Janine Nagparating Ng Mensahe Kay Paulo Avelino

Martes, Mayo 21, 2024

/ by Lovely


 Laman ng mga usap-usapan ngayon ang tila pagpaparinig umano ng aktres na si Janine Gutierrez sa dating ka-loveteam na kalaunan ay naging boyfriend na si Paulo Avelino.


Bagama't hindi nila hayagang inamin sa publiko ang kanilang relasyon halatang-halata naman ito sa mga naging panayam pagpi-flex nila sa isa't-isa labas sa promotion ng kanilang mga pinagsamahang proyekto.


Bukod pa rito, lumabas rin sa mga ulat noon ang pagpopropose ni Paulo Avelino kay Janine Gutierrez nang magkasama sila sa ibang bansa.


Samantala, nang pumasok sa buhay ni Paulo Avelino ang aktres na si Kim Chiu noong sila naman ang naging magkapartner sa digital series na Linlang ay tila nawala na lamang bigla sa eksena si Janine Gutierrez.


Hanggang sa napapabalita na ang kanilang paghihiwalay sa di malamang dahilan at ang pagsi-ship ng maraming mga netizens sa tambalan nina Paulo Avelino at Kim Chiu na maging totohanan na ang kanilang relasyon.


Samantala, sa isang panayam, inamin umano ng aktres na si Janine Gutierrez na hindi naging madali para sa kanya ang mga nangyari sa relasyon nila ni Paulo Avelino dahil naapektuhan rin ang kanilang mga tagahanga.


May nagtanong rin umano kay Janine Gutierrez patungkol sa kanyang reaksyon sa napapabalitang relasyon nina Paulo Avelino ngayon at ni Kim Chiu.


Dito na tumanggi ang aktres at sinabing no comment siya rito. Ang mahalaga ngayon sa aktres ay patuloy pa rin siyang nakakakuha ng suporta mula sa kanyang mga fans sa kabila ng mga nangyari.


Sa kabilang banda, iginiit naman ni Janine Gutierrez na wala siyang galit o anuman kay Paulo Avelino at masaya siya sa mga nakakamit ngayon ng aktor kahit pa hindi na siya ang on-screen partner.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo