Sarah Lahbati In-unfollow si Sofia Andres Sa Gitna ng Pasabog Ni Chie Felomino

Lunes, Oktubre 20, 2025

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang tila pag-unfollow ng Kapuso actress na si Sarah Lahbati sa Kapamilya star na si Sofia Andres sa Instagram, kasunod ng kontrobersyal na rebelasyon ni Chie Filomeno laban sa isang taong pinangalanan niyang “Sofia.”


Kahit walang direktang sinabi si Chie kung sino ang tinutukoy niya, marami sa mga netizens ang naghinala na sina Sofia Andres at Sarah Lahbati ang nasa likod ng mga pahiwatig, base na rin sa mga kasunod na online activity ng mga personalidad.


Ayon sa isang post ng kilalang entertainment site na Fashion Pulis, makikitang hindi na naka-follow si Sarah kay Sofia sa Instagram. Ipinakita nila ang screenshots bilang patunay, dahilan upang lalong mag-alab ang ispekulasyon sa social media.


Para sa beripikasyon, sinilip ng ilang netizens at entertainment blogs ang Instagram accounts ng dalawa. Kitang-kita nga na hindi na naka-follow si Sarah kay Sofia, habang si Sofia ay nananatiling naka-follow kay Sarah. Dahil dito, maraming netizens ang nagtanong: may tensyon na nga ba sa pagitan ng dalawang aktres?


Nag-ugat ang lahat sa sunod-sunod na Instagram stories ni Chie Filomeno kung saan ibinunyag niya na may isang Sofia umanong kumakausap sa mga influencer para siraan siya online. Hindi man binanggit nang buo ang pangalan, agad na nag-speculate ang netizens na si Sofia Andres ang pinapatamaan dahil sa ilang mga clue.


Ayon kay Chie, may mga screenshots siyang natanggap mula sa ibang influencer na nilapitan umano ni Sofia para magpakalat ng negatibong tsismis laban sa kanya. Isa sa mga pinakatinaguriang “resibo” ay ang isang mensaheng diumano'y galing sa isang verified account na ginagamit ang pangalan ni Sofia.


Sa isa pang bahagi ng IG Story ni Chie, ipinakita niya ang isang mensaheng tila ipinadala niya kay Sofia, kung saan diretsahan niyang kinompronta ito ukol sa mga balitang ibinubulong umano ni Sofia tungkol sa kanya at sa kanilang kaibigang si Alora Sasam.


Isa sa pinakatumatak na linya mula sa mensahe ni Chie ay ang:


“The audacity to say ‘I’m not going to surround Zoe with prostitutes for God’s sake,’ when rumors came from you btw, is really insane.”


Sa mensaheng ito, tinutukoy niya ang anak ni Sofia na si Zoe, at pinunto niyang unfair ang paglalabas ng ganoong klaseng komento. Dagdag pa ni Chie, ginamit pa raw ni Sofia ang pangalan ni Sarah Lahbati upang linisin ang sariling pangalan.


“And telling me and Alora it came from Sarah? Using Sarah, because you want your hands to be clean, is truly insane.”


Dahil dito, umarangkada ang netizens sa pagbibigay ng kani-kanilang opinyon. May ilan ang nagsabing tila nagpaparinig si Chie at naghahanap ng gulo, habang ang iba nama’y nagsabing may katapangan si Chie na magsalita at hindi manahimik sa pang-aapi. Lalong lumakas ang hinala ng publiko nang mapansin ang "unfollow" movement sa Instagram.


Samantala, nananatiling tahimik sina Sofia at Sarah tungkol sa isyu. Wala pa ring opisyal na pahayag mula sa kanila sa oras ng pagsulat ng balitang ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo