Ama ni Deniece Cornejo Naniniwalang Biktima ang Kanyang Anak ng Trial By Publicity

Miyerkules, Mayo 15, 2024

/ by Lovely


 Hindi ikinatuwa ng ama ng modelong si Deniece Cornejo na si  Paul “Dennis” Cornejo, angconviction na natanggap ng kanyang anak mula sa mga kasong isinampa ng television host na si Vhong Navarro.


Sa panayam, iginiit ni Mr. Cornejo, na kasalukuyang naninirahan na sa Amerika, na hindi niya pinalaki ang kanyang anak na babae para maging isang 'gold digger' tulad ng tinawag ng publiko kay Deniece Cornejo ngayon nahatulang guilty sa kasong isinampa ni Vhong Navarro.


Matatandaan na sa karumal-dumal na insidente sa condo, sina Deniece at negosyanteng si Cedric Lee ay kinasuhan ng pakikipagsabwatan para humingi ng pera kay Vhong Navarro kapalit ng kalayaan nito noong 2014.


Gayunpaman, sinabi ni Mr. Cornejo na ang kanyang anak ay hindi maaaring maubosan ng pera dahil sapat ang kanyang ibinigay para kay Deniece Cornejo.


“Pinalaki ko si Deniece nang maayos. Sinasabi nila gold digger si Deniece? No! I am working for 22 years,” pahayag ng ama ni Deniece Cornejo.


“Maganda ang savings ko. Nagtrabaho ako sa barko, lahat sila nabibigyan ko ng maayos na pamumuhay,” paglalahad nito.


Samantala, naniniwala ang ama ni Deniece Cornejo na naging biktima ng "trial by publicity" ang kanyang anak.


Matatandaan na nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo si Deniece Cornejo dahil napatunayan ng Taguig Regional Trial Court Branch 153 na mguilty sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ng komedyante at TV host na si Vhong Navarro. Kasamang nahatulan ni Deniece ang mga kapwa niya akusadong sina Cedric Lee, Simeon Raz, at Ferdinand Guerrero.


Sa kabila ng paniniwala ni Mr. Cornejo na naging biktima ang kanyang anak ng trial by publicity ay rerespetuhan pa rin nila ang desisyon ng korte.


Sa ngayon ay patuloy na naninindigan si Deniece Cornejo ng kanyang pagiging inosente at naghahanda na para sa kanyang ihahaing apela para mabago ang desisyon ng korte.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo