Karylle Kumampi Kay Janella Salvador Matapos Akusahang Binastos Si Kim Chiu Sa Showtime.

Martes, Abril 9, 2024

/ by Lovely


 Ipinagtanggol ng It's Showtime host, singer na si Karylle ang actress-singer na si Janella Salvador sa gitna ng mga pambabatikos na natatanggap ng huli matapos ang kanyang guesting sa It’s Showtime.



Matatandaang nag-viral si Janella Salvador sa social media noong April 5, matapos itong tumanggi sa request ng It’s Showtime host na si Kim Chiu na humiling sa kanya na magbigay ng sample ng bago niyang kanta na kalalabas pa lamang sa ilang mga streaming platforms.


“Sample naman Janella sa bago mong…” hiling ni Kim Chiu kay Janella Salvador.


Hindi pa man natatapos sa request si Kim Chiu kay Janella Salvador ay kaagad itong tinanggihan ng aktres dahil paos siya at sina Kim Chiu na lamang ang kumanta at magbigay ng sample para sa madlang pipol.


“Medyo paos ako today, kayo na lang. Next time, promise,” pahayag ni Janella Salvador.


Hindi naman ito nagustuhan ng maraming mga netizens dahil hindi umano magalang ang pagkakasalita ni Janella Salvador at nakaka-offend umano sa parte ni Kim Chiu.


Naglabas naman ng pahayag si Janella Salvador, kung saan inilahad niya na hindi niya intensyon na maka-offend at i-disrespect si Kim Chiu.


Samantala, ipinahayag naman ng singer na si Karylle na wala namang masama sa naging joke ni Janella Salvador sa It's Showtime.


Inilahad din niya na may karapatan naman si Janella Salvador na tumanggi sa request lalo na kung hindi naman maayos ang nararamdaman nito.


“It’s just that Janella is not feeling so well, and she’s preparing for her big concert, and she’s doing movie press. Siguro she’s not able to really rest and recover properly. So, we just asked her to do ‘sampol, sampol,’ but she wasn’t ready for it coz, obviously, she wants to be on tip-top shape for her concert,” pahayag ni Karylle.


“So, yeah, yeah, it was like a little moment that, you know, parang maybe to some people online, it meant something. But, you know, she just really couldn’t sing at that moment,” dagdag pa ni Karylle.


Naniniwala rin si Karylle na ang ibig sabihin ni Janella Salvador sa ipinahayag niyang “kayo nalang” ay reference niya sa moment sa pagitan nila ni Kim Chiu at Anne Curtis.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo