Criza Taa, Diretsahang Sinagot ang Isyung Social Climber at Pekeng Kaibigan

Lunes, Hulyo 21, 2025

/ by Lovely


 Hindi na bago sa mga artista ang makaranas ng matitinding bashing at maling interpretasyon mula sa publiko. Isa sa mga kabataang artista na madalas maipit sa ganitong sitwasyon ay si Criza Taa, na ngayon ay nagsalita na ukol sa mga akusasyong ipinupukol sa kanya—gaya ng pagiging umano’y “social climber” at "fake friend."


Sa pinakabagong episode ng "Toni Talks" noong Linggo, Hulyo 20, naging bukas si Criza sa pagsagot sa mga kontrobersiyang bumabalot sa kanyang pangalan. Inamin niyang hindi naging madali para sa kanya ang makarinig ng masasakit at maling paratang, lalo na kung alam niyang hindi ito totoo.


“Actually, dati sobrang affected pa ako kasi nakakainis, e,” ani Criza habang emosyonal na ikinukuwento ang kanyang pinagdaanan. 


“Pagka kilala mo ‘yong sarili mong hindi ka gano’n tapos pine-frame ka as gano’n ka. Ta’s sasabihin nila sa ‘yo ‘yon na parang kilalang-kilala ka na nila.”


Ayon pa sa kanya, hindi raw madali na maparatangan ng mga taong hindi naman talaga nakakakilala sa kanya nang personal. “Parang ang hirap for me. Pero no’ng na-realize ko na hindi naman nila ako kilala, e. And natutunan ko na paano i-seperate ‘yong normal life and personal life ko sa social media,” dagdag ng aktres.


Sa kabila ng mga masasakit na salita at espekulasyon sa online world, natutunan daw ni Criza na huwag masyadong damdamin ang mga ito. Dumaan siya sa proseso ng paghihiwalay ng kanyang personal na buhay at ng mundo ng social media. Aniya, “Ngayon, mas pinipili ko na lang na hayaan sila. Kasi alam ko naman kung sino ako, at ‘yun lang ang mahalaga.”


Matatandaan na noong Marso, naging viral sa social media ang isang video clip mula sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" kung saan narinig sina AC Bonifacio at Michael Sager na tila may pinapatamaan—isang tao raw na mahilig magpakitang-gilas sa kanyang mga bagong gamit at mamahaling binili.


Agad itong iniuugnay ng mga netizens kay Criza, lalo na nang maglabas siya ng isang makahulugang post sa kanyang social media na tila sagot sa usap-usapan. Hindi man direktang pinangalanan, marami ang nag-akala na siya ang sentro ng tsismis.


Sa kabila nito, piniling huwag patulan ni Criza ang isyu. “Ayoko na lang makisawsaw. Kasi kung papatulan ko pa, para ko na rin sinabi na tama sila. Eh hindi naman, kaya mas pipiliin ko na lang tumahimik at ipakita sa gawa ang totoo kong pagkatao.”


Dagdag pa niya, mas pinahahalagahan niya ngayon ang mga taong tunay na nakakakilala sa kanya at naninindigan para sa kanya kahit sa likod ng kamera. “Sila ‘yung dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban. Alam nila kung gaano ko pinaghihirapan ang lahat ng meron ako ngayon.”


Aminado rin ang aktres na may mga pagkukulang at pagkakamali rin siya, pero hindi raw ito sapat para husgahan siya agad ng ibang tao. “Tao lang din naman ako, nagkakamali. Pero hindi ibig sabihin nun na fake na ako o social climber. Lahat tayo may kanya-kanyang journey,” pagtatapos ni Criza.


Sa dulo ng panayam, nagbigay pa siya ng payo sa mga nakararanas din ng katulad niyang pambabatikos: “Kilalanin mo lang ang sarili mo. Hangga’t alam mong wala kang tinatapakang tao, wala kang dapat ikahiya.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo