Muling pinag-uusapan ngayon sa social media ang aktres na si **Carla Abellana** matapos niyang ibahagi ang isang lumang video mula sa kanyang phone na nagpapakita ng maraming mamahaling sasakyan na nakaparada sa garahe ng isang gusaling pag-aari ng kontrobersyal na pamilya Discaya. Sa kanyang Facebook reel, inihayag ni Carla na hindi pa niya ito nade-delete sa kanyang camera roll, at ito raw ang video na tinutukoy niya noong dalawang taon nang nagkaroon siya ng taping sa lugar.
Sa video, makikita ang siksikan at siksikang mga luxury cars na nakaparada sa garahe ng gusali, na para bang walang sapat na espasyo kahit para sa mga karaniwang sasakyan. Ayon kay Carla, unang napansin niya noon na may kakaiba sa mga negosyo ng mga nagmamay-ari ng gusali, at nadama niya na mayroong "something fishy" sa likod ng mga ito.
Ani Carla, noong una ay hindi niya kilala ang mga Discaya o ang may-ari ng gusali, ngunit nang makita niya ang garahe, agad siyang nagkaroon ng hinala dahil sa hindi pangkaraniwang kalagayan ng mga nakaparadang sasakyan. Sa kanyang pahayag:
“Just found this in my camera roll. Hindi ko pa pala nade-delete. This is it! This is the video I was talking about that I took at taping 2 years ago!”
Dagdag pa niya:
“Back then I didn’t know who the Discayas were or who the building even belonged to. But upon seeing the garage (where we couldn’t even park due to the lack of space) I knew right away that there was something fishy about their 'business.'”
Hindi nagtagal, isang netizen ang nagkomento sa post ni Carla nang may tinanong na tila panlalait:
“Hoy Carla di ba dikit ka kay Romualdez?”
Hindi nagpahuli si Carla sa pagresponde at mabilis niyang sinagot ang tanong:
“Hoy Mikyla, paano po ako dikit kay Romualdez?”
Hindi ito nakuntento sa sagot at muling nagbigay ng maanghang na puna sa kanya:
“Hoy Carla tinatanong nga kita kung dikit ka kay Romualdez. Sinisingle out mo kasi ang mga Discaya sa corruption, walang access sa funds yang mga yan kung walang corrupt na Politikong mastermind. Sinu nga po pala ang speaker na may pinakacorrupt na budget sa kasaysayan ng Pilipinas? Never heard you guys calling those politicians for their corruptions.”
Dito na hindi na sumagot si Carla sa mga paratang ng basher, ngunit maraming netizens ang lumaban at rumesbak para sa kanya. Ipinagtanggol nila si Carla at tinuligsa ang netizen dahil sa paninira at walang basehang mga akusasyon. Marami ang nagbigay suporta sa aktres sa kabila ng mga negatibong komento.
Ang isyung ito ay muling nagbukas ng usapin tungkol sa transparency at katiwalian sa ilang mga negosyo na konektado sa mga political figures sa bansa. Sa gitna ng kontrobersyang ito, nanatiling matatag si Carla at patuloy na nagbahagi ng kanyang mga opinyon sa mga social media platforms.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!