Usap-usapan ngayon sa social media ang tila matapang na tugon ni Jam kaugnay sa kontrobersyal na post sa Facebook na umano’y galing sa kaniyang mister. Sa pamamagitan ng isang TikTok video, diretsahan niyang ipinahayag ang kaniyang paninindigan at ipinakita kung gaano siya determinadong ipagtanggol ang sarili at ang anak na si Tony.
Sa naturang video, sinabi ni Jam na ayaw na niyang palawigin pa ang usapin o makipagsagutan pa sa publiko. Aniya, sapat na raw na napatunayan ng kaniyang mister kung bakit naging tama ang naging pasya nilang dalawa ni Tony na lumayo rito. Dagdag pa niya, malinaw ang payo ng kaniyang mga abogado: huwag nang bigyan ng pagkakataon ang dating karelasyon na magkaroon pa ng access sa kanila.
Aniya pa, "Whatever it is that you are saying on social media, you must be ready to prove in court. I have said many times that the best avenue to address all of your concerns and mine as well is in the court."
Ipinunto rin niya na paulit-ulit na niyang binibigyang-diin na ang tamang lugar para ayusin at resolbahin ang kanilang alitan ay sa legal na proseso, hindi sa social media.
Bukod dito, binigyang-diin ni Jam na hindi makatutulong ang paghingi ng simpatya mula sa mga netizens o bashers. Sa halip, pinayuhan niya ang tinutukoy niyang tao—na inakala ng marami ay ang kaniyang mister—na maghanap na ng matibay na abogado. Ito raw ang tanging paraan upang maprotektahan ang sarili, lalo na’t siya mismo ay nakahanda ring gawin ang lahat upang mapangalagaan si Tony at ang kanilang kapayapaan.
Dagdag pa niya, "Find lawyers that would protect you because you're gonna need it. Because I'm gonna make sure that both Tony and I are protected from the likes of you." Sa huli, matapos ang kaniyang mahabang pahayag, binigyan niya ito ng mas magaan na pagtatapos: “We wish you well, ingat!”
Sa caption ng kaniyang post, mas pinalinaw pa niya ang mensahe. Nakasaad doon na nakatutok na lamang sila ni Tony sa kanilang kapayapaan at masaya silang ipinagdiriwang ang desisyong iniwan ang relasyon. Para kay Jam, iyon ang pinakamatalinong desisyon na nagawa nila.
Binanggit din niya na bagama’t malaya ang kaniyang dating karelasyon na ilarawan ang sarili bilang biktima sa mata ng publiko, hindi ito magiging katanggap-tanggap sa korte. Ang simpatya mula sa social media, giit niya, ay walang halaga bilang ebidensya sa mga legal na proseso. Kaya naman, muli niyang iginiit na makabubuti para sa kabilang panig na maghanap ng mahusay na legal team na tutulong upang ipagtanggol siya.
"I do hope you find a solid legal team to defend you. We wish you well," dagdag pa niya.
Sa ngayon, nananatiling tahimik ang kampo ni Concha, at wala pang inilalabas na opisyal na tugon, reaksiyon, o pahayag mula rito tungkol sa mga ibinulgar ni Jam.
Dahil dito, lalo lamang lumalakas ang interes ng publiko sa nangyayaring bangayan. Habang naghihintay ang lahat ng posibleng susunod na hakbang ng magkabilang panig, malinaw na nakaposisyon na si Jam upang protektahan ang sarili at ang anak mula sa gulo, at handa siyang dalhin ang usapin sa korte kung kinakailangan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!