Rica Peralejo Sinagot Ang Netizens Na Pinuna Ang Suot Niya Ng Swimsuit Dahil Asawa Siya Ng Pastor

Martes, Abril 2, 2024

/ by Lovely


 Nakatanggap ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang larawan na ibinahagi ng aktres na si Rica Peralejo sa kanyang Instagram account.


Marami an kumukwestyun ngayon sa aktres na si Rica Peralejo patungkol sa kanyang pananampalataya dahil sa pagbabahagi niya ng larawan sa social media kung saan nakasuot siya ng swimsuit.


Sa kanyang post, hinighlight niya ang kanyang matabang legs, "I used to hate my “fat” legs and wished they were thin legs. Now all I pray for are strong legs. I dont care how they look for as long as they take me to places where I want to go. The shift in your forties can both be sobering and stress-free at the same time and I love it. I love how freeing it is to age and think of what others think less than what we actually want and need."


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens at maging ang kanyang asawang pastor ay nagkomento rin kung gaano nito kagusto ang kanyang legs lalo na at malakas umano ito.


Komento ng asawa nito, "always been a fan of your legs. but i’m also glad they’re stronger and stronger. marami pa tayong pupuntahan."


Kaagad naman itong sinagot ni Rica Peralejo kung saan inilahad niya na nais rin niyang makasama ang kanyang mister.


Sa kabilang banda may isang netizens naman na tila hindi nagustuhan ang pagbabahagi ni Rica Peralejo ng kanyang larawan na nakasuot ng swimsuit.


Komento ng netizens na bilang isang Kristyano ay hindi umano nararapat na magbahagi ng ganoong uri ng larawan si Rica Peralejo sa social media kahit pa maganda naman ang kanyang legs.


"Ang pretty at sexy mo po Ms. Rica. But sad to say, as a christian di ito bagay ipost lalo na’t Pastor ang inyong husband. Di siya pleasant sa paningin ni Lord. Hate me after."


Kaagad naman itong sinagot ni Rica Peralejo, kung saan inilahad niyang nirerespeto niya ang opinyon nito subalit hindi sila pareho ng paniniwala.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo