Usap-usapan ngayon sa social media ang kontrobersyang kinasasangkutan ni Quezon City Representative Arjo Atayde, matapos siyang isama sa listahan ng mga pulitikong umano’y tumatanggap ng komisyon mula sa mga proyektong may kinalaman sa flood control. Ang pangalan ni Atayde ay ibinunyag ng mga kontratistang sina Sarah at Curlee Discaya sa isang pagdinig sa Senado kamakailan.
Agad itong naging mainit na paksa online, at isa sa mga unang naapektuhan ng reaksiyon ng publiko ay ang kanyang asawa—ang aktres at TV host na si Maine Mendoza. Mabilis na binaha ng negatibong komento ang Instagram page ni Maine ilang minuto lamang matapos ang pagputok ng balita.
Maraming netizens ang tila hindi na napigilan ang kanilang pagkadismaya, at diretsahang pinuntirya si Maine sa kanyang social media. Ilan pa nga sa kanila ang nangungutya at tila inaasahan na niyang i-deactivate ang kanyang account matapos ang isyu.
“Kailan mo balak i-deactivate ang IG mo, Madam? Nadawit na ang mister mo,” ani ng isang commenter.
May isa ring nagsabi ng, “Nagko-comment na ako bago pa ito mawala.”
Hindi rin pinalampas ng ibang netizen ang lifestyle ng mag-asawa. “Enjoy na enjoy kayo sa monthly business class travels niyo ha. P.S. pwedeng pa-ref magnet? – The Filipino People,” komento ng isa.
Mayroon ding mga netizens na tila mas personal ang dating ng kanilang pagkadismaya. “Nakakadismaya. Isa ka sa mga iniisip kong may kahit konting malasakit sa lipunan. Pero mukhang hanggang image lang pala iyon.”
Isa pa ang nagsabi ng, “Anong pakiramdam na ang asawa mo ay ini-uugnay sa pangungurakot?”
Hindi rin pinalampas ang record ni Arjo bilang mambabatas. May netizen pang nagsabi, “Kaya pala laging absent. Walang work ethic, tapos ngayon ito pa, may alegasyon ng corruption.”
Samantala, may mga gumagamit din ng sarcasm para ipahayag ang kanilang inis. “Saan na kaya ang next travel goals ninyo?” tanong ng isa. May isa pang nagbiro ng, “Pakisabi sa asawa mo, salamat daw sabi ng bayan.”
Ang mga ganitong reaksyon mula sa netizens ay patunay ng matinding tensyon tuwing may isyu ng katiwalian na kinasasangkutan ng mga pulitiko—lalo na kung ito’y may kaugnayan sa mga sikat na personalidad.
Sa kabila ng lumalalang usapin, kapwa wala pang pahayag sina Arjo Atayde at Maine Mendoza hinggil sa kontrobersiya. Tahimik pa rin ang kanilang kampo habang patuloy na dumarami ang komento at espekulasyon online.
Hindi rin malinaw kung may plano si Maine na maglabas ng opinyon o posisyon tungkol sa isyu, lalo’t kilala siya noon bilang isa sa mga celebrities na inaasahang may social awareness at integridad. Para sa ilang fans, masakit makita ang isang iniidolo sa ganitong klaseng sitwasyon.
Sa ngayon, ang mata ng publiko ay nakaabang hindi lamang sa magiging aksyon ng pamahalaan ukol sa flood control scam, kundi pati na rin sa magiging tugon ng celebrity couple sa isyung ito. Habang walang malinaw na ebidensyang inilalabas pa sa ngayon, ang pananahimik nila ay patuloy na pinupuna at kinukuwestiyon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!