa iisang proyekto. Sa galing umano ipinakita ng kanyang boyfriend ay lalong napahanga siya rito.

Agad naman kiniliga ang mga press lalong-lalo na ang mga tagahanga nilang dalawa.

Ayon naman kay Xian, wala pa ring nagbabago sa pagtingin niya kay Kim sa kabila ng kanilang pagsasama.
 


Matteo Guidicelli Totoong Napikon Sa Resbak Ni Julia Barretto Sa Live Tv!

Walang komento


Sa nakaraang episode ng Tropang LOL kung saan naging guest si Julia ay tila inungkat ni Matteo Guidicelli ang nakaraang ng kasalukuyang boyfriend ngayon ni Julia na si Gerald Anderson sa ex-girlfriend nitong si Bea Alonzo.

Sa nasabing episode inintriga ni Matteo si Julia sa nakaraan nito kay Joshua Garcia. Maayos naman itong sinagot ni Julia na tila walang kamalay-kamalay sa isyu. Sinabi rin ni Julia na dapat ilet-go ang mga past relationships dahil wala na iyon at may kani-kanya na silang mga karelasyon. Dapat umanong wala ng bitterness sa isa't-isa.

Ngunit nang si Gerald na ang pinuntirya ni Matteo at sinabing nadefine nito ang salitang ghosting ay tila nag-iba na ang timpla ni Julia. Hindi na ito pinalampas ni Julia at sinabing una niyang narinig ang salitang ghosting mula sa babaeng naghost nito. Todo tanggi naman si Matteo at sinabing nakalimutan na umano niya iyon kung mayroon man. Hirit naman ni Julia na dapat ay nakalimutan na rin niya iyon ngunit ibinalik ni Matteo.



Bagama't hindi pinangalanan ni Julia kung sino ang tinutukoy niya, agad naman nahulaan ng mga netizens kung sino ang babaeng ito. Matatandaang noong 2013, humarap na umiiyak sa isang interview si Jessy Mendiola kung saan inamin niyang broken hearted siya dahil kay Matteo.



Komento naman ng ilang mga netizens na madaling mapikon si Mateo kung siya ang inaasar, pero insinsetive naman kung mang-asar.

Mga Bigating Artista Ng Ambs-Nakakagulat?

27 komento


Mainit ngayon na pinag-uusapan ng mga netizens ang bagong bukas na TV channel. Ito ay walang iba kundi ang AMBS ALLTV2.

September 13, ng alas 12 ng tanghali unang umire sa channel two ang ALLTV. Matatandaan na ang channel 2 ay pagmamay-ari noon ng ABS-CBN.

Kasabay ng unang pag-ere ay ipinakilala rin ang mga artistang bumubuo sa nasabing network. Kabilang sa mga ito ay sina Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez at Ciara Sotto. Kasama rin ang ilang Viva artists na sina Julia Barretto, Ruffa Gutierrez at Ella Cruz. Kasama naman ang ilang broadcaster na sina Anthony Santiago at Anthony Taberna.

Samantala, ayon sa komento ng ilang mga netizens wala naman umanong nakakagulat sa mga artistang ito. Kabaliktaran sa pinangangalandakan ni Kuya Willie Revillame.



Willie Revillame Winelcome Si Ruffa, Julia Barreto Na Sa All Tv behind the Scene Sa Launching

Walang komento


Opisyal nang nagbubukas ang AMBS All Tv network ngayong araw. Sa ganap na alas dose kaninang tanghali napanood ang AMBS sa channel 2 na dating pagmamay-aring frequency ng ABS-CBN. Kasabay nito, ipinakilala ang mga panibagong artistang kabilang sa nasabing network.

Masaya namang tinanggap ni Mr. Willie Revillame ang mga artistang ito. Kabilang na sina Ruffa Gutierrez, Julia Barretto. Masaya silang sinalubong ni Willie Revillame at winelcome sa panibago nilang tahanan sa showbiz. Makikita rin ang ilang pang mga celebrities na bumubuo ng AMBS All Tv.



"Janella" Hindi Na Susuportahan Ng Mga Followers Dahil Wala Na Sa Tam@ng Salita!!

Walang komento


May ilang mga netizens ang hindi natuwa sa ibinahaging pahayag ni Janella Salvador sa kanyang Facebook page na tila pagpapasaring sa gobyerno ng ating bansa.

"Marami sa'tin ang natakot sa babaeng ahas, pero alam mo kung ano ang mas nakakatakot? Wala pa ring plano ang nasa pwesto."

Hindi naman ito ikinatuwa ng ilang mga netizens at pinagsabihan si Janella. Ayon sa ilan, dapat nang mag magmove on ni Janella at magfocus na lamang umano sa anak at sa career nito. May mga nagtatanggol naman sa aktres at sinabing may koneksyon sa kanyang role ang ibinahaging pahayag. Ngunit sa kabila nito, malakas pa rin ang kutob ng marami ang ang kasalukuyang administrasyon ang pinapatungkulan nito.



Matatandaang kasama sa mga cast ng Darna tv series si Janella at ginagampanan ang papel ni Valentina, ang mortal na kaaway ni Darna na isang babaeng ahas.

Samantala, napansin ng ilang mga netizens na kumukunti ang mga followers ni Janella sa kanyang social media accounts.

Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach Nakatanggap Ng Early 33rd Birthday Celebration!

Walang komento


Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach nakatanggap ng surprise advance birthday party mula sa iniendorso niyang Derma Clinic.

Sa kabila ng pagiging simple, naging masaya naman ang kanilang celebration para sa early 33rd birthday celebration ni Pia. Labis naman ang pasasalamat ni Pia sa pagpapahalaga sa kanya at nagbahagi ng maikling mensahe para sa mga ito.

Nagpapasalamat siya dahil sa pagtitiwala umano ng mga ito sa kanya sa pagpapanatili sa kanya bilang face of the brand.



Finally! Chiz Escudero Hindi Na Kinaya Ibinulgar Na Ang Dahilan Ng Hiwalayan Nila Ni Heart!

Walang komento


Ilang linggo na ang nakakalipas ng magsimulang pag-usapan ng mga netizens ang umano'y hiwalayan ng mag-asawang Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Dahil sa kanilang pananahimik at hindi pagbibigay linaw sa totoong estado ng kanilang relasyon, maraming mga haka-haka at speculations ang mga lumalabas at kumakalat ngayon sa social media. Isa na rito ay ang pagkakaroon umano ng lalaki ni Heart Evangelista.

May mga kumakalat na bulong-bulongan na nahuli umano mismo ni Sen. Chiz ang kanyang misis na si Heart na may kalandiang lalaki sa telepono. Sa pagkalat ng usaping ito, tila hindi na umano nakayanang manahimik ni Sen. Chiz at nakapagbigay na ito ng pahayag.



Ayon sa aming nakalap na information, inamin umano ni Sen. Chiz na may pinagdadaanan sila ngayon ng kanyang asawang personal na bagay, hindi na nito idenitalye pa ang mga ito. Ngunit, pinabulaanan ng Senador ang mga haka-hakang nahuli niya ang kanyang misis na may katawagang ibang lalaki.

Samantala, patuloy na humihiling ang kanilang mga tagahanga, pamilya at kaibigan na maayos ng dalawa ang kanilang relasyon.

Heart Evangelista Lumipad Na Patungo Sa US?

Walang komento


May mga usap-usapan ngayong kumakalat sa social media hinggil sa isyu ng hiwalayan ng mag-asawang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero.

Matapos magbigay ng pahayag ni Heart, tungkol sa totoong estado ng kanyang buhay may-asawa at mga plano sa hinaharap. Maraming mga speculations ang naglabasan at iba't-ibang mga opinyon ang mababasa sa mga social media platforms.

Malakas ang paniniwala ng ilan na totoong naghiwalay na ang dalawa at may bago na umano itong si Heart. Ito marahil ang dahilan ng kanilang pagkakalabuan. Kasalukuyang nasa ibang bansa si Heart para sa isang proyekto na nagpapalakas ng kutob ng ilang mga netizens na may bago itong lalaki roon.



Usap-usapan rin ngayon ang umano'y pagbibinta ni Heart sa ilang mga ari-arian niya rito sa bansa. Samantala, wala pa ring ipinapalabas na official statements ang mag-asawa upang mabigyang linaw ang mga isyung ito na ibinabato sa kanila ng ibang mga netizens.

Nag-React Ang Mga Netizens Sa Mga Naging Pahayag Ni Zeinab Harake Tungkol Sa Co-Parenting Kay Skusta!

Walang komento


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang mga naging pahayag ng sikat na vlogger na si Zeinab Harake tungkol sa pakikipag co-parenting niya kay Skusta Clee.

Sa naganap na press con para sa launching ni Zeinab bilang bagong ambassador ng isang sikat na brand ng oral care products. Dito ay naibahagi ni Zeinab ang kanyang saloobin tungkol sa pagiging co-parent nila ni Skusta Clee sa kanilang anak na si Baby Bia.

Ayon kay Zeinab, hindi na kailangan ng kanyang anak na si Bia na makipag-ugnayan kay Skusta Clee. Ipinagdidiinan din ni Zeinab na kaya niyang maging ama at ina sa kanyang anak.

"Yung baby ko po, baby ko lang po iyon. Akin lang po 'yun!"

Dagdag pa ni Zeinab, nais lamang niya ang best para sa kanyang anak. Hindi rin umano niya kayang idikita ang kanyang anak sa mga taong hindi siya kampanteng makasama ng kanyang anak. Hindi na rin umano sila nagkausap pa ni Skusta, tila alam na rin umano nito na mas makakabuti sa kanilang anak na nasa puder niya.

Marami naman sa mga netizens ang sumang-ayon sa mga naging pahayag ni Zeinab. Lalong-lalo na ang mga taong sumusubaybay sa relasyon ang mga pinagdaanan niya sa piling ni Skusta Clee. May mga nagkomento rin na mas nakakabuti talaga sa bata ang nasa piling ni Zeinab lalo pa't babae ito.



Samantala, may mga hindi sang-ayon sa desisyong ito ni Zeinab at sinabing may karapatan din si Skusta Clee kay Baby Bia bilang ama nito. Ipinunto pa ng mga ito na kawawa ang bata kung walang kikilalaning ama.

Matapos Batikusin Noon, Mga Kapamilya Inggit Pikit Ngayon Sa 500M Kontrata Ni Toni Gonzaga Sa AMBS2

Walang komento


Matapos ang pagpirma ni Toni Gonzaga ng kontrata sa AMBS, usap-usapan ngayon ng mga netizens ang offer ng AMBS sa actress-host na umabot sa 500 milyon o kalahating bilong peso.

Isa ang naging offer kay Toni ng AMBS sa mga pinag-uusapan nina Cristy Fermin at Romel Chika sa programa nlang Crisy Ferminute.

"Alam mo na, it's all over the papers, na ang kontrata raw na pinirmahan ni Toni Gonzaga sa AMBS-2, ay half billion pesos. Pang ilang programa kaya ito?" ayon kay Cristy.

Ang alam lamang umano niya ay may dalawang programa ito ngunit sa laki ng offer ay baka madadagdagan. Napasana-all naman si Romel sa laki ng nakuhang kontrata ni Toni G. Nagpasaring pa ito na tiyak ay nagpupuyos ngayon sa inggit ang mga bashers at kritiko ni Toni sa industriya.

Lalo na iyong nambatikos at kumansel kay Toni dahil sa inindorso niyang mga kandidato noong May 2022 National Elections.

Matatandaang nauna nang naiulat na mapapanood sa All TV ang sikat na talk show ni Toni Gonzaga na Toni Talks. Tampok sa pilot episode nito ang latest interview ni Toni Gonzaga kay Pres. Bongbong Marcos.



Teleserye ng ABS-CBN Ipapalabas Sa AMBS ALLTV!

Walang komento


 Ngayong araw ng September 13, 2022 kaninang ganap na alas 12 ng tanghali unang napanood on air ang AMBS sa channel na dating frequency ng ABS-CBN.

Agad namang nakatawag ng pansin ng publiko ang ipinalabas ng nasabing channel na teaser ng hit Kapamilya teleserye na Ngayon at Kailanman na pinagbibidahan nina Joshua Garcia at Julia Barretto. Mapapanood ang nasabing teleserye bukas September 14 sa ALLTV alas 3 ng hapon mula Lunes hanggang Linggo.

Agad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens. May mga nagkomento na sumasandal lamang pala sila sa ABS-CBN at lumalabas na tapunan lamang ng mga lumang teleserye.



Heart Evangelista Masaya Ang Buhay Ngayon Sa Gitna Ng Paghihiwalay Issue Nila Ni Chiz Escudero!!

Walang komento

Lunes, Setyembre 12, 2022


Heart Evangelista, ipinakitang masaya siya ngayon habang patuloy pa ring pinag-uusapan ang isyu ng hiwalayan nila ng asawang si Sen. Chiz Escudero.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin binibigyang linaw ng mag-asawang Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista ang speculation ng ilang mga netizens na naghiwalay na sila matapos ang mahigit 7 taong pagsasama.

Patuloy na naku-curious ang mga netizens sa pananahimik ni Heart makalipas ang ilang linggo matapos magsimula ang nasabing isyu.

Matatandaang, sa hiwalayan noon ni Sen. Chiz sa kanyang naunang misis ay hindi man lang napapabalita noon.

Samantala sa Instagram posts ni Heart, makikita sa kanyang mga ibinahaging larawan at videos na masaya siya ngayon sa kanyang trabaho bilang model. Nakangiti at tumatawa ngayon si Heart na tila ay walang kinakaharap na pagsubok.

Kabaliktaran ito sa ipinapakita nito kamakailan sa isang photoshoot kung saan bigla na lamang itong napa-iyak. Wala pa mang sinasabi si Heart, natuwa naman ang kanyang mga tagahanga sa panunumbalik ng saya at sigla nito.


Bea Alonzo at Lola Ng Kanyang Nobyo Na Si Dominic Roque Magkahawig?

Walang komento


Usap-usapan ngayon ng mga netizens sa iba't-ibang social media platforms ang malaking pagkakahawig ni Bea Alonzo sa lola ng kanyang kasintahang si Dominic Roque.

Ayon naman sa kanilang mga tagahanga, tila nakatadhana talaga ang dalawa para sa isa't-isa. Isa pa makikita naman sa dalawa ang pagmamahal sa isa't-isa. Makikita rin sa kanilang mga ibinahaging larawan at videos na masaya sina Dominic at Bea sa piling ng isa't-isa.

Matatandaang, nagbakasyon ang magkasintahan kamakailan sa Amerika. Sa kanilang pagbabakasyon, opisyal na umanong ipinakilala ni Dominic ang kasintahan sa kanyang pamilya. Mainit naman umanong tinanggap ng pamilya nito ang aktres bilang bagong myembro ng kanilang pamilya.

Dito, nakilala ni Bea ang lola ni Dominic na si Lola Zeny. Kapansin-pansin din ang pagkakahawig ng dalawa base sa mga ibinahaging mga larawan. May ilan pang pinagtabi ang mga larawan nina Bea at Lola Zeny noong kabataan nito at hindi talaga maikakaila ang pagkakahawig nila sa isa't-isa.

Nasiyahan naman ang mga tagahanga ng aktres at nagkomentong itinadhana talaga sila sa isa't-isa.

 

Joshua Garcia Hindi Type Si Jane De Leon??

Walang komento


Mabilis na sinagot ni Joshua Garcia ang tanong tungkol kung may nararamdaman ba siya sa kanyang leading lady ngayon sa teleseryeng Darna ng ABS-CBN na si Jane De Leon.

Sa segment kamakailang ng Magandang Buhay kung saan naging guest si Joshua, nilinaw nitong magkaibigan lamang sila ng aktres na si Jane De Leon.

Ayon pa ng aktor, mabait, matalino at magaan kasama si Jane. Dagdag pa ni Joshua, dapat ay professional sila sa isa't-isa at hindi dapat unahin ang mga personal na bagay.

Matatandaang nagtrending si Joshua matapos nitong magpost ng isang larawan ng babae sa kanyang social media account. Agad naman itong kinilala bilang si Bella Racelis na isang content creator. Agad namang inakala ng lahat na girlfriend na ito ng aktor.



Samantala, usap-usapan ngayon na mawawala ang karakter ni Joshua sa teleseryeng Darna. May gagawin kasi umano itong bagong teleserye kasama ang Kapuso Star na si Gabbi Garcia. Matatandaang una ng napapabalitang magkakaroon ng collaboration ang dalawang big networks. Sa ngayon, ay hindi pa naman ito kumpirmado at hinihintay pa ang mga official statements ng dalawang network.

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo