Nag-trending agad ang bagong Instagram post ng aktres na si Bianca de Vera matapos nitong magbahagi ng isang madamdaming mensahe na halatang may pinaghuhugutan. Ilang minuto pa lamang mula nang mai-upload, agad itong dinagsa ng mga komento, likes, at shares mula sa kanyang mga followers at mga netizens.
Ang nasabing post ay tila mensaheng may halong sama ng loob, na parang may pinatutungkulan—isang taong malapit sa kanya, marahil ay isang kaibigan na kanyang pinagkatiwalaan ngunit kalauna’y nagdulot ng sakit. Narito ang ilan sa mga sinabi ni Bianca sa kanyang post:
“It breaks my heart that the person I thought knew me best can do this to me.”
“Pinagkatiwalaan kita.”
“You are the last person I expected to be this careless.”
Bukod sa mga pahayag na iyon, may caption din siyang inilakip sa post na nagbigay-linaw sa emosyonal niyang pinagdadaanan:
“Sometimes, the hardest part of friendship is realizing that the people you thought you could trust are the ones who end up breaking it.”
Dahil sa bigat ng emosyon sa kanyang mga salita, umani agad ito ng halos isang libong komento sa maikling panahon. Marami ang nagpahayag ng suporta sa kanya, at hindi naiwasang maghinala ang ilan na may nangyaring hindi maganda sa pagitan niya at isang taong malapit sa kanya — posibleng kaibigan, o kasamahan sa trabaho.
Iba’t ibang reaksyon ang lumutang mula sa mga netizen. May mga nakisimpatya at nagpaabot ng mensahe ng suporta:
“Girl, sana makahanap ka ng totoong kaibigan na iingatan ka at hindi maiinggit sa mga tagumpay mo.”
“Ang sakit n’yan, pero darating din ‘yung tamang tao na tunay na kaibigan.”
Subalit may ilan ding nagsabing posibleng hindi ito tungkol sa totoong buhay ni Bianca, kundi bahagi lang ng isang proyektong ginagawa niya ngayon. Ang ilan ay naniniwala na ang hugot lines na ito ay bahagi ng script ng kanyang upcoming movie kasama sina Will Ashley at Dustin Yu.
May mga komento na nagsasabing:
“Parang snippet lang ito sa pelikula. Excited na ako sa teaser!”
“Hugot lines ito from the movie, inspired sa pelikula ni Claudine dati.”
“Mukhang dialogue lang ito ha, gaya ng kay Claudine Barretto noon kay Diether Ocampo.”
Gayunpaman, may ibang netizens na nadamay pa ang pangalan ng kapwa influencer na si Mika Salamanca. Ayon sa ilang komento, tila may koneksyon ito sa isyu ng "girl code" at diumano’y harapan na pakikipagharutan ni Mika kay Will Ashley sa isang event. Pero sa kabila nito, marami pa ring umaasang ito ay simpleng bahagi lang ng promo para sa proyekto ni Bianca.
Hindi malinaw kung personal nga bang karanasan ni Bianca ang laman ng kanyang post o isa lang itong paraan ng pagpapakilala sa karakter na ginagampanan niya sa pelikula. Ngunit isang bagay ang siguradong totoo—nakuha niya ang atensyon ng madla.
Sa panahon ngayon kung saan mabilis kumalat ang mga ispekulasyon online, isang post lang talaga mula sa isang personalidad tulad ni Bianca de Vera ay sapat na upang magdulot ng malaking ingay. At kung layunin man nito ay mag-promote ng pelikula o ilabas ang personal na saloobin, maituturing pa rin itong matagumpay — dahil maraming naka-relate at nadama ang lalim ng kanyang mensahe.

Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!