Ana Jalandoni nagsalita na sa nangyaring pananakit sa kanya ni Kit Thompson.

Martes, Marso 29, 2022

/ by Lovely



Matapos ang ilang linggo matapos lumabas ang balitang pambubugbog ni Kit Thompson sa kanyang girlfriend na si Ana Jalandoni finally ay nagsalita na sa unang pagkakataon si Ana at inamin ang tunay na dahilan kung bakit ito nagawa ni Kit sa kanya.

Umamin si Ana Jalandoni na kasal na siya sa ibang lalaki bago pa man naging sila ni Kit Thompson at maari ito ang naging dahilan sa galit ng aktor. Ngunit, paglilinaw naman niya na walang naging third party sa relasyon nila dahil matagal na silang hiwalay ng asawa niya. 

Matatandaang narescue si Ana ng Tagaytay Police matapos makahingi ng tulog mula sa kaibigan at pinadalhan ng kanyang larawan. Agad na isinugod sa hosital si Ana habang si Kit ay dinala sa Police Station.



Makikita sa video na tila hindi makapagsalita ni Ana noong ipinakwento sa kanya ang pinagdaanan niya sa kamay ng dati niyang kasintahan.

Sinabi ni Ana sa presscon na sobrang trauma ang dinadanas dahil sa nangyari. Hindi umano siya makatulog dahil sa anxiety na nadarama niya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo