Jessica Soho, Dedma Sa Paglipat ng It's Showtime sa GMA7

Martes, Abril 9, 2024

/ by Lovely


 Naging laman ng usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang pandededma ni Jessica Soho sa paglipat ng It's Showtime sa GMA7.


Marami ang naghinala na hanggang ngayon ay hindi pa rin na napapatawad ni Jessica Soho ang pang-ookray noon ni Vice Ganda sa kanya kung saan ikinumpara siya sa baboy.


Sa kamakailang episode ng KMJS noong April7, 2024 linggo, kaagad na napansin ng maraming mga netizens na hindi man lang itinampok o kahit nabanggit man lang sa kanilang programa ang paglipat ng show na pinangungunahan ni Vice Ganda na It's Showtime.


Ayon sa ilang mga netizen, na hindi naman maaaring hindi nabalitaan ng team ni Jessica Soho na lumipat na sa Kapuso channel ang noontime show na It's Showtime.


Hindi naman naiwasan ng ilang mga netizens na isipin na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ni Jessica Soho ang ginawang pang-iinsulto ni Vice Ganda noon sa kanya.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na matindi ang naging alitan noon sa pagitan ni Vice Ganda at ni Jessica Soho na nag-umpisa matapos magbiro ang komedyante tungkol sa premyadong mamamahayag sa kanyang concert noong 2013.


Sa paglipat noon ng It's Showtime sa GTV noong 2023, tila nagpahiwatig noon si Vice Ganda ng kagustuhan na maging guest sa Jessica Soho, subalit hindi ito nangyari dahil hindi umano pumayag ang kampo ni Jessica Soho sa hiling ni Vice Ganda.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo