Kim Chiu Ganito Ka Loyal Kay Paulo Avelino Dinedma Si Oliver

Martes, Abril 9, 2024

/ by Lovely


 Nakakatanggap ngayon ng pang-iintriga ang actress-TV host na si Kim Chiu at ang sumalang bilang searchee ng Expecially For You segment noong April 6, 2024 sa unang araw ng pag-ere ng It's Showtime na si Oliver Moeller.


Naging tampok sa asaran sina Kim Chiu at Oliver Moeller dahil bukod sa pareho silang nagmula sa Cebu marami rin ang nakapansin sa lakas ng kanilang chemistry.


Marami pa ang nagsasabi at pinapayuhan si Kim Chiu na subukan naman niyang makipag date ng lalaking hindi namula sa showbiz industry.


May mga nagsasabi pa na kung sakaling hindi mag-work ang date nina Michelle Dee at Oliver Moeller ay maaring pagbigyan naman ni Kim Chiu ng pagkakataon na maka-date si Oliver Moeller.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga fans ng tambalang Kim Chiu at Paulo Avelino ang hindi nagustuhan ang mga komento ng fans dahil na rin nasa kasagsagan ngayon ng kasikatan nila ng tambalan ng dalawa.


Hindi rin ito nagustuhan ng maraming fans ng dalawa na umaasang magkakatuluyan ang dalawa na ngayon ay tila nagkakamabutihan na matapos ang magkasunod nilang proyekto.


Samantala, bago pa man nagkakilala sina Oliver Moeller at Kim Chiu ay ilang beses nang napapaulat ang pagkakaroon ng relasyon nina Kim Chiu at Paulo Avelino na tinatago lamang umano nila sa publiko dahil mas minabuti nila na gawin na lamang pribado ang lahat upang makaiwas sa kontrobersiya.


Marami naman sa mga fans nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang labis na kinilig dahil sa napansin nilang pag-heart ni Kim Chiu sa post ni Paulo Avelino.


Makikita rin na hindi naman naka-follow si Kim Chiu kay Oliver Moeller na pahiwatig lamang umano na talagang loyal ang aktres kay Paulo Avelino.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo