Vice Ganda May Pinaringgan Na Aktres Sa It's Showtime

Miyerkules, Mayo 15, 2024

/ by Lovely


 Umaani ngayon ng samu't-saring komento ang ginawang biro ng It's Showtime host at Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kamakailang episode ng noontime show nila na It's Showtime.


Sa kamakailang episode ng segment na Expecially For You ng It's Showtime, nagbiro si Vice Ganda sa isa sa mga searchee ng show patungkol sa pagsasample.


Isa sa mga naging searchee sa kamakailang episode ng Expecially For You ay may pangalan na Janella. Tinanong ito ni Vice Ganda kung marunong rin  ba ito kumanta at kung maari itong magbigay ng sample para sa madlang pipol.


Kaagad namang tumawa si Jhong Hilario at maging ang contestant nilang si Janella. Maging ang mga madlang pipol ay napatawa na rin dahil kaagad nilang naiugnay ang birong ito ni Vice Ganda sa naging pagbisita noon ng aktres na si Janella Salvador sa It's Showtime.


Matatandaan na nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Janella Salvador at Kim Chiu nang bumisita si Janella Salvador sa It's Showtime kasama ang Thai-actor na si Met Metawin, matapos hayagan na tanggihan ni Janella ang request ni Kim Chiu na sample sa panibago nitong single.


Katwiran ni Janella Salvador ay paos siya kaya naman hindi niya mapagbibigyan ang request ni Kim Chiu dahil wala siya sa kondisyon na kumanta. 


Naging guest sina Met Metawin at Janella Salvador sa It's Showtime para ipromote ang kanilang pelikulang Under Parallel Skies, na malapit ng lumabas sa mga sinehan sa oras na iyon, kabilang rin sa naipromote ni Janella sa kanilang guesting ay ang solo-concert niya para sa kanyang ika-10 anibersyaryo sa showbiz industry.


Sa pagtanggi ni Janella Salvador, kay Kim Chiu, marami sa mga fans ng aktres ang bumatikos at nagsasabing pinahiya umano ng aktres si Kim Chiu dahil ganoon na lamang ang pagtanggi nito sa pagsample at hindi rin naging maganda ang tono nito.


Nakadagdag rin ang naging hirit ni Vice Ganda, na siyang dahilan kung bakit, lumaki pa ang isyu.



Samantala, kaagad namang nilinaw ni Janella Salvador ang kanyang sarili kung saan inilahad niya na wala sa kanyang mga intensyon sa pagtanggi kay Kim Chiu ang pag-offend rito.


Sa kabilang banda, may mga netizens naman ang nagsasabing dapat ay hindi na binabalikan pa ni Vice Ganda ang naging isyu noon sa pagbisita ni Janella Salvador sa kanilang show dahil naayos na ito.


Nagbigay na rin umano ng pahayag si Janella Salvador kung saan iginiit nitong wala siyang ibang hangad kundi ang mabigyan ng full performance ang mga tao, hindi iyong napipilitan lamang siya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo