Pagbabago Ni Paulo Avelino Dahil Kay Kim Chiu, Nagagawa ng Pag-ibig

Lunes, Mayo 20, 2024

/ by Lovely


 Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa ang tambalang Paulo Avelino at Kim Chiu sa mga pinag-uusapang loveteam ngayon dahil sa kanilang hindi maipagkakailang chemistry na naghahatid ng labis na kilig sa kanilang mga tagahanga.


Maging sina Paulo Avelino at Kim Chiu ay hindi rin inaasahan na ganoon na lamang ang matatanggap nilang suporta mula sa mga manonood at sa mga netizens.


Napakaswerte talaga ng dalawa sa isa't-isa dahil mas umingay ang kanilang mga pangalan ngayon silang dalawa na ang nagkatambal. Bukod pa rito, nagkaroon din sila ng malaking fan base.


Ayon sa ilang mga netizens na sa lahat ng mga naging ka-loveteam noon ni Paulo Avelino ay mas umingay ang pangalan ng actor nang si Kim Chiu na ang kanyang nagging leading lady.


Napansin rin ng maraming mga netizens na ngayong nagkatambal na ang dalawa ay lalo silang pinag-uusapan at ipinagsisigawan ang kanilang mga pangalan ng mga nagsi-ship sa kanila. Mas naging blooming na rin umano ang dalawa.


Sa kabilang banda, napansin naman ng maraming mga netizens ang pagbabago ni Paulo Avelino ngayong ka-love team na niya si Kim Chiu.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens na napaka-formal na tao ni Paulo Avelino, kung sa babae pa ay maituturi itong mahinhin.


Hindi magaslaw at pasimple lamang ang pagtawa subalit ngayon si Kim Chiu na ang naging partner nito ay tila nahahawa na rin ang actor sa kakulitan ng aktres.


Dahil dito marami ang nagsasabing kaya tila nagbago na si Paulo Avelino ay para masabayan niya ang galawan ng aktres na nagpapakita kung gaano niya ito kagusto.


Nag-aabang naman ngayon ang mga tagahanga nina Paulo Avelino at Kim Chiu na magkaroon ng pelikula ang dalawa na tiyak kababaliwan ng kanilang mga tagahanga at tiyak na magiging box office hit.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo