Vice Ganda Nagreact Sa Bagong Segment Ng Eat Bulaga Na That's My Boyfriend

Martes, Abril 16, 2024

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinagbabangayan ng mga tagahanga ng It's Showtime at Eat Bulaga ang isyung panggagaya umano ng huli sa isang segment ng It's Showtime na Expecially For You.


Hindi matigil-tigil ang umiinit na isyu sa pagitan ng dalawang magkatapat na noontime show ngayong nagkapalit na sila ng pwesto sa TV5 at GMA7.


Matatandaan na matapos mapasara ang ABS-CBN dahil sa kawalan ng prangkisa, umire sa TV5 ang It's Showtime habang nasa GMA7 naman noon ang Eat Bulaga ng TVJ under TAPE Incorporated.


Subalit noong nagkaroon ng internal issue ang TVJ at executives ng TAPE Inc. ay napagdesisyunan nila na lumipat sa TV5 dahilan para mapatalsik ang It's Showtime na pinangungunahan ni Vice Ganda.


Nailipat naman sa GTV ang It's Showtime isang subsidiary channel ng GMA Network samantalang patuloy na umiere sa GMA7 ang Eat Bulaga na iniwan ng TVJ at iba pang mga host nito.


Subalit, makalipas ang ilang buwan ay matagumpay na nakuha ng TVJ ang pamagat na Eat Bulaga at napilitan ang TAPE Inc. na magpalit ng pangalan bilang Tahanang Pinakamasaya.


Subalit, tila may malaking damage na ang show bago paman umano iwan ng TVJ kaya hindi na sila tuluyang nakabawi at nakapagdesisyun na tuluyang itigil ang show.


Sa pagkakatigil ng show na Tahanang Pinakamasaya, nabigyan ng pagkakataon ang It's Showtime na makalipat sa GMA7 kung saan may mataas na reach, subalit kulang ng quality show.


Sa unang araw ng It's Showtime sa GMA7 ay kaagad nitong pinataob ang Eat Bulaga sa ratings at sa TV ads.


Lalo pang tumitindi ngayon ang tapatan ng dalawang shows lalo na't napansin ng marami ang tila panggagaya ng Eat Bulaga sa It's Showtime sa panibagong segment nilang That My Boyfriend.


Unang araw pa lamang ng kanilang segment ay kaagad na itong binabatikos dahil familiar ito sa Expecially For You ng It's Showtime, mula sa set-up hanggang sa logo.


Subalit, may mga nagtatanggol naman sa Eat Bulaga at ipinuntong kung papanoorin ang segment ay malayong-malayo naman umano ito kaya hindi masasabing may nanggaya at ginaya.


Samantala, hinala ng maraming mga netizens na may ibang pakahulugan si Vice Ganda sa sinabi niyang familiar na inilahad niya bilang isang biro sa kamakailang episode ng It's Showtime.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo