Vice Ganda Tinawag Na Hipokrito Ni Janus Del Prado Matapos Umere Sa GMA Ang Showtime!

Martes, Abril 9, 2024

/ by Lovely


 Tinalakan ng aktor na si Janus Del Prado ang It's Showtime host na si Vice Ganda at iba pang mga co-hosts nito.


Ayon kay Janus Del Prado, mga hipokrito ang mga It's Showtime hosts sa pangunguna na Vice Ganda lalo na ngayong lumipat na ang mga ito sa GMA7.


Ang pinanghuhugutan ni Janus Del Prado ay ang mga pinagsasabi ni Vice Ganda noong kasagsagan ng paglilipatan ng mga ABS-CBN artists sa GMA7 matapos mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa si Vice Ganda sa mga artista na naninindigan ng kanyang loyalty sa ABS-CBN at nagsasalita pa ng hindi maganda para sa mga taong piniling talikuran ang network sa panahong nalugmok ito.


Kaya naman masasabi ni Janus Del Prado na isang hipokrito si Vice Ganda dahil ito pa mismo ang nagsasalita ng hindi maganda sa mga artistang nauna sa GMA subalit wagas kung makapapuri ngayon sa network na kumupkop sa kanila.


Iginiit pa ni Janus Del Prado na talagang mali na magsalita ng tapos sa kapwa at maging sa sarili dahil na rin sa hindi hawak ng tao ang mangyayari sa susunod na pagkakataon.


Ayon kay Janus Del Prado, yung mga bumabatikos sa mga lumipat ng network dati, naglipatan na rin ngayon. Patanong pa niyang sinabi na akala ba niya hindi loyal ang mga lumilipat ng network?


Naniniwala naman ang ilang mga netizens na gumaganti ngayon si Janus Del Prado sa ginawa noon ni Vice Ganda sa kaibigang si Bea Alonzo.


Matatandaan na ilang beses ring pinaringgan noon ni Vice Ganda si Bea Alonzo nang lumipat ito ng network mula sa ABS-CBN papuntang GMA7.


Kaagad namang rumesbak ang mga madlang pipol kay Janus Del Prado at sa naging pahayag nitong paglipat nina Vice Ganda.


Ayon sa mga netizens at supporters ni Vice Ganda, hindi naman masasabing lumipat ng network si Vice Ganda at ang It's Showtime sa GMA7 dahil nagkaroon lang naman sila ng blocktime agreement.


Iginiit pa nila na nananatiling Kapamilya pa rin sina Vice Ganda at ang It's Showtime, hindi sila talent ng GMA7.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag si Vice Ganda bilang sagot sa naging pahayag ni Janus Del Prado.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo