Paulo Avelino Nagsalita Na Hinggil Sa Estado Nila Ni Kim Chiu, Paulo May Hinihintay Lang Kay Kim!

Martes, Mayo 21, 2024

/ by Lovely


 Aktor na si Paulo Avelino nagbigay na ng pahayag patungkol sa naging status ng relationship nila ng aktres na si Kim Chiu.


Isa sa mga pinag-uusapang loveteam ngayon sa industrya ng showbiz ang tambalang Paulo Avelino at Kim Chiu na mas kilala bilang KimPau.


Marami sa mga fans ng dalawa ang umaasa na mapupunta sa next level ang kanilang relasyon ngayong labis na silang nagkakalapit sa isa't-isa dahil sa mga sunod-sunod na pinagsamahan nilang serye at mga endorsement.


Sa isang panayam kay Paulo Avelino sa ABS-CBN compound sa Quezon City, ipinahayag ni Paulo sa kanilang mga tagahanga ni Kim Chiu na manatiling kalmado sa pagpupush sa kanila na nai-level up ang kanilang relasyon.


"I get where they are coming from. Hinay-hinay lang. Kim just came from a relationship, so hayaan muna natin mag-enjoy yung mga tao and give them time to explore," pahayag ng aktor.


Matatandaan na noong December 2023, kinumpirma ni Kim Chiu na naghiwalay na sila ng longtime partner na si Xian Lim.


Inamin rin ni Paulo Avelino na nagiging uncomfortable siya sa tuwing tinatawag siya ka loveteam ni Kim Chiu. Mas gusto pa umano niya na matawag bilang ka-tandem ni Kim Chiu o di kaya ay on-screen partner nito dahil ayaw niya ng stigma na nadidikit sa Pilipinas pagdating sa mga loveteams.


Gayunpaman, iginiit ni Paulo Avelino na naappreciate niya ang kanilang mga fans ni Kim Chiu na napapasaya nila at naniniwalang deserve nila ang isa't-isa.


Sinang-ayunan naman ito ni Kim Chiu at ipinunto na nasa tamang edad na sila at hindi na kailangan na pagsabihan pa ng ilang mga netizens sa kung ano ang nararapat na gawin at ang hindi.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo