Isang bagong rebelasyon ang ibinahagi ng kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz tungkol sa kung bakit pinili ni Mommy Inday Barretto na lumantad at magsalita sa publiko. Sa pinakabagong episode ng kanyang programang “Ogie Diaz Showbiz Update”, ipinaliwanag niya ang tunay na dahilan sa likod ng paglabas ng matriarch ng pamilyang Barretto at ng kanyang desisyong i-call out ang dating asawa ng anak niyang si Claudine Barretto, na si Raymart Santiago.
Ayon kay Ogie, nagsimula umano ang isyu sa isang real estate transaction na may kinalaman sa isang lupa sa Greenfields, Ayala, Sta. Rosa. Sa kuwento ng talent manager, isang broker ang lumapit kay Claudine upang ibenta ang naturang property. Batay umano sa naging usapan, fully paid na raw si Claudine sa halagang ₱15 milyon.
Gayunpaman, ayon pa sa salaysay, kahit bayad na ang lupa, hindi pa rin naisusunod ang proseso ng pagpapalipat ng titulo ng lupa sa pangalan ni Claudine. Nalaman umano ng Registry of Deeds na si Claudine ay kasal pa kay Raymart Santiago, kaya’t kailangan pa rin ang pirma ng kanyang asawa para maging legal ang transaksiyon.
“So nabayaran na ata ‘yun ng P15M. So since nabayaran na ng P15M, gawa na ‘yung deed of sale. Kaya lang hindi umaandar ‘yung proseso dahil nalaman ng Registry of Deeds na may asawa si Claudine. So hindi pa sila annuled,” paliwanag ni Ogie.
Dagdag pa niya, sinabi umano ng broker na pumayag si Raymart na pirmahan ang mga papeles para sa naturang property. Ngunit nang dumating ang oras ng pirmahan, hindi ito natuloy, dahilan upang mabigo ang inaasahang pag-aayos ng dokumento.
Dahil dito, ayon kay Ogie, dito na raw nagsimulang ma-trigger si Mommy Inday para magsalita. Sa mahabang panahon daw ay pinili ng Barretto matriarch na manahimik, kahit pa may mga isyung pinagdadaanan ang kanyang anak. Ngunit ngayong nakikita niya ang hirap ni Claudine sa legal na proseso, hindi na niya napigilan ang sarili na ipagtanggol ang anak.
Nilinaw rin ni Ogie sa kanyang vlog na hindi tungkol sa sustento o pera ang dahilan ng pag-ungkat ng isyung ito.
Dagdag pa ni Ogie, “Doon nag-trigger kung bakit nagsalita si Mommy Inday kasi nga after all these years hindi naman [siya] nagsalita. After all these years, walang narinig si Raymart kasi gusto ni Mommy na kung maghihiwalay kayo, edi maghiwalay kayo nang tahimik."
“Kaya nga lang napag-alaman ni Mommy na nagkaroon ng transaksyon dito na akala niya pipirma na si Raymart. Hindi nangyari ang pirmahan kaya nagsalita si Mommy.”
Sa dulo ng kanyang pahayag, ipinunto ni Ogie na isang ina lamang si Mommy Inday na nasasaktan sa sitwasyon ng kanyang anak. Matagal na niyang pinipigilan ang sarili na makialam, ngunit bilang magulang, hindi niya kayang panoorin si Claudine na tila nahihirapan sa mga prosesong legal na may kinalaman sa kanyang dating asawa.
Dahil dito, muling naging mainit na paksa sa social media ang pamilya Barretto at ang relasyon ni Claudine at Raymart, na dati nang laman ng mga entertainment headlines. Marami ang nagpahayag ng suporta kay Claudine at kay Mommy Inday, na anila ay “palaban pero may dahilan.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!