Mga Fans Nabahala Kylie Verzosa, May Pinagdadaanan Kaya Bumagsak Ang Timbang

Martes, Abril 23, 2024

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag si Miss International 2016 at aktres na si Kylie Versoza sa mga netizens na tinawag siyang unhealthy dahil sa hubog ng kanyang katawan ngayon kung saan kapansin-pansin ang pagbaba ng kanyang timbang.


Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Kylie Verzosa ang kanyang outfit para sa Revolve Festival nang biglang pinuna ng maraming mga netizens ang hubog ng kanyang katawan, na nagsasabing hindi na siya healthy dahil sa labis na pagpayat.


Ayon sa ilang mga netizens na nagmukhang mayroong sakit si Kylie Verzosa dahil sa labis nitong pagpayat. May mga nagsasabi pa na wala na siyang laman, buto't balat na lamang.



Ipinuntot pa ng ilang mga netizens na tila hindi na umano normal kung titingnan ngayon si Kylie Verzosa dahil sa malaking pagbabago ng kanyang katawan.


Sa kabila ng pamumuna at pambabatikos kay Kylie Verzosa may ilang mga tagahanga naman ang dating beauty queen at actress ang dumipensa rito kung saan sinabi nilang mas makakabuti para kay Kylie kung titigil na lamang ang mga ito sa pagbibigay ng mga mean comments.


Samantala, nilinaw naman ni Kylie Verzosa ang kanyang pagbabawas ng timbang sa naging sagot niya sa ilang netizen kung saan sinigurado niya sa mga ito na malusog siya at kumakain ng healthy diet.


“I’m perfectly healthy and happy, I eat healthy and I take very good care of my health. It’s sad to see many Filipinos judging their own. I’m super proud to come from here, but you guys make it hard to appreciate home. We’re far behind, and yet here we are still commenting on other people’s bodies,” sagot ni Kylie Verzosa.



“It’s never okay. I hope you guys are okay and just focus on yourselves and your own personal growth and wellbeing. Being kind to one another will always be in,” dagdag pa niya.




Sa kabila nito marami pa rin ang nababahala kay Kylie Verzosa dahil tila may mali talaga rito at sa katawan nito ngayon. Napakalaki na rin umano ang pinagbago nito kaysa sa dati nitong katawan noong sumabak siya sa Miss International 2016 at nitong mga nakalipas na taon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo