Maganda, Mabait, Karla Estrada Boto Sa Bagong Leading Lady Ni Daniel Padilla!

Lunes, Hunyo 10, 2024

/ by Lovely


 Patuloy na inaabangan ngayon ng maraming mga netizens at mga tagahanga ng aktor na si Daniel Padilla kung sino ang magiging leading lady nito ngayong naghiwalay na sila ng kaloveteam na si Kathryn Bernardo.


May mga naglabasang mga haka-haka na isa ang ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada sa mga pumili kung sino ang magiging katambal ng kanyang anak kaya naman siguradong botong-boto na rito ang celebrity mom.


Sa gitna ng maulang panahon ay pinasaya pa rin ng aktor na si Daniel Padilla ang kanyang mga tagahanga sa Davao para sa Pagkakaisa Concert na ginanap sa Davao Del Norte kung saan dinagsa siya ng kanyang mga tagahanga.


Kumakalat rin ngayon sa social media ang mga video ng aktor sa naganap na concert na binabahagi ng kanyang mga tagahanga kung saan kinakikiligan ito ng maraming mga kababaihan at maging ng ilang mga kalalakihan na mayroong pusong babae.


Samantala, marami naman ang naghinala na baka matutuloy na ang mga naging usap-usapan noon na ang anak nina Charlene Gonzales at Aga Muhlach ang maging bagong leading lady ni Daniel Padilla na nagpakita na ng kanyang galing noong gumanap sa nakaraang Holy Week Special ng Eat Bulaga.


Bagama't aprubado na ito ng ina ni Daniel Padilla marami pa rin sa mga netizens ang nagsasabing magiging dehado ang aktor kay Atasha Muhlach dahil baguhan pa lamang ito sa larangan ng pag-arte at wala pang solid fan base.


Marami pa ang nagsasabing pumili na lamang ang aktor ng ibang mga leading lady na ipantatapat niya sa malakas na tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo