Ice Seguerra Inalala Ang Karanasan Sa NYC

Martes, Agosto 19, 2025

/ by Lovely


 Sa isang panayam ni Ice Seguerra kay Toni Gonzaga, muling ibinahagi ng singer-songwriter at aktor ang kanyang naging karanasan bilang chairperson ng National Youth Commission (NYC) noong 2016 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Nang tanungin ni Toni kung paano ang naging adjustment mula sa pagiging performer tungo sa pagiging isang opisyal ng gobyerno, diretsong inamin ni Ice na ibang-iba ang mundong kanyang pinasok. 


“You were appointed as chairperson of the National Youth Commission by PRRD, so pano yun? Ibang challenge yun, from performing to being a chairperson,” tanong ni Toni Gonzaga.


“Yeah, mas ibang challenge siya kasi ito mas rigid. Tayo kasi we own our time, diba?” paliwanag niya.



Ikinumpara rin ni Toni ang hirap ng dalawang mundo—showbiz at politika. Sa tanong kung alin ang mas mabigat, prangkahang sinabi ni Ice na mas hindi niya nagustuhan ang politika. Isa raw sa mga bagay na labis niyang ikinabigo noon ay ang pakiramdam na kailangan pang makiusap o makibagay sa ibang politiko para lamang makakuha ng pondo para sa mga proyekto ng NYC.


“Mas hindi ko nagustuhan ang politics. Ang di ko maintindihan ‘yung kailangan mong mag-kiss a*s dun sa ibang ‘politiko’ para lang mabigyan ka ng budget para sa public. Parang bakit? Eh kaya nga tayo nasa public service para mag-serve, ‘di ba?” pagbabahagi ni Ice.


Noong 2018, dalawang taon matapos siyang maupo sa posisyon, nagdesisyon si Ice na bumitaw. Ayon sa kanya, hindi simpleng dahilan ang nagtulak dito kundi isang mabigat na laban sa loob niya—depresyon.


“Oo, depression. It would’ve been good, would’ve been fine, siguro if I felt as if I was doing something with purpose,” aniya.


Inamin din niya na ramdam niya ang malaking pagkadismaya sa sarili, at natakot siyang ipagpatuloy ang posisyon nang hindi na niya kayang ibigay ang buong puso at atensyon dito. “I got really frustrated. I stepped down because I felt like I’d be cheating the youth, the young people, if I stayed cause I know I can’t give my 100% anymore,” dagdag pa niya.


Sa kabila ng lahat, hindi naman itinuring ni Ice na sayang ang panahong inilaan niya sa gobyerno. Bagkus, malaki raw ang naituro nito sa kanya pagdating sa sakripisyo at tunay na anyo ng public service.


Aniya, malaking bagay na nakasalamuha niya ang iba’t ibang kabataan mula sa iba’t ibang sektor at naunawaan niya ang lawak ng pangangailangan ng mga ito. Ngunit dahil sa limitasyon at mabagal na proseso ng sistema, hindi lahat ng ideya ay agad naipatutupad.


Matapos iwan ang politika, mas pinili ni Ice na bumalik sa kanyang unang pagmamahal—ang musika. Para sa kanya, dito niya mas naipapakita ang kanyang tunay na damdamin at mas direkta niyang naipaparating ang kanyang mensahe sa tao.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo