Relasyon Ni Lorna Tolentino at Lito Lapid Kinontra ni Lolit Solis

Martes, Hunyo 11, 2024

/ by Lovely


 Ikinaloka ng maraming mga netizens ang isiniwalat na balita ng kilalang talent manager at showbiz columnist na si Lolit Solis patungkol sa isa sa kanyang mga talent na si Lorna Tolentino at actor-Senador na si Lito Lapid.


Sina Lorna Tolentino at Sen. Lito Lapid ay kasalukuyang mapapanood sa hit teleserye na pinagbibidahan ni Coco Martin, na ang 'FPJ's Ang Batang Quiapo.


Bago paman ang pagsisiwalat ni Manay Lolit Solis patungkol sa pagkakaroon ng relasyon nina Lorna Tolentino at Sen. Lito Lapid, una nang napansin ng maraming mga netizens ang bigay na bigay na pag-arte nina Lorna Tolentino at Sen. Lito Lapid sa mga karakter na ginagampanan nila sa nasabing teleserye lalong-lalo na ang kanilang mga intimate na tagpo.


Samantala, nang makausap ng ilan pang officer at miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) si Manay Lolit Solis sa thanksgiving presscon ni Councilor Alfred Vargas para sa pagkakatanghal nito bilang best actor sa nagdaang FAMAS Awards 2024, naitanong kay Manay Lolit Solis ang patungkol sa kanyang alaga na si Lorna Tolentino.


Naitanong ng ilan kung totoo ang mga bulung-bulungan na may namamagitan sa kanyang alaga na si Lorna Tolentino at katambal nito sa Ang Batang Quiapo na si Sen. Lito Lapid.


Kaagad namang isiniwalat ni Lolit Solis ang kanyang pagpapayo kay Lorna Tolentino para lang sana hindi nito ituloy ang pakikipagrelasyon kay Sen. Lito Lapid.


Ayon kay Lolit Solis, pinayuhan niya si Lorna Toletino na huwag patulan si Lito Lapid dahil nagmula na siya kay Rudy Fernandez na di hamak na mas mataas ang level kaysa sa Senador. Sinabihan rin umano niya noon si Lorna Tolentino na pumili naman ng ka-level ni Rudy Fernandez.


Hindi rin itinago ng talent manager ang kanyang disgusto sa pakikipagrelasyon ngayon ni Lorna Tolentino kay Sen. Lito Lapid dahil sa pakikipagrelasyon ng huli sa kanyang dating alaga na si Michelle Ortega na ina ng aktres na si Ysabel Ortega.


Isiniwalat rin ni Lolit Solis na hindi naman naghiwalay sina Sen. Lito Lapid at ang legal wife nito na si Marissa Tadeo.


Nang pagsabihan naman daw ni Lolit Solis si Lorna Tolentino ukol rito ay sinabihan lamang siya nitong, hayaan na lamang sila sa kanilang ginagawa dahil kati-kati lang naman ang kanilang relasyon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo