Gela Atayde Pinagtanggol Ang Kapatid, Huwag Daw Pakialaman Ang Mga Travels

Miyerkules, Setyembre 10, 2025

/ by Lovely


 Sa gitna ng lumalawak na usap-usapan kaugnay ng pagkakadawit ng pangalan ni Arjo sa umano'y maanomalyang flood control projects, pinuna ng ilang netizens ang diumano’y madalas na pagkawala ni Arjo sa mga sesyon sa Kongreso at ang tila sunod-sunod na bakasyon nito sa labas ng bansa kasama ang kanyang asawang si Maine Mendoza. Kabilang sa mga binanggit na destinasyon ay Taiwan, South Korea, London, at Japan.


Hindi na nagpatumpik-tumpik si Gela at sinagot ang isang netizen sa social media sa pamamagitan ng matapang na tugon: “Kuya’s busy serving, not stealing.”


Dagdag pa niya, mali raw na iugnay sa korapsyon ang kabuhayan ng kanyang kuya. “Kuya’s income streams are called acting [and] business, not corruption," pahayag ni Gela.


"We help because we can. Pag tumulong, may hanash. Pag hindi, kasalanan din. Ano ba talaga?” aniya, na nagpapakita ng kanyang pagka-frustrate sa pamumuna ng publiko.


Binigyang-diin din ni Gela na may karapatan ang kanilang pamilya na gumastos sa personal na mga bagay gaya ng paglalakbay, dahil ito raw ay mula sa marangal at legal na pinagkakakitaan. “His personal life? His travels? None of your business because, unlike others, we can proudly say that it’s the fruit of hard-earned money," dagdag niya.


Bagaman nauunawaan daw niya ang pangamba ng publiko, iginiit ni Gela na maling tao ang pinupuntirya nila. "Your concern is valid, but I think you have the wrong person here. Thank you,” ani Gela.


Hindi rin niya pinalampas ang isyung ang intensyon ni Arjo sa pagpasok sa politika ay upang magpayaman. Aniya, hindi karangyaan kundi serbisyo publiko ang layunin ng kanyang kuya.


“A foundation can only do so much, but a congressman can push bills, fix broken systems, and make sure taxes actually go to the right places,” paliwanag niya.


Sa kabila ng matapang na pahayag ni Gela, nanatili pa ring usap-usapan si Arjo Atayde matapos siyang pangalanan nina Sarah at Curlee Discaya noong Lunes, Setyembre 8. Ayon sa mag-asawang contractor, kabilang si Arjo sa mga diumano’y nakatanggap ng bahagi mula sa kanilang proyekto — isang alegasyon na mariin namang itinanggi ni Arjo sa kanyang naunang pahayag.


Sa gitna ng kontrobersiya, naninindigan ang pamilya Atayde na malinis ang konsensya nila at handang harapin ang anumang imbestigasyon. Sa ngayon, patuloy pa ring sinusubaybayan ng publiko at media ang mga susunod na hakbang ng mga sangkot, habang mas lalong umiigting ang panawagan para sa transparency at pananagutan mula sa mga opisyal ng gobyerno.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo