Jolina Magdangal Nakatanggap ng Pambabatikos Matapos Magbigay Ng Pahayag Sa Kasal Ni Carlo Aquino at Charlie Dizon!

Martes, Hunyo 11, 2024

/ by Lovely


 Umani ng pambabatikos mula sa maraming mga netizens ang aktres-TV host na si Jolina Magdangal matapos niyang magbahagi ng open letter kina Carlo Aquino at Charlie Dizon sa kanilang pagpapakasal.


Matatandaang nagpakasal sina Carlo Aquino at Charlie Dizon noong June 9, 2024 sa isang secret wedding celebration.


Isa sa mga celebrity na bumati kina Carlo Aquino at Charlie Dizon ay si Jolina Magdangal, kung saan ipinahayag nito na noon pa man ay ipinapanalangin na niya na sana ay magkatuluyan ang dalawang celebrity couple.


Sa kanyang Instagram account ipinahayag ni Jolina Magdangal ang kanyang kasiyahan sa nangyaring pagpapakasal ng dalawa na noon pa lamang umano ay minamanifest na niya.


“Sabi ni April Charlie sa vows niya totoo daw pala ang manifesting. Gusto ko lang i-share na isa ako sa nag-manifest para sa forever n’yo. At ‘yong mga sinabi ni Kaloi sa vows naman niya kung paano nya iingatan, aalagaan, at mamahalin si April, alam na alam ko na puso n’ya ang nagsasalita. Thankful ako na nawitness ko ang kanilang pag-iisang dibdib,” pahayag ni Jolina Magdangal.


“Kaloi, bilang bata ka pa magkakilala na tayo, alam ko kung gaano ka kabait na anak at mapagmahal sa family mo. Sobrang happy ko talaga para sayo,” dagdag pang pahayag nito kung saan inilahad niya kung gaano siya kasaya sa relasyon ng dalawa.


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang naging pahayag na ito ni Jolina Magdangal kung saan marami sa mga netizens ang napapataas ang kilay dahil paano umano nasasabi ni Jolina na mapagmahal sa pamilya si Carlo Aquino gayung nakaya nitong iwanan ang kanyang dating kinakasama para sa ibang babae.


"ano ba jolina? Panong naging mabait e iniwan nga ang mag-ina nya? Baby pa lang anak nila iniwan na. Very immature"


"Ang hirap maging masaya para sa mga taong nang apak at nanakot ng iba. Sana hindi pag daanan ni charlie yung sakit na pinag daanan nina mithi and trina. Only then she will understand how painful it is maiwan ng lalaking kagaya ni carlo aquino. Wag sana."


"Mapagmahal hehe natawa ako dun. Saksi din kami sa pananakit nya sa damdamin ni angelica at ni trina"


Sa kabilang banda, marami naman ang nagtatanggol kina Carlo Aquino at Jolina Magdangal kung saan sinasabi ng mga ito na walang masama sa pagpapakasal ng dalawa kahit pa may naunang anak si Carlo sa ibang babae.


May mga nagsasabi pang dapat na magmove on na rin ang mga netizens kagaya ng pagmomove on nina Carlo Aquino at Trina Candaza.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo