Secret Wedding Nina Kim Chiu at Paulo Avelino Witness Si Ms. Garlic Garcia

Martes, Hunyo 11, 2024

/ by Lovely


 Laman ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang ang bali-balitang nagpasecret wedding na sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa ibang bansa.


Viral at pinag-uusapan ngayon ng maraming mga KimPau fans ang haka-hakang nagpakasal na sina Kim Chiu at Paulo Avelino kung saan ang kanilang naging witness ay si Ms. Garlic Garcia.


Inilabas na ang wedding episode ng pinagbibidahang Philippine adaptation nina Kim Chiu at Paulo Avelino na What's Wrong With Secretary Kim?


Marami naman sa mga netizens ang nagtaka sa nasabing episode dahil may mga pahiwatig umano na totoo itong nangyari at hindi lamang ito basta eksena lamang.


Ramdam na ramdam kasi umano ng maraming mga KimPau fans ang pagmamahal ng dalawa sa isa't-isa.


Narito ang ilang mga komento ng KimPau fans na naniniwalang totohanan ang nangyaring kasal nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa What's Wrong With Secretary Kim?


"Secret wedding nila ito si maam Garlic ang witness.. kaya si Kim lang ang may ring, promise ring ni Paulo contract sa star magic sila. muna uli partner saka namuna ang iba DBA yan sabi na kay Kim sa interviews nila kay MJ Felipe. Yan din ang sinabi ni Darren, white sun sa Palawan"


Sinigundahan naman ito ng marami pang mga KimPau fans at sinasabing hindi lamang umano sinama sa video ang iba pa ilang bisita.


Sa kabilang banda, may pahayag naman ng pagkabahala dahil tila nagging delusional na umano ang ilang mga fans ng KimPau tandem at ginawa nang katotohanan Kahit nasa eksena lang naman ang dalawa.


Ipinunto pa ng ilang mga netizens na kaya ramdam na ramdam ang eksena dahil parehong magagaling na artista ang dalawa.



Iginiit pa nila na hindi patas para kina Paulo Avelino at Kim Chiu na palaging pangunahan na lamang ng mga netizens ang mga nangyayari sa personal na buhay ng dalawa.


May mga nangamba pa para kina Paulo Avelino at Kim Chiu at baka matulad rin sila sa pinagdaanan nina Maine Mendoza at Alden Richards kung saan may ibang kwento na pinaniniwalaan ang kanilang mga tagahanga.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo