Hindi napigilan ni Jillian Ward, isa sa mga batang Kapuso actress na ngayo’y dalaga na, ang maging emosyonal nang harapin niya ang mga kumakalat na malisyosong tsismis laban sa kanya. Sa panayam niya kay Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda, emosyonal na ipinagtanggol ng aktres ang sarili laban sa mga paratang na mayroon umano siyang “sugar daddy” at na ang kanyang ina ay sangkot umano sa pagpapasama sa kanya sa mayayamang lalaki.
Habang nagsasalita, bakas sa boses ni Jillian ang labis na sama ng loob sa mga maling balita na apat na taon na niyang tiniis.
“Noong nagbasa po ako ng comments, sobrang na-hurt na po talaga ako kasi sobra po ‘yung pangbabastos ng mga tao because of fake news,” ani Jillian.
“It took me four years to speak up about it. ‘Yung pinaka-turning point din po sa ‘kin is ‘yung family ko. Binabastos na rin po, especially my mom. So, sabi ko enough na po.”
Isa sa mga tsismis na tinuldukan ni Jillian ay tungkol sa kanyang Porsche Boxster, na sinasabing ibinigay daw ng isang “sugar daddy.” Nilinaw ng aktres na siya mismo ang bumili ng kotse gamit ang sariling kita mula sa pag-aartista.
“Binili ko po ‘yung kotse ko noong 16 years old ako. Second-hand po siya at nagkakahalaga ng P1.2 million. Lahat po ‘yun galing sa sarili kong pera,” paliwanag niya.
May deed of sale din po ako, may resibo ako. My dad has it… Binili ko po ‘yun with my own money, Tito Boy. Lahat ng meron ako, binili ko with my own money. With my own hard work money.”
Ayon kay Jillian, simula pa noong bata siya ay sanay na siyang mag-ipon mula sa mga proyekto sa telebisyon at endorsements. Kaya naman labis siyang nasaktan nang maparatangan siyang umaasa sa mayayamang lalaki para sa mga luho niya. “Lahat po ng meron ako, pinaghirapan ko. Wala pong nag-sponsor o nagbigay sa akin ng kahit ano,” dagdag pa niya.
Isa rin sa mga isyung nilinaw ng dalaga ay ang umano’y pagkakaroon ng “sponsor” sa kanyang 18th birthday celebration. Pinabulaanan niya ito at sinabing nagbahagi rin ang GMA Network para sa selebrasyon, ngunit siya mismo ang gumastos ng malaking bahagi.
"Lahat po ‘yun, hindi po ko sobrang gumastos, honestly. And nagshare din po talaga ‘yung GMA. And may resibo din po ako… aside po sa binigay ng GMA, I paid for it with my own money,” pahayag ni Jillian.
Bukod pa rito, mariin din niyang itinanggi ang balita tungkol sa isang CCTV video na diumano’y nagpapakita sa kanya kasama ang isang mas nakatatandang lalaki sa hotel. Hinamon niya ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon na ilabas ang sinasabi nilang ebidensiya.
“Pumupunta daw ako sa hotels to be with old men na binibigyan po ako ng cars or sino-sponsoran ‘yung debut ko. It’s not real. Kaya gusto kong sabihin sa kanilang lahat. Ilabas nila ‘yung CCTV footage para magkaalaman na,” diretsahang pahayag ni Jillian.
Sa huli, inamin ng aktres na labis siyang na-frustrate sa loob ng apat na taon dahil pinili niyang manahimik sa kabila ng mga mapanirang tsismis.
“Nakaka-frustrate na for four years, I kept silent and I couldn’t defend myself. Lahat po ng mga sinasabi nila hindi po totoo,” wika niya.
“Wala pong katotohanan sa lahat ng sinasabi po nila. And I’m very confident about that.”
Sa kabila ng lahat, pinuri ng netizens ang katapangan ng Kapuso actress sa pagharap sa isyu at sa pagtatanggol sa dangal ng kanyang pamilya. Marami ang nagsabing inspirasyon si Jillian para sa mga kabataang artista na pinipiling magsalita at ipaglaban ang katotohanan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!