Alden Richards Dumalo Sa Multi Million House Blessing Ni Kathryn Bernardo!

Biyernes, Abril 12, 2024

/ by Lovely


Naganap na kagabi ang inaabangang house blessings para sa multi million na dream house ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo para sa kanyang pamilya sa Antipolo Rizal.


Kabilang sa mga dumalo sa blessing ng bagong bahay ng Kapamilya star na si Kathryn Bernardo ay ang Kapuso star na si Alden Richards.


Samantala, kumakalat ngayon sa mga social media account ang mga larawan at video clips na nagmula sa isang Instagram account na dedicated kina Kathryn Bernardo at Alden Richards na siyang unang nag-post sa IG story nito ng ilang mga kuha ng snaps ng mga dumalo sa event.


Bukod kay Alden Richards, present sa event ang iba pang mga celebrity tulad nina Chie Filomeno, Dimples Romana at Gelli de Belen.


Makikita naman na talagang nag-enjoy si Kathryn Bernardo sa naganap na party dahil makikita itong masaya na nakikipagsayaw at inuman sa kanyang mga bisita.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na marami sa mga fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang umaasa na magkakamabutihan na ang dalawa dahil sa pagiging sweet ng mga ito sa nakaraang 2nd birthday celebration ni Kathryn Bernardo.


Maging sa nakaraang birthday party ni Kathryn Bernardo sa El Nido, Palawan ay naroon din si Alden Richards para makisaya kasama ang iba pang mga kaibigan ng aktres.


Samantala, marami naman ang kinilig sa naging sagot ni Alden Richards sa kamakailang panayam sa kanya kung ano ang totoong estado ng relasyon ni Kathryn Bernardo.


Ayon kay Alden Richards, kung ano man ang nakikita ngayon ng mga netizens sa kanila ay iyon na ang totoong namamagitan sa kanila.


Naniniwala din si Alden Richards na hindi nararapat na ipamalita ang kung anong relasyon nila dahil personal na nilang buhay iyon.


Buong pahayag ni Alden Richards, "What you see is what you get. Hindi lang din talaga kailangan lagi ipamalita sa social media 'yung mga ganiyan. You know, sometimes 'yung mga personal things that's happening, better be personal na lang."


Isiniwalat din ni Alden Richards na magmula noong naging magkatambal sila ni Kathryn Bernardo sa matagumpay nilang pelikula na Hello Love Goodbye ay hindi na nawala ang kanilang pagkakaibigan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo