Oliver Moeller Nagsalita Na Sa Viral Photo Nila Ni Kim Chiu

Martes, Abril 9, 2024

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang Expecially For You searchee winner na si Oliver Moeller hinggil sa mga intrigang kinasasangkutan ng kumalat nilang larawan ni Kim Chiu.


Kumalat ang litrato nina Kim Chiu at Oliver Moeller na magkasama. May larawan din silang makikita kung saan kinunan sa loob ng dressing room ng It's Showtime. May larawan din si Oliver na kasama niya ang iba pang mga It's Showtime hosts.


May mga netizens naman na naghinala na tila natitipuhan umano ni Oliver Moeller si Chinita Princess Kim Chiu na katulad niya ay nagmula rin sa Cebu.


Samantala, kaagad namang naglabas ng pahayag si Oliver Moeller upang linawin ang totoong kwento sa likod ng mga larawan nila ni Kim Chiu na ibinahagi niya sa kanyang social media account.


Sa isang Facebook post ni Oliver Moeller, nilahad niya sa caption na nahihiya siya kay Kim Chiu. Dahil dito marami ang naghinalang nagrequest lamang si Oliver ng picture kay Kim Chiu katulad na lamang ng iba pang mga fans na nakikipagpicture sa kanilang mga idol.


Tila nagpasintabi rin si Oliver Moeller sa on-screen partner ni Kim Chiu na si Paulo Avelino. Sa comment section ng mismong post nagkomento rin siya kung saan sinasabi niya nahihiya siya kay Paulo Avelino.


Marami kasi ang nagsasabi na nababagay ang dalawa at marami pa ang pumapayo kay Kim Chiu na sumubok naman na makipagdate sa lalaking hindi nagmula sa showbiz industry.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo