Marami Ang Nagulat Sa Reaksyon Ni Maine Mendoza Kina Alden Richards at Kathryn Bernardo!

Martes, Abril 16, 2024

/ by Lovely


 Laman ng usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang isyung nagreak umano ang actress-host na si Maine Mendoza sa panliligaw ngayon ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo, totoong sinabing paasa si Alden Richards katulad ng ginawa nito sa kanya?


Kabilang sa mga isyung tinalakay ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin at ng kanyang mga co-host na sina Rommel Chika, at Wendell Alvarez ang kumakalat na quote card, kung saan ipinakita ang sinasabing pahayag ni Maine Mendoza sa gitna ng mga usap-usapan patungkol sa panliligaw ng Kapuso actor na si Alden Richards kay Kathryn Bernardo.


Sa kanyang programa, binasa ni Cristy Fermin ang kumakalat na photo card, na in-upload ng isang entertainment page.


“Ang sabi raw niya, ‘Ako, walang problema with Kathryn. She deserves to be happy. Pero with Alden, kung manliligaw ka panindigan mo. Totohanin mo! ‘Wag kang paasa!’ Isipin mo, sasabihin ba ni Maine Mendoza ‘yan?” pahayag ni Cristy Fermin.


Kaagad namang nag-react ang co-host ni Cristy Fermin na si Rommel Chika na kung totoo mang ginawa ito ni Maine Mendoza ay kaagad na malalaman na may halo itong bitterness.


Ayon pa kay Cristy Fermin na dapat ay maging mapagmatyag ang mga netizens at piliin ang mga bagay na paniniwalaan na lumalabas mula sa internet dahil hindi lahat ng mga napapabalita ay totoo dahil sa panahon ngayon madali na lamang na gumawa ng mga fake news at mga fake photo cards.


Matatandaan na bago paman lumabas ang photo card na ito, nauna nang nanindigan ang mga AlDub fans na, immoral ang ginawang pagpatol ni Kathryn Bernardo kay Alden Richards dahil may asawa at mga anak na ito kay Maine Mendoza.


Marami pa rin kasi sa mga Aldub fans, hanggang ngayon ay naniniwala pa rin sa kwento sa Kalye Serye noong 2016,


Gayunpaman, ilang beses nang nilinaw nina Alden Richards at Maine Mendoza na hindi naging totohanan ang kanilang relasyon at hanggang sa on-cam lamang ang kanilang pagiging mag-partner.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo