Pagdemanda ni Carlo Aquino kay Trina Candaza Binalikan ng Maraming Mga Netizens

Lunes, Hunyo 10, 2024

/ by Lovely


 Sa gitna ng mga usapin patungkol sa naganap na “secret” wedding nina Carlo Aquino at Charlie Dizon, napag-uusapan ng maraming mga netizens ang masalimoot na dating relasyon ng aktor kay Trina Candaza.


Matatandaang opisyal na naghiwalay sina Trina Candaza at Carlo Aquino noong 2021, ngunit hindi pa doon natapos ang kanilang isyu dahil sa tila pag-aagawa ng dalawa para sa kustodiya ng kanilang anak na si Mithi.


Noong nakaraang taon, namataan si Carlo Aquino sa Quezon City Regional Trial Court dahil inirereklamo niya si Trina Candaza dahil sa hindi pagbibigay sa kanya ng visitation rights para makasama kahit papaano ang kanilang anak.


Sa kabila ng pagdedemanda ni Carlo Aquino ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag si Trina Candaza para sa kapakanan ng kanilang anak na si Mithi.


Sa isang episode ng YouTube vlog ni Ogie Diaz, nailahad niyang wala nang balak na magsalita ni Trina Candaza sa pag-file ng visitation rights ni Carlo Aquino sa Regional Trial Court sa Quezon City.


Pinili umano ni Trina Candaza na manahimik nalang para sa kapakanan ng kanilang anak na si Mithi.


Matatandaan na sa ilang panayam noon kay Carlo Aquino ay inilahad rin niyang hindi siya pinagbibigyan ni Trina Candaza gayung nagbibigay naman siya ng sustento para sa kanilang anak.


Kaagad namang naglabas ng pahayag si Trina Candaza kung saan inilahad niya ang kanyang pagkadismaya dahil ipinapalabas umano ni Carlo Aquino na hindi siya nagtatrabaho para sa kanilang anak.


Iginiit pa noon ni Trina na kung sakaling hiramin ni Carlo Aquino si Mithi ay huwag naman nitong ipakilala kay Charlie dahil ayaw niyang malito ang bata.


Sa pagpapakasal ngayon nina Carlo Aquino at Charlie Dizon hiling ng maraming mga netizens na sana ay magtino na ang aktor at hindi maranasan ni Charlie Dizon ang paghihirap noon ni Trina Candaza.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo