Netizens Nagulat Sa Inamin Ni Karylle Sa Its Showtime

Miyerkules, Mayo 15, 2024

/ by Lovely


 Inamin ng It's Showtime hosts na si Karylle ang kanyang mapait na karanasan nang subukan niyang i-explore ang paglalaro ng isang online game.


Sa kamakailang episode ng It's Showtime, naisiwalat ni Karylle ang nangyari sa kanya nang sinubukan niyang maglaro ng Mobile Legends upang maka-relaste sa kanyang asawa na si Yael Yuzon.


Subalit, hindi umano niya inasahan na sa unang beses ng kanyang paglalaro kay makakatanggap siya ng masasakit na salita. 


Inamin ni Karylle na may nan-trashtalk sa kanya at labis na nasaktan ang kanyang damdamin dahil sa nangyari.


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang inaming karanasan ni Karylle. May mga madlang pipol na nagsasabing naranasan rin nilang masabihan ng masama dahil lamang sa isang laro. Gayung hindi naman umano siya kilala ng personal ng mga ito.


May mga nagsasabi pa na ganoon talaga ang nangyayari sa uspisa lalo na kung wala pang alam sa mga dapat na gawin at tekniks sa paglalaro.


Samantala, muling inungkat ng ilang mga netizens ang nangyari noon kay Karylle sa It's Showtime noong si Bobet Vidanes pa ang director nito.


Matatandaan na gumawa noon ng isang group chat noon ang direktor kung saan hindi nila isinali si Karylle. Ayon sa mga netizens na katulad lamang ng pakiramdam na maleft out sa isang grupo ang nararamdaman ni Karylle nang ma-trash talk siya dahil sa ML.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo