Paulo Avelino, Non-Showbiz Partner Ang Gusto

Martes, Abril 9, 2024

/ by Lovely


 Isa ang pinag-uusapang aktor na si Paulo Avelino sa mga cast ng pelikulang Elevator kung saan gaganap siya bilang isang OFW.


Makakasama naman ni Paulo Avelino sa nasabing pelikula ang iba pang malalaking stars na kinabibilangan nina Kylie Verzosa, Chai Fonacier, Shaun Lim, Shrek Bhargava, Shahid Nasheer, Rishii Vadrevu at Amy Cheng.


Labis namang nasiyahan si Paulo Avelino sa kanyang pagganap  sa pelikulang 'Elevator'.


Sa naganap na mediacon para sa pelikulang Elevator, inilahad ni Paulo Avelino na para sa kanya ay isang inspirational film ang nasabing pelikula kung saan makikita ang totoong buhay ng mga OFW.


Inilahad din ni Paulo Avelino na talagang ginawa niya ang kanyang best para maging organic ang kanyang pagganap sa kanyang role.


Gusto umano niyang maging maayos ang representation niya sa mga kababayan natin na nagtatrabaho sa ibang bansa malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.


Sa kabilang banda, nailahad rin ni Paulo Avelino na mas pipiliin niya na magkaroon ng perfect partner kaysa sa pagkakaroon ng perfect career.


Ayon kay Paulo Avelino, kapag nakahanap na ng perfect partner ay mas mas nagiging desidido ang tao to thrive.


Samantala, ang lalong ikinagulat ng mga netizens ang pagsisiwalat ni Paulo Avelino na mas prefer niya na maging partner ang babaeng hindi nagmula sa showbiz industry.


Dahil sa naging pahayag na ito ni Paulo Avelino marami ang napaapatanong kung paano na lang si Kim Chiu na kasalukuyang iniuugnay sa kanya matapos ang pagsasama nila sa magkasunod na serye.


May mga napapaisip na baka wala naman talagang namamagitan sa dalawa at hanggang sa pagiging on-screen partner lamang ang relasyon ng dalawa.


May mga naghinala pa na ipinapalabas lamang nina Kim Chiu at Paulo Avelino na magkalapit para supurtahan ng maraming mga netizens ang kanilang tambalan.


Sa kabilang banda, kaagad  naman dumipensa ang mga fans ng KimPau at inilahad nilang may kakaibang talaga sa tinginan ng dalawa na hindi naman makikita sa ibang magka-loveteam.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo