Nag-React Ang Mga Netizens Sa Mga Naging Pahayag Ni Zeinab Harake Tungkol Sa Co-Parenting Kay Skusta!

Martes, Setyembre 13, 2022

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang mga naging pahayag ng sikat na vlogger na si Zeinab Harake tungkol sa pakikipag co-parenting niya kay Skusta Clee.

Sa naganap na press con para sa launching ni Zeinab bilang bagong ambassador ng isang sikat na brand ng oral care products. Dito ay naibahagi ni Zeinab ang kanyang saloobin tungkol sa pagiging co-parent nila ni Skusta Clee sa kanilang anak na si Baby Bia.

Ayon kay Zeinab, hindi na kailangan ng kanyang anak na si Bia na makipag-ugnayan kay Skusta Clee. Ipinagdidiinan din ni Zeinab na kaya niyang maging ama at ina sa kanyang anak.

"Yung baby ko po, baby ko lang po iyon. Akin lang po 'yun!"

Dagdag pa ni Zeinab, nais lamang niya ang best para sa kanyang anak. Hindi rin umano niya kayang idikita ang kanyang anak sa mga taong hindi siya kampanteng makasama ng kanyang anak. Hindi na rin umano sila nagkausap pa ni Skusta, tila alam na rin umano nito na mas makakabuti sa kanilang anak na nasa puder niya.

Marami naman sa mga netizens ang sumang-ayon sa mga naging pahayag ni Zeinab. Lalong-lalo na ang mga taong sumusubaybay sa relasyon ang mga pinagdaanan niya sa piling ni Skusta Clee. May mga nagkomento rin na mas nakakabuti talaga sa bata ang nasa piling ni Zeinab lalo pa't babae ito.



Samantala, may mga hindi sang-ayon sa desisyong ito ni Zeinab at sinabing may karapatan din si Skusta Clee kay Baby Bia bilang ama nito. Ipinunto pa ng mga ito na kawawa ang bata kung walang kikilalaning ama.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo