Nagbigay ng komento si Dr. Richard Mata matapos depensahan ng NBI ang paggamit ng fake o “boodle money” sa entrapment operation laban kay Franco Mabanta. Sa kanyang pananaw, maaaring kuwestiyunin ng kampo ng akusado ang lakas ng kaso kung mapapatunayang hindi tunay na pera ang karamihan sa ginamit sa operasyon.
Ayon kay Mata, posibleng gawing argumento ng depensa na hindi seryosong transaksyon ang nangyari kung ang perang tinanggap ay peke o mistulang pang-prank lamang. Gayunman, opinyon lamang ito ni Mata at hindi pa ito nangangahulugang magiging pasya na ng korte.
Sa panig naman ng NBI, sinabi ni Director Melvin Matibag na pinapayagan umano ng Korte Suprema ang paggamit ng fake at marked money sa entrapment operations. Nilinaw din niya na may ₱50,000 na totoong pera na inilista ang serial numbers bilang marked money, habang ang ibang bahagi ay boodle money na ginamit sa operasyon. (GMA Network)
Nauna nang iniulat ng GMA News na inaresto si Mabanta kaugnay ng umano’y extortion attempt laban kay dating House Speaker Martin Romualdez, matapos umanong humingi ng malaking halaga kapalit ng hindi pagpapalabas ng video na nag-uugnay sa kanya sa flood control controversy. Itinanggi naman ni Mabanta ang paratang at sinabing “setup” ang operasyon laban sa kanya. (GMA Network)
Pinagkunan: GMA News, social media post ni Dr. Richard Mata.
.png)
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!