Xian Gaza May Patutsada Kay Andi Eigenmann, Tinawag Na Plastic Na Artista Sa Blind Item

Martes, Abril 9, 2024

/ by Lovely


 Naging laman ng usap-usapan sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news site ang panibagong blind item na inilabas ng self-proclaimed pambansang marites na si Xian Gaza.


Bagama't wala naman siyang pangalan na binanggit kaagad na nakonekta ng mga netizens kung sino ang tinutukoy ni Xian Gaza sa kanyang pa-blind item.


Sa isang blind item na inilabas ni Xian Gaza sa kanyang Telegram account, pinaringgan niya ang isang anak na babae na sinasabi niyang plastik.


"Sinetch itech isang plastik na artista, ang super loving daughter sa harap ng kamera pero kung tratuhin ang kanyang sariling ina ay para bang basura bait-baitan sa burol pero sa likod nang kamera kanyang yumaong ina ay winawalang hiya."


Kaagad namang umani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens at maging ng mga fans ni Andi Eigenmann.


Ayon sa mga fans ni Andi Eigenmann, hindi naman umano maitatanggi na hindi na naging perpekto ang pagiging mag-ina ng dalawa.


Sa katunayan ay nagrebelde noon si Andi Eigenmann kay Jaclyn Jose noong hindi pa siyang nagbubuntis kay Ellie.


Inamin rin noon ni Jaclyn Jose ang hindi nila pagkakasundo ni Andi dahil naiimpluwensyahan umano ang kanyang anak ng mga masasamang barkada na tinuturuan ang kanyang anak na maging pasaway.


Subalit, nang makilala na ni Andi Eigenmann ang kanyang kinakasama ngayon ay muling nakapanayam si Jaclyn Jose kung saan inilahad niyang nagtransform na ang kanyang anak.


Dito na rin inilahad ni Jaclyn Jose ang pagiging proud niya kay Andi Eigenmann dahil sa mga desisyon umano nito at pagiging positibo sa buhay.


Iginiit rin ng maraming mga netizens na hindi naman masasabing ka-plastikan ang pag-iyak sa burol ng sariling ina kahit pa may mga nagdaan silang hindi pagkakaunawaan.


Binabatikos rin ngayon si Xian Gaza dahil sa pambabatikos niya sa mga taong matagal nang nanahimik at wala namang ginawa sa kanya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo