Aktres Nagalit Matapos I-Banned Sa ABS-CBN Star Cinema!

Lunes, Hunyo 10, 2024

/ by Lovely


 Dismayado at galit na galit ang dating Kapamilya actress na si Ai-Ai Delas Alas sa Film Production ng Star Cinema matapos makarating sa kanya ang balitang pinapatanggal ng mga ito sa mga naglabasang mga balita ang kanyang naging pahayag na nais niyang magkaroon ng reunion project ang mga kasamahan nila sa Tanging Ina.


Inilabas ni Ai-Ai Delas Alas ang kanyang saloobin sa kanyang Facebook page sa pamamagitan ng isang video kung saan kinukwestiyon niya ang pamunuan ng Star Cinema kung bakit pinapatanggal ng mga ito ang mga balita patungkol sa mga naging pahayag niya na nais niyang magkaroon sila ng Tanging Ina the Reunion project.


Nagpahayag pa si Ai-Ai Delas Alas ng kanyang pagkadismaya sa Star Cinema dahil sa tila pambabastos umano ng mga ito sa kanyang naging pahayag gayung nagsasabi lang naman siya ng totoo nang may naitanong sa kanya.


Binatikos rin niya ang pamunuan ng Star Cinema sa pagbababanned ngayon sa kanya gayung pinakakakitaan naman umano siya ng mga ito noon.


Samantala, marami naman sa mga netizens ang nagsasabing tila nalimutan na yata ni Ai-Ai Delas Alas ang ginawa niya noon sa Star Cinema na naging dahilan ng sama ng loob sa kanya.


Matatandaan na naglabas noon ng isang pasaring si Ai-Ai Delas Alas sa Star Cinema nang maungusan ng pelikula nila ang pinagbibidahan nilang pelikula noon ni Bossing Vic Sotto.


Narito naman ang ilang mga komento ng mga netizen sa naging video ni Ai-Ai Delas Alas.


"Parang sinunog mo na ang tulay mo dahil sa video mong to.🫣 Sa tingin mo ba sa mga sinabi mong ito, may mabuting maidudulot at epekto sa issue kung totoo man o hindi? Sa tingin mo dahil dito magugustuhan ka kunin at i produce tuloy ng Star Cinema? O mabi bwisit tuloy sayo ang mga production dahil napaka impulsive at negative publicity mo. Just my opinion"


"Dinya alam.ung dahilan matapos nyang magparinig dati sa starcinema dahil.dun sa mmff na sinasabi nya no1 daw sila kesa dun sa movie ng starcinema 😂😂 mayabng kasi sya eh!"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo