Korina Sanchez Humanga Kay Cong. Richard Gomez Sa Pagiging Tunay Na Lalaki

Biyernes, Setyembre 5, 2025

/ by Lovely


 Nagbigay ng positibong reaksyon si batikang mamamahayag at TV host na si Korina Sanchez-Roxas kaugnay ng naging hakbang ni Leyte 4th District Representative Richard “Goma” Gomez na humingi ng paumanhin sa publiko at sa midya. Ginawa ni Cong. Gomez ang naturang paghingi ng dispensa matapos siyang makatanggap ng batikos dahil sa kanyang naging aksyon na pagbabahagi ng mga pribadong mensahe mula sa ilang miyembro ng media.


Sa isang talakayan sa pagitan nina Korina, Pinky Webb, at Willard Cheng—mga kilala ring personalidad sa larangan ng pamamahayag—napag-usapan ang naging isyu at kung paano ito hinarap ni Gomez. Ayon kay Korina, naging bukas at responsable si Gomez sa pag-ako ng kanyang pagkakamali, at para sa kanya, isa itong malinaw na pagpapakita ng integridad.


“Uso nga ngayon ‘yong ‘foot and mouth disease.’ ‘Yong mga tipong nangyari kay Congressman Richard Gomez but he apologies,” saad ni Korina.


Binanggit din ng TV host na hindi madali para sa isang politiko o tanyag na personalidad ang umamin ng pagkakamali, lalo na sa harap ng publiko. Ngunit pinatunayan umano ni Gomez na may paninindigan siya at may respeto sa media at sa mamamayang kanyang pinaglilingkuran.


Ayon pa kay Korina, “Well sa akin, that’s integrity for me if you can accept that you made a mistake. Because kapag sinabi mo, kailangan mapanindigan mo at higit sa lahat ay mapatunayan mo.” 


Dagdag naman ni Pinky Webb, magandang paalala ito sa lahat ng nasa posisyon na maging maingat sa kanilang binibitawang pahayag, lalo na kapag may kinalaman sa midya. Ayon kay Webb, mas makabubuting magbigay ng mahinahong tugon o kaya ay iwasan na lamang ang pagsagot kung hindi pa handang magsalita sa isyu.


“Pero next time kasi, kapag humihingi ang midya ng komento sa iyo, e, sagutin niyo lang. Sabi nga, either you say ‘no comment’ or wag mo na lang sagutin,”” mungkahi ni Webb.


Kaagad namang sinang-ayunan ito ni Korina, at sinabing hindi rin makatarungan na idamay ang buong media sa isang isyu batay lamang sa pananaw o interpretasyon ng isang tao. Aniya, hindi patas na maglabas ng akusasyon sa midya nang walang sapat na basehan.


Sa pagtatapos ng talakayan, muling pinuri ni Korina ang naging kilos ni Cong. Gomez at tinawag pa itong isang "tunay na lalaki" dahil sa pagiging responsable nito sa sarili niyang aksyon.


“Para sa akin, ang tunay na lalaki ay ‘yung marunong umako ng pagkakamali. At sa ginawa ni Congressman Gomez, makikita mong inako niya iyon nang buong tapang. Ibang klase, saludo ako sa kanya,” wika ni Korina.


Matatandaang naging sentro ng kontrobersiya si Richard Gomez matapos niyang ilabas sa publiko ang ilang screenshots ng private messages mula sa mga mamamahayag na humihingi ng kanyang panig tungkol sa diumano'y maanomalyang proyekto sa flood control. Ang nasabing hakbang ay umani ng iba't ibang reaksiyon, lalo na mula sa sektor ng media, na nakaramdam umano ng kawalan ng respeto sa kanilang trabaho.


Ngunit sa kabila ng mainit na usapin, pinili ni Cong. Gomez na harapin ito nang may pagpakumbaba at bukas na paghingi ng tawad. Isa itong hakbang na hindi lamang ikinatuwa ng mga kasamahan niya sa gobyerno, kundi lalo na ng mga nasa larangan ng pamamahayag na umasa sa mas magandang ugnayan sa pagitan ng media at ng mga nasa posisyon ng kapangyarihan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo